“Hindi ako kakain,” malamig kong sabi, hindi man lang tumitingin sa direksyon nila. “Daisy,” mahinahong tawag ni Tiyo Ramil mula sa hapag, “kahit konti lang—” “Busog na ako,” mabilis kong putol, kahit kumakalam ang sikmura ko at nanginginig ang tuhod ko sa pagod at puyat. Tahimik ang buong dining area. Naroon si Vivian, hawak ang kutsara pero hindi sumusubo. Si David, nakayuko, tila nag-iisip kung dapat ba siyang magsalita o hindi. At si Andrew—nakasandal sa upuan, matalim ang mga mata, malamig ang aura, parang siya pa ang may karapatang magalit. ‘Talaga lang ha,’ sabi ko sa loob-loob ko. ‘Ako na nga ang nasaktan, siya pa ang galit.’ Humakbang ako palayo, paakyat sa hagdan. “Daisy,” mariing tawag ni Andrew, boses na hindi sanay magmakaawa. Hindi ako huminto. Pagpasok ko sa kwarto,

