“Hindi ako titigil sa pagtakbo hangga’t hindi ko muling nararamdaman ang sarili ko,” sabi ko sa salamin bago ako lumabas ng villa. “Sigurado ka bang mag-isa ka lang pupunta?” tanong ng caretaker habang inaabot sa akin ang susi ng motorsiklo na nirentahan ko. “Oo,” sagot ko. “Kailangan ko lang mag-enjoy.” Hindi niya alam kung gaano kalalim ang ibig sabihin ng salitang iyon para sa akin. Hindi ko pinansin ang mensaheng iniwan ni Andrew sa alaala ko. Hindi ko pinansin ang anino ng bantang binitiwan niya sa hangin. Hindi ko pinansin ang katotohanang kaya niyang abutin kahit ang dulo ng mundo. Gusto kong mabuhay. Gusto kong maramdaman ang pulso ng gabi. Kaya heto ako, papunta sa San Juan. Sa Floatsurf & Joyhub. Pagdating ko roon, sinalubong ako ng malakas na tugtog, amoy ng dagat, halo

