Kabanata 15

1644 Words
"Wala ka bang balak na sabihin sa'kin ang totoo, Elena?" Hindi alam ni Elena kung papano sasabihin kay Paul ang tungkol sa eskandalo ng kapatid. Kung nakakapatay lang ang tingin ay dead on the spot na siguro siya. Nasa labas ito ng St. Claire. Nagngingitngit ito sa galit dahil sa nalaman. Na hack ng kaibigan nito ang phone ni El at nakita ang suicidal notes nito sa isang app. Birthday ni Paul na baliktad ang pagkaka arrange ang nakaset na password sa app kaya hindi ito nabuksan ng kahit sino maliban sa binata. Hinalukay ni Paul lahat ng laman ng cellphone ni El. Ang mga buradong pictures ay na retrieve ngunit puro random pictures na nakatutok sa langit at mga puno ang laman niyon. Ang mga messages naman ay puro panlalait lang galing sa ibang tao. May mga lalaking nagtetext dito at inaaya si Louisa na makipagtalik sa kanila. Masasakit na mga pang-iinsulto ang nasa messages nito. Ang messenger app naman nito ay puro masasakit na mga mensahe ang laman mula sa mga babae ngunit karamihan ay lalaki. Meron siyang 254 na message requests na puro pag-aayang makipagtalik ang laman. May mga mensahe rin na unread pa. Noong sumabog at kumalat ang balita ay lagi niyang kinakausap ang kaibigan ngunit hindi ito nagsasalita. Madalas ay hindi ito umuuwi ng dorm at hindi ito sumasagot sa text at tawag niya. Kahit ang mga kaklase nito ay hindi alam kung saan nagpupunta ang kaibigan. Nakikita niyang na fufrustrate na ang lalaki. Pawis na pawis ito at nanginginig ang mga kalamnan. May mga estudyanteng napapatingin dito tuwing dumadaan ang mga ito sa harap nila. Nagtuturuan pa ang mga ito at pawang kinikilig. Kung alam lang ng mga ito na natatatakot siya sa binata dahil naalala niyang may baril ito. "SUMAGOT KA!" Napaatras siya sa lakas ng boses nito. Ang guard sa bandang gilid nila ay mukhang nababahala na kaya hinila niya ang kamay ng binata upang dalhin ito sa lugar na sila lang dalawa. Iwinaksi ng binata ang kamay niya at marahas na itinapon sa kanya ang cellphone ng kaibigan. Nasaktan siya ng tumama ito sa dibdib niya ngunit nagpapasalamat siya at hindi ito lumanding sa mukha niya kung hindi ay baka nahimatay siya. "P*NYETA ELENA, SUMAGOT KA!" Nagsilayuan ang ibang estudyante at may ibang nagbalak na kunan ng video ang binata. Nais siguro ng mga ito na maging trending ang St. Claire. Sinigawan ni Paul ang mga ito kaya nagsitakbuhan ang mga ito. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata na papalapit na ang guard kaya nataranta siya. "Sir kung maaari ho sana ay u-" Nilingon ito ni Paul at kinwelyuhan. Pumalag ang gwardiya ngunit malaking tao si Paul. Idagdag pang galit na galit ito. Inawat ni Elena ang dalawang lalaki at pwersahang hinila ang kamay ng binata. Nanginginig ito ngunit hindi pumapalag. Habang tumatakbo ay narinig ni Elena na sumigaw ang guwardiya habang may kausap ito sa radyo. Nang makalayo ay saka lamang napansin ni Elena na nasa gubat na pala sila. Malayong malayo na ito sa paaralan. Hiningal siya sa kakatakbo. Nagulat siya ng marahas na hinila ng lalaki ang kamay nito. Napalingon siya sa binata at nakitang naging triple na ang galit na nakikita niya sa mga mata nito. "Paul. Huminahon ka. Hayaan mo muna akong magsalita." Kumuyom ang kamao ng binata. Kung papatayin siya nito ay siguradong magtatagumpay ang lalaki dahil kahit sumigaw siya ay wala namang dadating upang tulungan siya. Sa kasamaang palad ay nasa kabilang dako ang bahay ni kuya Berto. "Speak." Tanging tugon ng binata. Huminga siya ng malalim bago magsalita. Iniayos niya sa kanyang utak ang mga salitang sasabihin. Ayaw niyang magkamali dahil parang time bomb ang kausap ngayon. "Ngayong taon na ito kumalat ang balita. Noong una ay hindi ko pinaniwalaan ang sabi-sabi ng mga estudyante pero sa underground website ng school, nakita ko ang post ng isang anonymous user. Ito yung video ng , ng n-nangy-yari." Nakatitig lang ang binata sa lupa ngunit taas baba ang dibdib nito. "Kinausap ko si El ng masinsinan ngunit ayaw niyang magsalita tungkol dito Paul. Wala siyang ibang malapit na kaibigan maliban sa amin ni Jane. Hindi ko macontact ang nanay at tatay niyo. At hindi ko alam ang pangalan mo dahil kuya Renz ang tawag sa iyo ni lelay. Nung sinearch ko naman ang Renz Madrigal sa f*******: ay puro matatanda ang mga nasa profile pictures kaya hindi na ako nag message dahil baka lumala lang ang problema ni El." "Pero dapat sinabi mo sa akin dun palang sa morgue! Bakit mo tinago ito sa'kin Elena?" May mga pagkukulang siya bilang kaibigan. Ang hindi alam ng lahat ay araw-araw niyang sinisisi ang sarili niya dahil hindi niya natulungan ang kaibigan. Hindi niya ginawa ang lahat para sa kaibigan. Hindi na siya umaasang mapapatawad ni Paul dahil kahit siya ay hindi niya mapatawad ang sarili. "Alam mo ba na bilang lalaki , ang makabasa ng mga ganoong klaseng mga mensahe galing sa kapwa ko lalaki ay masakit na masakit para sa akin?! At sa kapatid ko pa mismo nangyari ang bagay na ito!" Nagwala nang nagwala ang binata. Namamaos na ito sa kakasigaw habang siya ay iyak lang ng iyak sa gilid. Natatakot siyang lumapit dito. "MGA HAYOP KAYONG LAHAT!" Halos hindi na makahinga si Elena sa kakahikbi. Parang gusto na rin niyang sabayan sa pagwawala ang lalaki upang mailabas rin niya ang frustrations sa mga pangyayari. ______________________ "Okay na ang kasama mo miss. Nagamot ko na ang mga sugat niya." Wika ng nurse na gumamot kay Paul. Pinagsusuntok nito ang isang malaking bato na nasa gubat kanina. Nang matapos ito sa pagwawala ay naupo ito sa lupa. Naubos na ang lakas nito ngunit tumutulo pa rin ang mga luha ng binata. Tumango siya rito. May problema siya. Wala siyang pera na dala. Pati si Paul ay wala ring dala dahil nasa sasakyan ang wallet nito. Mabuti na lang at may sapat na pera ang binata sa bulsa nito na siyang pinambayad niya sa taxi. Lumapit siya sa pinto at kumatok ng tatlong beses. Nang silipin niya ang lalaki ay nakita niyang nakatulala lang ito. May benda ang parehong kamay at magulo ang buhok. Nilapitan niya ito at umupo sa tabi ng binata. "Paul." Sinubukan niya itong hawakan ngunit umilag lang ito. Marahil ay hindi pa siya napapatawad nito. Nauunawaan niya ang bagay na iyon. "Galit ako sayo, Elena." Madiin na sabi ng binata. Parang dinudurog ang puso niya habang nakikinig dito. "Alam ko, Paul. Maiintindihan ko kung ayaw mo na akong makita at makausap. Pero hayaan mo akong ihatid ka sa bahay mo." Nakabukod na ito sa mga magulang ngunit mas malayo ang bahay nito. "Hindi ko kailangan ang presensya mo, lalong-lalo na ang tulong mo. Maaari bang lumayas ka na?" Ni hindi ito lumingon sa kanya habang sinasambit ang mga masasakit na salita. Tumango siya at lumabas sa silid habang umiiyak ng tahimik. Pagod na pagod na siyang umiyak. Mabilis niyang pinalis ang mga luha. Nang makabalik sa upuan ay siya namang pagdating ni Celeste. Nagpasalamat si Elena dahil natanggap nito ang mensahe niya. Tanghali na at nagugutom na siya. Nang makalapit sa kanya ay niyakap siya ng kaibigan. Napansin niyang may dala itong mga supot. "Elena, okay ka lang ba?" Napangiti siya sa tanong nito. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya. Inabot nito ang pera at ang mga supot na napagtanto niyang pagkain pala. "Nagluluto ako nung nagtext ka kaya naisipan kong dalhan ka nito pati na rin yung kasama mo. Pasensya na, ginisang sitaw lang iyan na may konting karne." Napangiti siya. Ang bait talaga nito. May ibinigay pa itong dalawang skyflakes. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito. May klase pa kasi ito mamayang ala una. Nang may dumaang nurse sa harap niya ay humingi siya ng pabor dito. Pumayag naman ito. Matapos niyang magpasalamat ay mabilis siyang pumunta sa cashier upang bayaran ang bill ni Paul. Mahaba ang pila kaya natagalan siya. Mabuti nalang at mabilis ang kilos ng cashier. Habang may tinitipa ito sa computer ay naisip ni Elena na uuwi na siya. May isang libo pa ang natitira pero mag jejeep nalang siya at ang isang libo ay iiwan niya kay Paul para may pamasahe ito. Nang maibigay ng cashier ang resibo ay tumalikod na si Elena ngunit napaatras siya nang may matigas na bagay ang humarang sa kanya. Tumingala siya at nakita niya ang pares ng mga mata ng lalaking galit na galit sa kanya. Bakit ito nandito? "P-Paul, A-anong ginagawa m-mo rito?" Diba dapat ay nagpapahinga ito? "Sa bahay ko gustong magpahinga. Let's go." Malamig na wika nito. Hindi siya gumalaw. Nananaginip lang ba ako? Tanong niya sa isip. Nang hindi siya sumunod sa binata ay lumingon ito sa kanya. Nandoon pa rin ang lamig ng mga mata nito kaya hindi niya alam kung galit pa ba ito sa kanya. "I can't hold your hand right now because both of mine are bandaged, but I still want to be close to you. Let's go." Para naman siyang naging robot at tumango. Malalaki ang mga hakbang na ginawa niya para masabayan ang binata sa paglalakad. "Asan yung supot na may lamang kanin at ulam na ipinaabot ko sa nurse?" Mahinang wika niya rito. "I gave it to an old woman with a child who was behind you." Simpleng sagot nito. Nagtaka si Elena dahil sa parking lot ang punta nila. Nang makalapit sa isang sasakyan ay nakita ni Elena na pinagbuksan si Paul ng pintuan ng lalaking mukhang ka edaran lang niya. Nang makapasok sila ay may inabot ang driver na sobre sa kanya. "Ano 'to?" Nagtatakang tanong niya sa binata. "Sobre." Tipid na sagot ng binata. "Ibayad mo sa taong nagpahiram sa'yo ng pera. Ibayad mo rin 'yan sa dalawang food containers na naibigay ko sa ale." Paliwanag nito. Hindi ito tumitingin sa kanya. Sa labas lang ang atesyon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD