Iron Territory (Daisy POV)

1603 Words

“Nangahas kayong pasukin ang teritoryo ko—pwes, harapin niyo ang pinasok niyo: ang kamatayan niyo.” Tumigil ang mundo sa mismong sandaling iyon. Hindi dahil sa lakas ng boses niya. Kundi dahil sa bigat ng bawat salitang lumabas sa bibig ni Andrew Villamor. Nakatayo siya sa gitna ng warehouse na amoy pulbura at dugo, nakataas ang baril, malamig ang mga mata, walang kahit katiting na alinlangan. Sa paligid namin, nakahandusay ang mga lalaking ilang minuto lang ang nakalipas ay nag-aakalang sila ang hari ng mundong ito. Ngayon, isa-isa silang bumagsak. Walang mintis ang galaw niya. Walang panginginig ang kamay. Parang parte na ng katawan niya ang sandata. Ako, nakadikit sa likod ng isang lumang container, nanginginig, humihingal, nangingilid ang luha—pero pilit na hindi sumisigaw. Ito an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD