Kabanata 14

1618 Words
"KILLING IN THE NAME OF!" Halos lumipad ang kaluluwa ni Elena nang may magpatugtog ng rock song. Naputol ang panaginip niya na naglalakbay daw siya pauwi sa kanila. Sa sobrang gulat niya ay naramdaman niya talagang umalsa ang kanyang baywang. Sobrang lakas ng pagpapatugtog nito na pati ang puso niya ay nagbavibrate. Iginala niya ang paningin at nakita ang bagong roomate na may hawak na walis at umaarteng naggigitara. Nakapikit ang mga mata nito at damang dama ang kanta. Para siyang lantang gulay na bumangon. Day 2 na ng kalbaryo niya dito. Ngayon niya lang nalaman na napaka creative pala ng dalaga. Kahapon ay nagising siya dahil may kung anong makati na dumadampi mukha niya. Yon pala ay itinapat ni Jane ang walis tambo sa mukha niya. Nalasahan niya pa ang alikabok sa walis at hanggang ngayon ay nasusuka pa rin siya. Nasabunutan niya tuloy ito ng wala sa oras. Baka bukas eh toilet brush na ang gagamitin nito. Noong nagreklamo siya sa RS nila ay inasahan na niyang hindi siya pakikinggan nito dahil sa impluwensya ni Jane. Ngunit nagulat siya dahil pinagalitan nito ang dalaga at ibinalik ang mga gamit niya. Kaya ngayon ay may kama na ulit siya. Pinagmop din ang dalaga sa buong hallway mula third hanggang first floor. Ito marahil ang dahilan kung bakit nito sinisira ang umaga niya. Hindi naman ito nahirapan sa pagmamop dahil may inutusan itong sampung tao na maglinis ng hallway. Umalis ang RS nila kaya hindi nito nalaman ang ginawa ng dalaga. Baka kapag pinanood nito ang CCTV ay saka pa lamang malalaman ang ginawa ni Jane. Ngunit bakit ba siya pinapahirapan ng dalaga? Dahil ba napahiya ito? Tatlo lang naman sila sa office ng RS kahapon. Siguro dahil napagalitan ito ng RS dahil sa mga isinumbong niya. Bumangon na si Elena. Alam niya sa sarili na pag nagising na siya ay hindi na siya makakatulog ulit. Nilapitan niya ang speaker ng dalaga at pinatay iyon. Tinanggal niya rin ang pagkakasaksak nito. Lunes na lunes ay nasisira ang araw niya. Nilingon niya ang dalaga na nasa likuran niya. Nakangisi ito ng malapad. "Ano na naman bang problema mo? Aware ka naman siguro na hindi soundproof itong kwarto." Ibinalik ng dalaga ang walis sa lalagyan at umupo sa kama nito. "Alam ko. Papa ko ang nagpondo sa pagpapagawa ng building na 'to. Aware ka rin ba doon?" Tinaasan siya nito ng kilay. Naka make-up na naman ito. Hindi na siya nakaimik sa sinabi nito. Tuwing pera ang inilalaban nito sa mga argumento nila ay madalas tumitiklop siya. Hindi niya naman kasi matatapatan ang yaman nito. Nagpasya siyang maligo na. Wala siyang pasok ngunit kailangan niyang pumasok ng maaga sa library dahil may sasabihin daw si ma'am Facundo sa kanya. Kinakabahan siya. Kapag nagpapadala kasi ito ng mensahe ay seryosong seryoso. Kinuha niya ang tuwalya at papasok na sana sa banyo ng magsalita si Jane. "Elena." Nilingon niya ito. Nakaupo pa rin ito sa kama at nakatalikod sa kanya. Iniisip niya kung sasagutin ba niya ito dahil hula niya'y mang-iinsulto na naman ito. Hindi pa man siya nakakasagot ay nagsalita ulit ito. "Kaibigan mo 'yong janitor na may kapansanan hindi ba?" Si mang Kulas? May alam ba siya tungkol sa matanda? May kapansanan ang matanda dahil naputol ang kaliwang kamay nito. Hanggang siko nalang ang natitira sa braso ng matanda ngunit nasanay na itong humawak ng walis at grass cutter dahil kinse palang ito nang madisgrasya at maaga itong nagtrabaho. "Bakit mo naman natanong ang bagay na 'yan?" Nakita niyang dinampot ng dalaga ang cellphone nito at parang may binabasa. "Mukhang pakakawalan na siya ng mga pulis." Parang nabingi si Elena sa sinabi ni Jane. Pinaulit niya pa ito. Lumapit siya rito at tumayo sa harap ng dalaga. Nang makita niya ang mukha nitong parang natatawa ay sinimangutan niya ito. "'Pag wala talagang pera, hindi makakabili ng cotton buds." Tumawa na ito at umakto pang pinupunasan ang mga luha. Inirapan niya ito ngunit nang akma na siyang aalis ay sumeryoso ulit ito at nagsalita. "Hindi drug addict yung janitor. Naisahan ka nung Berto." Ano? "Paano mo nalaman na kinausap namin si kuya Berto? Nandoon ka ba? Sinundan mo ba kami?" Sunod-sunod ang mga tanong niya sa dalaga. "Kung hindi siya gumagamit o nagbebenta ng illegal na droga, paano naman iyong kaso ni El?" Hindi ba't si mang Kulas ang pumatay sa kaibigan niya? Tiningan siya ng dalaga ng makahulugan. Nakataas ang sulok ng labi nito. Parang may gusto itong sabihin sa kanya. Bagay na ikakawindang ng mundo niya. Hindi na ito sumagot sa kanyang mga tanong. Tumayo ito ng tuwid at nag unat-unat. Kinuha nito ang pitaka at lumabas ng silid. Hindi na napansin ni Elena ang biglaang pag-alis ng dalaga dahil mga iniisip niya. Napaisip siya ng malalim. Nang mapansing wala na ito sa kwarto ay tumakbo siya para habulin ito ngunit mula sa kinatatayuan ay nakita niya si Jane na nasa harap na ng gate. May dumating na kotse na pumarada sa tapat nito. Bago na naman ba ang kotse niya? Sa isip ni Elena. Maya-maya pa ay bumaba ang driver at pinagbuksan ng pinto ang dalaga. "Sir Mike?" Hindi niya sigurado kung ang kasama ba ng dalaga ay ang professor nito dahil nakasombrero ito at sun glasses. May suot din itong facemask na kulay itim. Kung tumindig ito ay parang si sir Mike. Dahil ba tago ang relasyon ng dalawa? Nagpost si sir Mike sa f*******: ngunit tanging pamilya lang niya ang friends niya sa account na yon kaya hindi niya nakita ang post nito. Hindi rin naman sila friends ni Jane sa f*******:. Sa personal nga ay wala siyang planong makipagkaibigan dito, sa f*******: pa kaya? Pero napaisip rin siya na baka bodygurad lang ang lalaking iyon o empleyado ng tatay o ng kuya niya. Pero bakit nakafacemask pa? Nagkibit-balikat na lamang si Elena at pumasok sa kanyang silid. Tinext niya si Paul tungkol sa sinabi ni Jane. Ipinadala niya ang mensahe ng detalyado. Tiningnan niya ang oras sa aparato at nagmadali ng maligo dahil malapit na palang mag alas otso. __________________ "Gusto niyo po ba ng kape?" Tanong ni Elena sa matanda. Ngumiti ito at tumango. Kinapa niya ang bulsa at may nakapa siyang dalawang barya. Sana naman ay dalawang ten pesos ito at hindi dalawang piso. "Okay lang po ba ang coffee from vending machine ma'am?" Nahihiya niyang tanong dito. Tumawa ang ginang sa tanong niya. "Kahit X.O. Coffee Candy lang hija, okay na 'yon sa'kin." Tumango siya at pumunta malapit sa counter. Nahihiya siyang bilhan ito ng candy kaya lumapit siya sa vending machine. Dinukot niya ang mga barya sa pantalon at natuwa ng makitang dalawang five pesos iyon. Sakto lang para sa isang kape, sa isip niya. Maingat niyang inilapag ang cup sa harap ng ginang. Umayos siya ng upo at pinatong ang dalawang kamay sa lamesa. Nasa college canteen sila. Nakita niya ang ginang malapit sa table ni ms. Facundo nang pumasok siya sa library. Nakiusap ito sa librarian kung pwede siya nitong makausap at pumayag naman siya. "Ako si Elizabeth. Tawagin mo nalang akong tita Beth." Pagsisimula nito. "Nagkakilala na tayo sa restaurant noong kasama mo si Cora. Gusto ko lang malaman kung magkano ang babayaran mo sa susunod na mga taon sa pag-aaral mo." Nagulat si Elena sa tanong nito. Hindi niya inaasahan na ito ang unang babanggitin ng ginang. "Bakit po ma'am?" Inayos ng ginang ang kanyang salamin at tumitig sa kanya. "Gusto kitang tulungan upang hindi ka na mahirapan sa pagbabalanse ng iyong pag-aaral at pagtatrabaho. Narinig ko kay Cora na bukod sa pagiging student employee ay gumagawa ka rin ng paintings na ibinebenta online. At sumasideline ka rin sa pagtututor. Nakikita kong masipag kang bata." Puri ng ginang. Hindi inasahan ng dalaga na may makikilala siyang tutulong sa kanya. Totoo ba talaga ito? Madami na nga siyang pinasok na trabaho upang makapagpadala ng pera sa pamilya na nasa Cabarroguis. "Maraming salamat po ma'am. Maaari po ba akong magtanong?" Tumango naman ang ginang. "Bakit po ako?" Nakita niyang nagulat ito. May nasabi ba siyang mali? Nagalit ba niya ang ginang? Bago pa ito makasagot sa kanya ay pareho silang napalingon sa cellphone nito. Lumang model na rin iyon. Hindi mo ito mahahalatang nagmamay-ari ng lumang kagamitan dahil mayaman itong tingnan. Sa alok pa lang nito ay alam niya agad na may kaya sa buhay ang ginang. "Excuse me lang hija ah." Tumango siya rito. Panay pa rin ang takbo ng mga katanungan sa isip niya. Inabot ng halos tatlong minuto ang pakikipag-usap ng ginang sa kabilang linya. Nang matapos ang tawag ay nagpaalam na itong mauna. May kailangan daw itong puntahan. Hinatid niya ito sa parking lot. Sa tabi ng sasakyan ay nakita niya ang driver nito na naninigarilyo. Nakita niyang nataranta ito nang makita ang kasama. Napailing siya. 'Pasaway na driver', sa isip niya. Bago pumasok sa loob ng sasakyan ay niyakap siya ng ginang. Matagal, mahigpit. Akala niya ay mauubusan siya ng hangin. Niyakap niya rin ito. Nang kumalas ang ginang ay hinawakan nito ang mga kamay niya. "Pag-isipan mo ang inaalok ko sa'yo. Malaking tulong ito para sa kinabukasan mo at ng pamilya mo Elena." Habang nakatingin sa sasakyang palayo ay napaisip ang dalaga. "Bakit parang pamilyar siya sa'kin? Nagkita na ba kami dati?" Nagsimula na siyang maglakad papuntang library upang simulan ang gawain ngunit bigla siyang natigil nang maramdaman niyang nagvibrate ang kanyang cellphone. "Si Paul?" Nakikita niyang tumatawag ito. Agad naman niyang sinagot ang tawag. Hindi ito nagsasalita. Tinitigan niya uli ang screen ng cellphone niya. Naghang siguro ang cellphone niya. "Paul?" wika niya ngunit hindi ito sumasagot. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses nito. Para itong hinihingal. "We need to talk."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD