“Ms. Samonte, hinihintay ka ni Mr. Villamor sa opisina niya ngayon din.” Nanigas ang buong katawan ko sa boses ng secretary na tumawag sa cellphone ko. “Ngayon?” mahina kong tanong, pilit kinakalma ang panginginig ng kamay ko. “Opo. May ipapapirma raw po siyang mahalagang dokumento.” Napapikit ako sandali. Ito na. Ito na ang sandaling pilit kong iniiwasan mula pa noong gabing inabot niya sa akin ang mundo kapalit ng katahimikan ko. “Sabihin mo sa kanya, parating na ako,” sagot ko sa wakas. Pagkababa ng tawag, tumitig ako sa salamin sa loob ng maliit na CR ng ospital. Namumugto ang mata ko sa puyat at iyak. Maputla ang balat ko. Wala akong kahit anong bakas ng lakas—pero kailangan kong magmukhang matatag. Sa likod ko, tahimik na natutulog si Tiyo Ramil sa ICU. Stable na raw siya, s

