Ang Kaniyang Pagbalik

1944 Words
KABANATA 21 “Oh, he is already here,” biglang sabi ni Pinky pagkalabas ni Sten ng kaniyang kuwarto. Agad na may bumusina sa labas ng kanilang gate na bakal. Sunod-sunod ang pagbusinang ‘yon na rinig na rinig sa loob ng bahay nila Sten. Agad iyon pinanlakihan ng mga mata ni Sten. Kinabahan siyang bigla na parang sabik na siyang makita ulit ang kaibigan na limang taong nawala. “Sige na Sten ikaw na ang magbukas kay Chardee para magkita na kayo, siguradong na-miss nila ang isa’t isa, hindi ba Mar?” pahayag ni Pinky kay Sten na nakangisi pa. Napipi saglit si Mariare ngunit nakahuma rin pagkatapos at sumang-ayon. Tinanguan niya si Sten at nginitian. Gumanti naman ng ngiti si Sten at agad na lumabas sa kanilang bahay at habang papalapit siya sa kanilang gate upang buksan ito ay hindi niya mawari kung bakit napakalakas ng t***k ng kaniyang puso. Para bang mas gusto na muna niya ito kuhanin sa loob niyon at itago nang sa ganoon ay hindi na ito magtitibok ng malakas. Pagbukas niya ng gate na bakal ay agad siyang nasilaw sa ilaw na tumama sa kaniya. Ilaw iyon ng isang Motor Bike. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ‘yong mga usong sasakyan ngayon na nakita na niya sa kaniyang paligid o kahit sa telebisyon. Nakita niya ang halong kulay na pula at itim sa motor bike pagkatapos napadako ang kaniyang tingin sa nakasakay na tila isang mature na lalaki na ang kaniyang nakita. Nakasuot ito ng isang sling bag at nakahawak pa ang mga kamay nito sa motor bike. Nakasuot pa ito ng uniporme. Hindi na ito mataba kun'di isang makisig na lalaki ang nakita niya na sa tanang buhay niya ay ngayon pa siya nakakita. Nakatulala siya at parang natuod sa kaniyang nakita. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Nakangiti ito sa kaniya na parang umismid pa dahil hindi niya ito pinansin at bahagya pa nagtagpo ang kulay itim nitong mga kilay. Lumunok pa ito saka nagsalita. “Will you really just stare at me?” ngising tanong nito kay Sten na hindi pa rin nakagalaw sa kinatatayuan nito. Agad itong bumaba ng kaniyang motor bike pagkatapos walang pag-alinlangang nilapitan nito si Sten at niyakap ito ng mahigpit. Lalong hindi nakakilos si Sten at subrang gulat ito na halos pinamulahan niya ng mukha. Ang puso niya ay hindi na basta lang tumitibok nang malakas kun’di hindi na niya maipaliwanag ang nangyayari sa loob niyon. Bakit ba siya nagkaganito? Anang kaniyang isip. “Na-miss kita, Sten?” sabi nitong pabulong na hinigpitan pa ang yakap sa kaniya. Naramdaman niya na parang hinalikan pa siya nito sa kaniyang buhok sa ulo. Doon lang siya nakahuma nang marinig niya ang pangalan niyang binanggit nito. “C-chardee!” gulat niyang sambit rito at nagpakawala sa yakap nito. Nakangisi itong tumingin sa kaniya. Hinampas niya ito sa balikat sabay bulyaw niya kay Chardee. “Ikaw na ba talaga ‘yan?” Napatili pa ito nang kaniyang hampasin. Tumawa pa ito ng malakas. “Bakit ka tumatawa?” takang tanong niya rito. Tumingin ito sa kaniya ng nakakaloko. “I’m laughing because your so cute!” sagot ni Chardee sa kaniya at muling tumawa. Nainis naman siya rito. “Alam mo, akala ko talaga kung sino? Ikaw lang pala!” napatigil ito sa pagtawa at napakunot ng noo. “What? Hindi ka ba natutuwa na nandito na ako? Are you mad at me?” sunod-sunod na tanong ni Chardee kay Sten. Napabuntong-hininga siya bago sinagot ang kaibigan. “Hindi ko naman akalain na bigla ka na lang darating! Hindi kita nakilala na ikaw ‘yan!” mataray niyang sabi. Napatawa muli si Chardee sa kaniyang inasal. “Hindi ‘ata ako na-inform na suplada ka na ngayon,” sabi ni Chardee sa kaniya. Medyo may hinanakit pa ang boses nito. “H-hindi ko naman alam na ikaw na pala ‘yan, ang laki na kasi ng pinagbago mo