“Hindi mo ako mapipigilan,” pabulong kong sabi sa sarili habang isinara ko ang pintuan ng silid. “Daisy, sandali lang—” narinig kong tawag ni Manong Rico sa ibaba, isa sa mga bodyguard na naka-assign sa akin. Pero hindi ako huminto. Mas binilisan ko pa ang lakad ko sa pasilyo, diretso sa fire exit. Ilang araw ko itong pinagplanuhan. Lahat ng galaw ko, bawat oras, bawat ruta—kabisado ko na. Hindi ko kayang mabuhay sa ilalim ng bantay. Hindi ko kayang huminga sa kulungang ginintuang ginawa ni Andrew. Kailangan kong umalis. Kailangan kong maglaho. Pagdating ko sa parking area, mabilis kong pinasok ang rented car na binook ko gamit ang ibang pangalan. Naka-cap at hoodie ako, nakasuot ng salamin. Mukha akong karaniwang estudyanteng nagmamadaling umuwi. Pag-start ko ng makina, nanginginig

