Nagtungo kami ng Italy nina Mommy at Daddy nang sumapit ang graduation ni Kuya Timothy sa college. Saglitan lang ang planong iyon dahil bukod sa marami nilang lakad ay mayroon pa din akong klase. Kahit nasa banyagang bansa ay nakuha pa rin niyang makatanggap ng honor na sobrang nakaka-proud. Habang pinagmamasdan siyang kunin ang award ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na mausal na sana ako rin, kasinggaling din ako ni Kuya Timothy kahit saang larangan ito subukin at saka hamunin. “Seryoso ka Kuya Timothy? Agriculture talaga ang kinuha mong course? Sinunod mo ang tagubilin nina Lolo at Lola? Nak's, proud na proud ako sa'yo!” hindi makapaniwalang tanong ko habang kumakain kami ng dinner sa labas, parang simpleng blowout nila Mommy kay Kuya ang nangyari. Hindi ko alam pero parang nabunu

