“Ate Daisy, may babaeng kanina pa nakatingin sa’yo sa labas.” Napatigil ako sa pag-aayos ng mga papeles sa mesa. “Saan?” “Doon sa gate,” sabi ni Vivian, bahagyang sumilip sa kurtina. “Naka-itim. Nakatayo lang. Parang… naghihintay.” Nanlamig ang likod ko. Mula nang magsimulang gumalaw ang mga kaaway ni Andrew, naging mas alerto na ako sa bawat kakaibang kilos sa paligid. Lumapit ako sa bintana, sinilip ang sinasabi ni Vivian—at doon ko siya nakita. Matangkad. Mahabang buhok. Matarik ang tindig. Diretso ang titig sa direksyon ng bahay. Parang may binibitbit siyang mensahe. At alam kong hindi iyon maganda. “Vivian, pumasok ka na sa kwarto. Isama mo si David,” mariin kong utos. “Pero—” “Now.” Tumango siya at mabilis na umalis. Kinuha ko ang phone ko at agad tinawagan si Andrew. “May

