Napapitlag ako at tila napabalik sa realidad nang maulinigan ang naghuhuramentadong cellphone na walang tigil din sa vibration. Nilingon ko na iyon na nakapatong sa center table. Ibinaba ko iyon kanina doon matapos na manggaling ng silid. Muli kong sinulyapan ang plastic ng platops na nasa sahig pa rin, ngunit sa halip na pulutin iyon ay inuna ko munang sagutin ang tawag. Babalikan ko na lang ang plastic ng chocolates mamaya tutal ay mukhang mas importante ang tawag na ito sa akin. “Hello?” “Doc Safi, pasensiya na sa istorbo. Nasa bahay ka pa ba ngayon? Alam ko namang day off mo at hindi ka pwedeng piliting pumasok ng clinic lalo at ayaw mo pero pwede bang cancel muna? Pagbigyan mo ako ngayon. I need you here para mag-duty today dahil may importante akong lakad. Biglaan. Hindi ko pweden

