Ang buong akala ko ay madali lang ang makipag-meet the parents, iyong tipong sa unang pagkikita niyo pa lang ay tanggap ka na nila agad at magiging palagay na ang kalooban mo sa kanila. Nag-expect ako ng ganun since alam ko namang mababait ang mga magulang ni Ravin. Subalit, iba pala talaga ang pakiramdam kapag kaharap mo na sila. Doon mo masasabi sa sarili mo na ay oo nga pala, ibang tao pa rin pala sila. Nakakailang pa rin kahit na magulang siya ni Ravin. Akala ko pa naman ay kagaya lang din sila ng grandparents niya. Mabilis makakapalagayan. “Magandang hapon po, pasensiya na po kung biglaan ang pagpunta ko dito.” sambit ko nang pagdating namin sa kanilang tahanan ay nasa labas sila. Si Violet lang at ang kanyang ina ang naroon, wala pa ang ama nila. “Oh? Pasok.” tipid ng kanyang ina

