Hindi Inaasahang Bisita

2262 Words
KABANATA 20 STEN MARIE Ako nga pala si Sten Marie Amsedel. Kasalukuyan akong nag-aaral dito sa eskuwelahan kung saan ako nagsimulang mag-aral. Nasa 6th grade na ako at malapit na akong magtapos ngayong taon. Oo, tama ka riyan sa iniisip mo. Nasa edad dose pa lang ako nang magsimula akong magdalaga. Kakasimula pa lang ng taong 6th grade ko nang malaman kong isa na akong ganap na dalaga. Naninibago ako sa simula dahil hindi ko alam na ganito pala kapag nagdadalaga. Napakahirap palang talaga at napakasakit pa na tila mahihilo ka. Hindi ko naman alam na iba ako kung datnan, nagiging masakitin ako at lagi na’y nakahiga lang para matulog buong araw. Kaya lang no’ng nagdaang kapaskuhan ay um-attend pa rin ako ng aming Christmas Party kahit ayoko sana. Hindi ko naman akalain na ‘yon ang unang pagdadalaga ko. Ayoko ng banggitin pa dahil hindi magandang pakingggan. Lagi lang akong nakaupo sa upuan ko. Hindi ako kumikilos kung kaya’t pinagtakhan din ako ng aking mga kaklase pero sinabi ko naman sa kanila ang dahilan at nagkibit-balikat lang sila. Nauunawaan nila ang naging kalagayan ko ng mga panahong ‘yon. At iyon na nga...para akong isang bagong tuli na nagkakamatis dahil sa paika-ikang lakad ko. Pa’no naman kasi, naninibago ako at nakikiramdam sa ‘king kalagayan. Ganito pala talaga ang pakiramdam. Kaya’t masama man para sa kanila ang isiping ito subalit lagi kong sinasabi sa ‘king isip na sana lalaki na lang ako dahil ayoko ng ganito sa isang babae, napakahirap pa lang talaga! Isang buwan na lang simula ngayon at ga-graduate na ako ng 6th grade. Malapit na akong pumasok sa secondary school. Nasa loob ako ngayon ng banyo habang hinihintay ang magiging resulta ng sinalihan kong poster making sa aming school. Kanina pa ako nagtatago sa loob ng comfort room, banda sa aming classroom. Kabado akong malaman ang magiging resulta ng sinubmit kong may tema ng `Breastfeeding panatilihin, dagdagan ng wastong pagkain.` Ganito ako lagi kapag kinakabahan ako. Nagtatago ako dahil hindi ko kayang harapin ang mga nasa paligid ko. Nang maya-maya ay may tumatawag na sa aking pangalan at hindi pa rin ako lumalabas ng comfort room. Hanggang sa narinig kong may nag-paging na sa pangalan ko sa buong school. Bigla akong kinabahan. Lumakas ang pintig ng puso ko. Nang marinig ko ang boses ng aking kaibigan na akin ding kaklase na kumakatok sa pinto ng banyo at walang tigil na tinatawag ang pangalan ko. Halos masira na ang pinto sa ginawa niyang pagkatok. Kaya naman binuksan ko na ito para matigil na siya sa pagkatok sa pinto. “Love!” hingal niyang sambit sa ‘king palayaw na tanging kami lang dal’wa ang gumagamit. Iyon daw kasi ang tawagan ng mga matatalik na magkaibigan kaya nakisabay na rin kami sa uso. “B-bakit?” tanong ko naman sa kaniya na nagulat sa kaniyang pagka-histerical. “Nandito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap nila Cate eh, kanina pa tinatawag sa ere ang pangalan mo, kaloka ka talaga! Dito ka lang pala nagtatago,” inis niyang sabi sa ‘kin. “Bakit nga?” irita kong tanong sa kaniya dahil ang dami pang sinasabi hindi na lang ako diretsahin. “Hindi mo ba narinig?” sabi pa niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya na siyang dahilan ng aking pagngiwi. “Hindi nga, basta ‘yong pangalan ko lang ‘yong malinaw sa pandinig.” Sagot ko naman sa kaniya. “Loves! Nanalo ka! Ano ka ba...congratulations!” hiyaw niyang sabi sa ‘kin sabay pagyakap sa ‘kin kaya natuod ako dahil sa muli, hindi naman ako makapaniwala. “Talaga, s-weetheart? Totoo ba ‘yang sinasabi mo?” pagkumpirma kong sabi sa kaniya. “Oo, naman! Ikaw pa. Tara na at hinihintay ka na sa stage,” aya niya sa ‘kin na siya pa ‘yong mukhang mas excited. Napasunod na lang ako kay Loves palabas ng classroom building namin at tinungo namin ang stage kung sa’n naghihintay nga ang mga estudyante at ang aming punong-guro na katabi pa niyang nakatayo sa isang standy na aking iginuhit na gamit lamang ang color pastel na tanging object at pangkulay ko lamang. “Ms. Amsedel, congratulations for winning our poster making contest for this year. Your drawing comes first,” bati sa akin ng aming punong-guro na si Mrs. Garvido. Nginitian ko naman ang aming principal. “Maraming salamat po, Mrs. Garvido,” sabay abot ng kaniyang kamay para makikamay. Sabay naman abot si Maam Garvido ng isang puting sobre sa akin at walang sawang paulit-ulit bumabati sa akig pagkapanalo. Nagpasalamat naman ako sa lahat na mga estudyanteng pumupuri sa aking pagkapanalo. Nagbigay ako ng maliit na talumpati at sa huli ay nagpasalamat sa lahat ng teachers na naroon maging ang mga kapwa istudyante ko. Pagkatapos nagpatuloy na ang program at pagkababa ko ng stage ay siya namang paglapit sa ‘kin ni Red Horton ang tanging nag-iisang kalaban ko lang naman pagdating sa pagguhit. Kahit kailan ay hindi siya nanalo sa ‘kin simula noong nagsimula akong sumali sa mga patimpalak sa pag-drawing. “Binabati kita. Ang galing mo pa rin,” ngiti niyang sabi sa ‘kin na tumingala pa. Hindi kasi siya gan’on kataasan, nasa balikat ko lang siya kahit lalaki siya. Ewan ko ba, hindi na ‘ata ito tumaas. “Maraming salamat. Ikaw rin, maganda pa rin ‘yong gawa mo,” pagdepensa kong sabi sa kaniya. Na agad naman niya ikinahiya sabay kamot sa kaniyang ulo kahit wala namang makati. Alam ko naman na may matagal na itong may gusto sa ‘kin pero syempre ayokong pumatol sa kaniya dahil bata pa ako, pagagalitan ako nila Mama’t Tita Einna at kung may gusto man ako ay ang kaibigan ko lang ‘yon na hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin ang kaniyang pagbalik. Kumusta na kaya siya? Naalala pa kaya niya ako? Hindi na siya nagparamdam sa akin simula no’ng umalis sila. Ang sabi niya sa akin ay tatawagan niya raw ako pero ni-isang tawag ay wala akong natanggap sa kaniya. Hindi ba kung nangako ka ay tutuparin mo ‘yon dahil hindi raw maganda ang pangako na hindi tinutupad. Anang isip ko, lagi ko na lang iyon iniisip magpahanggang ngayon. Bigla naputol ang nasa isip ko nang dumugin ako ng mga kaklase ko at ang close friend ko sa aming classroom. Binabati nila ako sabay hingi ng balato. Grabe sila sa ‘kin, dahil ba sa hindi ako madamot kaya kay dale na lang para sa kanila ang ganituhin ako. “Hep, hep!” sigaw ni Loves o Lauryn sa kanila para pigilan sila. Napatigil naman sila. “Loves?” sambit ko sa kaniyang pangalan. Nagpasalamat naman ako’t lagi siyang recuer ko kapag gan’tong naiipit ako. “Excuse me lang ‘no at hihiramin ko ‘tong kaibigan ko dahil meron pa kaming mahalagang pupuntahan. Huwag nga kayo hingi ng hingi ng balato riyan! Mahiya naman kayo sa tao,” sabi niyang pagalit ang tono ng kaniyang boses. Ngumiti naman ako dahil inismiran siya ng mga ito. Hinila naman ako ni Lauryn at patakbo kaming pumunta sa ibang direksyon sa loob ng school. Iyon pala sa canteen area kami pumunta. Mukhang may naamoy akong kakaiba. “Sweetheart, pasensiya ka na...kanina pa talaga ako gutom eh, meryinda muna tayo,” anyaya niya sa ‘kin. Napangisi na lang ako ng mahina. “Bakit ngayon mo lang sinabi? tanong ko naman sa kaniya. “Ang tagal matapos ng program eh,” iritang sabi niya. Nakakatawa talaga itong kaibigan ko. “S-sige. Um-order ka na at ako ang babayad,” turan ko rito na ikinasaya naman niya. “Tutal, nanalo ka naman kaya libre mo ‘ko,” ngising pahayag niya. “ ‘Yon na nga sinabi ko, ‘di ba?” tugon ko naman sa kaniya. At naghanap na kami ng upuan na dalawa para makapag-meryinda na. Hindi ko alam kung magkano napanalunan ko pero tiyak kong malaki rin ito at siguradong matutuwa si Mama at Tita Einna sa ibabalita ko sa kanila ‘pag uwi. WAKAS Matapos ang isang araw na tadtad ng pagod dahil sa naganap na programa sa kanilang school ay pauwi na ng mga sandaling ito si Sten sa kanilang tahanan. Ang balak niya ay maligo na muna siya at magbihis bago puntahan sina Mama’t Tita Einna niya sa kanilang tindahan. Ilang minuto lamang pagdating niya sa kanilang bahay ay naulinigan niyang may nag-uusap. Boses ng kaniyang Mama ang kaniyang narinig at may kausap itong babae na hindi na niya maalala na parang pamilyar sa kaniya ang boses na ‘yon. Pero bakit nasa bahay ang kaniyang Mama, ang buong akala pa naman niya ay nasa tindahan ito dahil pupuntahan niya ito ro’n. Pagbukas niya ng pinto ng bahay nila ay ang paglingon naman ng dalawang nag-uusap na nakaupo sa munting salas nila. “Mama? Ma, nandito na po ako,” sabi ni Sten sabay tingin sa taong nasa salas. Laking gulat ng kaniyang mga mata nang makita niya kung sino ang kausap ng Mama niya. “T-tita P-pinky?!” sambit niya sa pangalan nito na ikinagulat din ni Pinky. Tumayo naman si Pinky at nilapitan siya nito. Mula ulo hanggang paa siya nito pinagmasdan. Halos hindi ito agad makapagsalita. Sinundan lang sila ng tingin ng Mama ni Sten na nakangiti. “S-sten Marie? Is that you?” tanong nitong hindi makapaniwala. Titig na titig pa rin sa kaniyang kabuuan. “P-po? O-opo. Ako na po ito, Tita.” pagkumpirma niyang sagot kay Mrs. Pinky. Bigla siya nito niyapos ng yakap. Pagkatapos kumawala sa pagyakap sa kaniya si Mrs. Pinky, nagmano siya rito. “Tita, kailan lang po kayo dumating? Mama?” tanong niya na nilingon pa ang kaniyang ina. “Umupo na muna kayo Pinky nang makapag-usap,” sabi naman ng ina ni Sten. Umupo naman sila sa upuang kawayan nila Sten na may nakapatong na foam ang para sa pang-upo. Hawak-hawak pa rin ni Mrs. Pinky ang kaniyang dalawang kamay. “Dalaga ka na, ‘no? Ang laki mo na Sten and you are still so beautiful!” papuring sabi ni Mrs. Pinky. “Oo nga eh, ilang taon din ang lumipas kaya ‘yan malaki na