“Safiera, huhulaan ko na umiyak ka na naman kagabi. Huwag ka ng tumanggi dahil kumakaway na naman sa akin ang namamaga mong mga mata.” high pitched ang tono ng boses na iyon ni MD na akala mo ay kumakanta. Mabilis akong napapitlag at halos mapatayo sa upuan nang maulinigan ang boses niyang iyon. Kaklase ko pa rin siya sa ibang mga subject sa kolehiyo kahit na magkaiba na kami ng course. Ito ang unang araw namin ng pasukan sa pagiging first year college. Ang buong akala ko pa naman ay hindi niya na iyon napapansin dahil busy siya sa kanyang buhay noong huling taon namin sa senior high. Nawalan siya ng oras sa akin noon kung kaya naman ang buong akala ko talaga ay hindi niya ito mapapansin. Mali ako, marahil ay dama niya ang mga pinagdadaanan ko at hindi niya lang iyon sa akin isinasatinig

