Sa tutuo lang, hindi naman talaga walking distance lang para makauwi si Ava, dahil sa kanyang pag-uwi ay kinakailangan pa niyang sumakay ng tiga - dalawang trip para maka-uwi sa kanilang tinitirhan.
Ngunit ginagawa lang niya itong isang beses, at kanya itong nilalakad mula sa kanilang eskuwelahan makarating lang sa terminal upang makasakay pauwi sa kanila, ganoon din sa kanyang pagpasok. Nilalakad naman niya mula sa kanila at para sa ibang terminal naman para diretso na sa mismong tapat ng kanilang eskuwelahan.
Araw araw ito ang kaniyang routine, maliban na lamang kung siya ay nakakasabay sa kanyang itang sa jeepney na minamaneho nito. At doon ay medyo hindi siya masyadong napapagod sa pagpasok sa school subalit madalas ay hindi naman siya makasabay na. Sa dahilang minsan maaga pa lang ay nakaalis na si itang niya para pumasada o dili kaya mas nauuna siyang umalis dito. Depende kasi iyon sa kung anong oras puedeng makuha ni itang ang jeep mula sa may-ari nito para maipasada na niya. Kaya kapag maaga niyang nakuha ang jeep ay dinadaanan niya kami para ihatid sa school.
Kaya kung hindi siya nakakasabay ay talagang nilalakad na lamang niya ito, mapagkasya lamang ang kaunting baryang binabaon niya sa araw araw; na para kahit paano ay may matira at makabili siya ng kaunting makakain tuwing siya ay makakaramdam ng gutom o dili kaya'y may pambili man lang ng kahit ano na kailanganin niya sa eskuwelahan tulad ng papel.
Kaya pagka-alis na pagka-alis ng sasakyan nila Andrea ay nagsimula na itong maglakad patungong terminal. At sa pag-sapit niya ng terminal ay napakahabang pila ang bumungad sa kanya. "Ano ba iyan ang haba haba naman ng pila, gagabihin nanaman ako nito" bulong nya sa sarili. "Mama isa po derecho" kailangan nyang bumili agad ng chips bago siya pumila, yun ang patakaran ng mga jeepney sa terminal bago ka pumila para nga naman tuloy tuloy ang biyahe at wala ng abala pa sa pag-abot ng mga bayad, higit sa lahat ligtas pa sa lahat dahil naka-concentrate na lang ang driver sa manibela at kung saan sila ibaba.
Kulang isang oras bago narating ni Ava ang terminal na ito kung saan siya ngayon ay nakapila. At kung iyo itong susumahing, dahil sa haba ng pila, ang kabuuang oras na inilalaan ni Ava sa pagbibiyahe niya araw araw kasama na ang kanyang paglalakad ay umaabot na sa dalawang oras.
Matapos ang ilan pang sandali "hay salamat makakasakay at makakauwi na rin sa wakas" bulong ni Ava sa sarili na nagpapasalamat dahil makakauwi na rin siya. "Siguro kaninang kanina pa ako hinihintay ni inang.
Sadyang nakakapagod naman talaga ang ganitong sitwasyon ni Ava, lalo na kung may kumakalam pa sa iyong sikmura. At kung titignan mo itsura ni Ava ay talagang para siyang hapung hapo subalit bale wala lang sa kaniya. "Sa tabi na lang po manong" ani Ava sa mamang driver ng jeep.
Dito sa lugar kung saan bumababa si Ava ay ang tinatawag nilang talipapa "isang maliit na palengke", dito nagtitinda ang kanyang inang ng kung anu anong palamuti o kolorete ng mga kababaihan. Mga fancy earings, necklace, mga clip sa buhok at iba pa, iyan ang mga paninda ni inang. Ang palengkeng ito ay medyo malayo pa rin sa kanilang bahay kaya kailangan pa din nilang maglakad pa-uwi.
Tuwing umuuwi si Ava ay sadyang dumadaan muna sya sa palengke upang tulungan ang kanyang inang sa pag-liligpit at sa pagbubuhat ng mga bilaong pinag-gamitan nito sa pagtitinda sa pa-uwi ng bahay.
"Ano ba naman Ava kanina pa ako naghihintay sa iyo ah gabi na" mahinahong reklamo ni inang. "Pasensya na inang talagang ang hirap lang talagang sumakay ngayon, dagdag mo pa ang sobrang traffic sa daan ba" paliwanag ni Ava. "O sya buhatin mo na mga yan at ng makauwi na tayo, at siguradong gutom na gutom na ang mga kapatid mo nyan "ani inang.
At nagsimula na nga ang mag-ina na maglakad pauwi habang buhat buhat nila ang lahat ng mga pinag-gamitan sa pagtitinda. Nagtataka ako kung paano ni inang nabubuhat at nagagawa ang lahat ng mga ito mag-isa, sobrang bibigat nila. Ako nga bata pa pero ramdam ko ang bigat at hirap nito para kay inang, ngunit wala kang maririnig na kahit anumang reklamo galing sa kanya. "Hayaan mo inang pagdating ng araw, giginhawa rin ang buhay natin" bulong nito sarili habang pinagmamasdan ang kanyang ina.
Mula sa may di kalayuan, abot tanaw na nila ang kanilang munting tahanan, na tinatawag ng karamihan na "Barung barong". Oo, iyan nga ang tawag ng karamihan sa aming bahay lalo na ang mga matapobre naming mga kapitbahay.
Sa aming lugar ang bahay ni aling Amor ang madali mong matutunton. Kaya nga kung hindi ka taga rito sa aming lugar at may hinahanap kang tao, sabihin mo lang "saan po ba yung bahay ni aling, kunwari si aling Rosie, yung malapit sa Barung barong ni aling Amor" maituturo agad at hindi ka na maliligaw.
Nagtataka ba kayo kung bakit si aling Rosie ang ginawa kong halimbawa; siya lang naman kasi ang palagiang gumagawa sa amin ng ganyan, wala siya ginawa kung hindi laitin at ichismis kami sa buong lugar namin, isama mo na rin yung hipag niyang si aling Donita. Hay naku kung katulad lang sila si inang ay baka nag-rambulan na sila araw araw. Subalit hindi, dahil sadyang kay bubuti ng aking mga magulang, kaya kahit hirap kami, ay napakasaya pa rin namin basta kami ay sama sama at walang tinatapakang tao.
Dahil ang Barung barong na ito na kanilang nilalait ay tirahan ng pinaka masayang pamilya sa buong mundo na kung aking ilalarawan, ito ay tirahan ng pamilyang puno ng sigla, pagmamahalan at may takot sa Panginoon.
"O sya ilapag mo na ang mga iyan" marahang utos ni inang " at yung binili ko sa palengke na ulam ilapag mo muna sa kusina at ng mailuto ko na para pag dating ng itang mo ay makakain na tayo" dagdag pa niya "Opo inang nandoon na sa kusina, magpalit lang po muna ako".
Nasa kwarto na ang aking mga kapatid at gumagawa na sila ng kanilang mga homework, at habang ako'y nagbibihis "hoy kayong dalawa kamusta ang simula ng school nyo ha"? Tinignan lang sya ng dalawa niyang kapatid at nagpatuloy na sa kanilang ginagawa na para bang walang nakita at narinig. "Hala mga bingi lang ha bahala kayo pag ako nakatapos at nakahanap ng magandang trabaho mabibingi rin ako sa Inyo," ganti nya sa mga kapatid.
Dahil sa tinuran, nagmamadaling tumayo ang dalawa at niyakap nila ang kanilang ate at sabay na "ano ka ba naman ate joke ka lang namin alam mo naman na mahal na mahal ka namin eh'. At ginantihan din nya ang mga ito ng mahigpit na yakap at sabay sabing "talagang duet pa talaga kayo ha". At sabay sabay silang nagtawanan na tunay na nakakatuwang panoorin.
Lingid nga sa magkakapatid, sila pala ay lihim ng pinagmamasdan ng kanilang mga magulang, ang kanilang itang ay kararating lang ng mga sandaling iyon at naabutan nga ang kanilang inang na kanina pa sila pinapanood. na may matamis na ngiti sa labi, na puno ng pag-asa para sa mga anak. "Napakasarap nilang panoorin diba, sana makaya pa natin na mabigyan sila ng sapat nilang mga pangangailan" turan ni inang kay tatang. "Wag kayong mag-alala habang nabubuhay ako igagapang ko kayo aking mag-iina dahil mahal na mahal ko kayo". At niyakap ni itang ng mahigpit si inang at ganon din si inang.
At ang tagpong yun ay hindi naman nakaligtas sa amin. "Uy ang sweet naman nila" " sama naman kami o" ang sabay sabay naming panunuksong magkakapatid na sabay sabay din tumungo sa kanila para yakapin sila.
"Halika na nga at magsikain na baka mga nagugutom lang tayo" ani inang. At sabay sabay kaming nagtawanang buong pamilya patungo sa hapag. Ang hapag namin ay ang sahig, at doon ay naka ayos ng lahat. Bago kumain ay sama sama muna kaming nagpapasalamat sa grasya sa aming harapan at pagkatapos magdasal ay masaya na naming pinagsaluhan ang aming hapunan.
Iyan ang aking pamilya sa barung barong, nagmamahalan, puno ng ligaya at saya, at hindi ko ito ipagpapalit kahit kanino at kung dumating ang panahon na ako ay magkaroon din ng sariling pamilya, ganitong pamilya ang nais kong tularan.
Subalit ayoko munang isipin ang mga bagay na iyan, saka na lang muna kapag maayos na ang lahat.
"Pagkaligpit at pagkahugas mo ng mga pinag kainan ay matulog na Ava ha, maaga pa tayo bukas, at dalian mo diyan," paalala ni inay. "Opo inang" sagot ni Ava. 'At may ayusin lang din po ako sandali bago matulog" dagdag pa nya sa kanyang inang.
Dahil kailangan pa niyang ihanda ang lahat ng mga gagamitin nya sa school pati na rin ang mga isusuout niya kinabukasan dahil ayaw niya na mahuli muli sa klase ni Gng Rivas, kailangang maaga talaga siya bukas.
Dahil sa iilan lamang ang mga damit ni Ava, na karamihan ay mga luma pa, kaya nahihirapan siyang ayusin ang mga ito. Dahil yung iba nga ay damit pa ng kanya inang na kanya lamang hiniram at kinukumpuni para lang magkasya ang mga ito sa kanya.
At sa mga sapatos naman, mabuti na lamang ay magkakapareho silang magkakapatid ng sukat ng mga paa. Kaya naghihiraman na lamang sila, subalit sa pagkakataong ito baka si Ava na ang madalas na gumamit ng mga ito. Dahil ang eskuwelahan na pinapasukan ni Ava ay walang uniform hindi tulad noong siya ay high school pa lamang. Kaya unang araw pa lamang ay sadyang nahihirapan na siya kung ano ang kaniyang isusuout kinabukasan.
Ayan ok na pwede na akong matulog, "ay salamat" bulong niya sa kanyang sarili at saka dumiretso na sa papag kung saan katabi niya ang dalawa niyang kapatid sa pagtulog at sa lapag naman ang kanyang mga magulang.
Pagkatapos magdasal ay natulog na rin si Ava.
***