Nang mga sumunod na araw ay para ako mababaliw dahil sa paulit-ulit kong naririnig ang kanyang tinig sa aking isipan. Ang naging huling litanya ng kaibigan. Pilitin ko ‘mang pagtakpan ang ginawa ni Ravin, alam ko sa sarili kong siya naman talaga ang may malaking kasalanan. “Tama si MD, sino ba namang hibang ang maghihintay sa walang kasiguraduhan kung babalik o hindi? Parang pinaniwala ko lang ang sixteen years old self ko na may totoong Santa Claus na namimigay ng regalo.” wika ko habang pinagmamasdan ang larawan naming dalawa ni Ravin, nakadapa ako sa ibabaw ng aking kama at hindi ko na naman mapigilan ang sariling masaktan. Ang dami na namang what if ang pumapasok sa aking isipan. “Huwag kang magpabulag sa matatamis niyang salita, Safiera. Huwag ka diyang baliw! Ginagago ka lang noon.”