at hindi ka na mataba?” paliwanag pa niya sa kaibigan at diniinan ang huling salita na parang nagtatanong. Ngumisi naman si Chardee at napalugay sa bouncy niyang itim na buhok. “No...but I’m still greedy to eat,” turan niya kay Sten. Napangiwi naman si Sten sa kaniyang mukha na tila nandidiri pa rin dito dahil matakaw pa rin pala ito sa pagkain hanggang ngayon. Tumawa lang nang bahagya si Chardee sa kaniyang naging reaksyon. “Bakit, ikaw? Payat ka pa rin hanggang ngayon?” prangkang tanong nito sa kaniya. Nairita siya sa sinabi nito. Gano’n pa rin ang ugali ni Chardee lagi nitong sinasabi ang totoo sa kaniya. Lagi siyang pinapagalitan pero sweet naman. Nagulat pa siya nang sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya. Pagkatapos ngumisi pabalik ng tingin sa kaniyang mukha. “You’re still beautiful!” sabi nitong narinig niya pa nang malinaw. Bigla siyang kinabahan ulit. “Hindi na ako tataba saka napaka-” sabi niyang hindi naituloy ang naging tanong niya sana dahil pinukulan siya ng tingin nito. Bigla tuloy siya nakaramdam ng kaba. “Nandiyan ba si Mommy?” sabay lapit sa motor nito at ini-off ang engine no’n. “A-h o-oo,” bulol niyang sagot. Nanginig pa tuloy ang labi niya. Napangisi na lang si Chardee nang muli siya nitong tingnan. “Nag-dinner ka na?” tanong nito sa kaniya. Nakatayo na ito sa kaniyang harapan. “Ah eh, hindi pa...k-kasi natagalan ‘yong pag-uusap namin ng Mommy mo tapos kabibihis ko lang din galing school nang dumating ka,” paliwanag niya rito na para bang nag-alinlangan siyang magsalita rito. “That’s good. Tataba ka talaga niyan,” saway nito sa kaniya na inismiran niya. Tumawa lang ito ulit sa inakto niya. “So, let’s go!” anyaya ni Chardee kay Sten na ikinagulat naman niya ulit. Dahil malapit lang si Chardee kay Sten kaya agad nitong kinuha ang kaniyang kamay. Hinila siya papunta sa motor bike nito. “S-sandali, saan tayo pupunta?” pigil niya rito na binitawan naman nito ang kaniyang kamay. “Ano pa ba kun’di kakain tayo? I’m starving, kanina pa,” turan ni Chardee na pigil ang timpi sa kahi-hindi ni Sten sa kaniya. Sumakay na ulit sa kaniyang motor bike si Chardee tapos nilingon si Sten. “Saan tayo kakanin?” nalilito na niyang tanong dito. Nagpatirik si Chardee sa kaniyang eyeballs bago sumagot. “Saan pa nga ba kun’di sa labas tayo kakain...c’mon, sakay na,” sagot nito sabay senyas nito sa kaniya. “P-pero, sila Tita’t Mama,” alinlangan naman niyang tugon. “Don’t worry about them, they will know too kaya sakay na, bilis!” sabi nitong nagmamadali. Kaya wala na siyang nagawa pa at sumunod na lang ayon sa kagustuhan nito. Inilahad naman ni Chardee ang kaniyang kamay kay Sten para makasakay siya nang maayos ngunit pagkalapat ng kamay ni Sten sa palad ng kaniyang kaibigan ay may kung anong dumaloy na kaniya na bigla niyang naramdaman. Para pa tuloy pinagpawisan ang kaniyang kamay kahit saglit lang ang pagkahawak na iyon. “Oh, hawak ka na nang mahigpit para hindi ka mahulog,” baling ni Chardee sa kaniya. “Sa’n ba?” nalilito niyang tanong. Ngumisi naman si Chardee ulit at kihuha ang kamay niya para ihawak sa baywang ni Chardee. Nagulat naman si Sten sa ginawang ‘yon ni Chardee sa kaniya, muntik pa niyang bawiin ang kaniyang kamay ngunit mahigpit iyon hinawakan ni Chardee para iyapos ito sa kaniyang baywang kaya wala na siyang nagawa pa. “Hug me tight para hindi ka mahulog. Parang hindi ka pa marunong sumakay ng gan’to,” ani chardee sa kaniya. Nagpakurap-kurap naman si Sten sa kaniyang mga mata sa sinabing ‘yon ng kaniyang kaibigan. Pinaandar na nito ang kaniyang motor bike at dinahan-dahan muna sa pag-atras at nang nakaharap na sa mismong daan saka ito biglang pinatakbo ni Chardee ng mabilis dahilan para mapayakap si Sten dito sa baywang ni