at matangkad pa,” dugtong naman ni Mrs. Mariare. Pinamulahan naman iyon ni Sten saka iniyuko ang ulo dahil sa hiyang kaniyang naramdaman. “Kaya ang saya ko’t nakita kitang muli...medyo natagalan lang pero here we are now,” sabay ngiti nitong niyakap ulit si Sten. Napatingin naman si Sten kay Mrs. Pinky at sinuklian naman niya ito ulit ng yakap. “Tita, k-kumusta na po pala si Chardee?” hindi mapigilang tanong niya. Ngumiti naman si Mrs. Pinky at hinawakan ang kaniyang mahabang buhok. “By the way, muntik ko nang makalimutan. Susunod ‘yon pagkatapos ng class niya,” sabi ni Mrs. Pinky kay Sten. Kumunot naman ang nuo ni Sten sa sinabing ‘yon ni Mrs. Pinky. “B-bakit po Tita? Dito ba siya nag-aaral?” takang tanong niya kay Tita Pinky niya. Nakikinig lang ng mga sandaling ito si Mrs. Mariare sa kanilang pag-uusap. “Oo, and I’m sorry kung hindi agad namin naipaalam sa inyo, sa iyo Sten. Pagbalik kasi namin galing Korea ay naging abala kami lalo na ang paglipat ni Chardee ng school. Alam mo na...saka ngayon lang talaga nagkataon na nagkita kami ng Mama mo sa Market kanina kaya sumama na ako sa kaniya pauwi nang sa gano’n ay makabisita man lang din ako rito dahil ang tagal-tagal na rin,” pahayag ni Pinky kay Sten. “Kung gano’n po ay rito na siya mag-aaral?” ulit niyang tanong kay Mrs. Pinky. Tumango naman si Pinky. “Tinawagan na ‘yon ni Tita Pinky mo kanina na puntahan niya Mommy niya rito,” singit na sabi ng ina ni Sten. “Talaga po?” tuwang sabi ni Sten. “Are you eager to see him?” tanong ni Mrs. Pinky habang patuloy na hinahawakan ang kaniyang buhok. “Opo, Tita. Excited na po akong makita siya,” ngiti niyang sabi. Nag-ngisian naman sina Mariare at Pinky sa sinabi ni Sten at dahil nga sa excited siya sa nangyari sa kaniya ngayong araw ay nakalimutan niyang ibalita sa Mama niya ang tungkol sa nangyaring poster making contest na kaniyang sinalihan sa kanialng eskwelahan. “Sige. Sten magbihis ka na muna para makakain ka na,” turan sa kaniya ng kaniyang inang si Mariare. Tumango naman si Sten sa ina. “Sige po, Tita. Maiwan ko na po kayo,” paalam niya sa kanila na agad naman tumayo si Sten sa pagkakaupo. Dinampot niya ang kaniyang bag. Sinundan na lamang siya ng tingin nila Pinky at ng kaniyang ina. Saka sila nagpatuloy sa pagkukuwentuhan. Sa kabilang banda naman ay ang pagtataka nitong si Einna kung bakit gumabi na ay wala pa sa kanilang tindahan ang kapatid niyang si Pinky. Mabuti na lamang at hindi na masyadong busy ang kanilang tindahan dahil nagkaroon naman din sila ng dalawang helper para mag-asikaso sa mga costumers nila. Nanatili lang siyang kahera sa ngayon dahil tapos naman ang pagluluto sa mga kailangang ibenta at pagde-deliver ng ilang mga orders kanina. May ilang costumers silang nagkakape ng mga sandaling ‘to. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kanilang Cafe. Umunlad nga ito hindi tulad no’ng dati na maliit pa ito. Napapaisip pa siya kung tatawagan ba niya sa telepono ang kapatid. Nagdal’wang isip siya ngunit napagdesisyunan din naman niyang huwag na lang. Baka may mahalaga iyong ginawa at mapagdiskitihan pa siya nitong pagalitan. Magtatalo lang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD