“Hindi ko kailanman hiningi ang lahat ng ito.” Diretso kong sinabi iyon habang magkatapat kami ni Andrew sa pribadong dining area ng mansion. Tahimik ang paligid, tanging kalansing ng kubyertos at ang mahinang tunog ng aircon ang maririnig. Pero sa pagitan naming dalawa, may tensyong halos maputol ang hangin. “Hindi mo rin kailanman tinanggihan,” sagot niya nang malamig. Napangiti ako nang mapait. “May choice ba ako?” Hindi siya sumagot agad. Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom, parang sinasala muna ang isasagot. Ganoon siya palagi—kontrolado, kalmado, parang kahit anong emosyon ay may lock at password. “May choice ka,” sabi niya sa wakas. “Pero hindi mo ginagamit.” At doon ko naramdaman ang bigat. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang pumatong sa dibdib ko ang pakiramdam ng pag