Chardee. Napangiti lang si Chardee pero wala man lang sinabi. “Hindi ba puwede dahan-dahan lang? Baka madisgrasya pa tayo nito eh!” halos pasigaw nang sabi ni Sten kay Chardee. “I said hug me tight or else mahuhulog ka rito,” sabi ni Chardee ulit kay Sten. Hindi naman umimik pa si Sten at nanatili lang na nakayakap sa likod ni Chardee. Nakasuot lang siya ng pajama at kulay light brown na t-shirt. Mukhang malamig pa ang hanging tumatama sa kaniyang balat. Ang buhok niyang naka-ponytail ay lalong nagpapakiliti sa kaniyang likuran dahil sa hampas nito na nagpalamig ng lubos sa kaniyang pakiramdam. Ilang minuto lang ang itinakbo ng motor bike ni Chardee at nakarating sila sa fast food ng Jollibee. Inihinto naman ni Chardee sa isang parking lot ang kaniyang motor bike. Bumaba naman ni Sten sa kaniyang likuran nang hindi ni Chardee namamalayan. Tantiya na kasi ni Sten na rito ang tungo nila dahil dito na sila huminto. Napalingon si Chardee sa kaniyang likuran at nakita niyang nakababa na pala si Sten sa pagkasakay. “Bumaba ka na? Alalayan pa nga sana kita,” sabi nito sa dismayadong boses. “Ha?” tugon niyang ‘di sigurado. “Nothing. Pasok na tayo,” anyaya ni Chardee kay Sten na pinauna niya ito pumasok. Nakasunod naman si Chardee sa likuran ni Sten at binuksan sa guwardiya ang entrance door at nagbigay nang pagbati sa kanilang dalawa. Napalingon pa si Sten sa kababata at nahuli pa niya itong tinaliman ng tingin ang guwardiya. Nagtaka si Sten kung bakit gano’n ang naging reaksyon ni Chardee. Binati lang naman sila ng guwardiya. Baka naman umiral lang talaga ang pagka-istrikto nito. “Just sit here. Order lang ako,” sabi ni Chardee kay Sten nang nasa isang bakanteng mesa’t upuan na sila. Iniwan ni Chardee si Sten para makapila siya sa line section para maka-order. Abot tingin lamang ni Sten si Chardee sa may di-kalayuan. Nakapamulsa ito habang pumipila pero suot pa rin nito sa katawan ang kaniyang sling bag. Mataman niyang tinitingnan ang kababata. Hindi siya makapaniwala na nagkita na nga silang talaga. Parang ang dali-dali lang nang mga pangyayari. Iniisip pa niya ito pero heto’t abot tanaw na niya. Marami siyang inihandang gustong sabihin dito pero bakit nang nagkaharap sila kanina ay wala siyang ibang nasabi kun’di tinarayan niya ito’t kung anu-ano na lang ang kaniyang sinasabi na hindi akma sa sana’y gusto niyang sabihin. Pero bakit gano’n? Bakit napakaguwapo ng kaniyang kababata? Bigla pa niyang ikinagulat nang sabihin iyon ng kaniyang isip. Ano bang pinagsasabi ng utak niya? Anang isip niya saka pinokpok niya ng kaniyang kamay na kan’ya pang ikinuyom para gamiting pangpokpok sa kaniyang ulo. Nagkataon namang biglang napalingon si Chardee sa kaniyang gawi at nagtama ang kanilang paningin. Tila siya nabisto sa kaniyang naramdaman. Ngumiti ito sa kaniya at pagkatapos ibinaling na ang tingin nito sa harap ng counter. Nagpakawala agad siya ng malalim na hininga dahil hindi na tumagal ang tingin nito sa kaniya. Apat na minuto lang at nakabalik na si Chardee sa kanilang mesa ni Sten. Bitbit nito ang kanilang order. Dalawang tray ito at tila marami ang in-order nito na ikinabusangot niya. Napansin pa siya ni Chardee kaya nagtagpo ang kilay nito. “Gatas!” ang naibulalas ni Sten. Siya kasi ang nakakuha sa baso ng gatas na nasa tray kasama ng mga in-order ni Chardee. Laking taka niya na may gatas sa Jollibee. Napaangat siya ng tingin kay Chardee at nag-smirk lang ito sa kaniya. Tiningnan niya ng masama ang kababata dahil nahulaan na niya kung bakit may gatas pero ngumisi lang si Chardee sa kaniya kasabay ng pag-impit ng tawa nito na nakakaloko na siyang nagpalitaw ng dalawang malalim na biloy nito sa magkabilang-pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD