Habang bumabyahe ay napapansin ni Elena na hindi sa St. Claire ang punta nila. Nagtaka siya. "Saan tayo pupunta, Paul?"
Hindi lumingon ang binata sa kanya. Hindi rin ito sumagot kaya ang driver na ang sumagot sa tanong ng dalaga.
"Sa bahay po ni sir, ma'am." Tumango siya. Mukhang hindi pa rin humuhupa ang galit ng binata.
Napapaisip si Elena. Bakit hindi alam ni Paul na naging magkasintahan si sir Mike at Louisa samantalang alam niyang magkasintahan si Jane at sir Mike? Ang alam lang nito ay may kumalat na scandal tungkol sa kapatid ngunit hindi nito alam kung sino ang lalaki na kasiping ng kapatid. Wala bang binanggit si El na pangalan sa suicidal notes niya?
Burado na ang post ng patungkol sa eskandalo ng kaibigan kaya hindi iyon nakita ni Paul. Pati ang anonymous user na may profile picture ng kulay puting Cattleya orchids ay hindi na niya mahagilap.
Noong kumalat ang s*x video ng kaibigan ay pinagtanong niya kung sino ang nagkalat niyon pero walang nakakaalam. Isang tao lang naman ang kilala niyang mahilig sa orchid flower ngunit malabo namang maging basihan lang ang profile picture ng anonymous user para mambintang siya.
Napanood niya ang video ng kaibigan. Nakadapa ito sa kama habang ang lalaki sa likuran nito ay hanggang balikat lang ang kuha. 45 seconds lang din ang haba ng video. Ang lalaki ay pinaghinalaang si sir Mike dahil napapansin ng mga kaklase ni Louisa na espesyal ang pagtrato ng guro sa kaibigan ngunit madali ring napatunayan ng professor na hindi siya iyon. Natigil ang mga akusasyon laban dito na parang may kung sinong komontrol sa pangyayari dahil ang lahat ng pamamahiya ay napunta sa kaibigan niya. Ngunit sigurado siya na si sir Mike iyon dahil ito naman ang kasintahan ni Louisa nang kumalat ang video nila.
At ang isa pang gumugulo sa isip ni Elena ay kung alam ba ni Paul na estudyante ni sir Mike si Jane o iba ang pagpapakilala nito sa dalaga? Matured na kasing tingnan si Jane dahil matangkad ito. Kung hindi mo alam ang edad nito ay aakalain mong nasa 26 na ang edad ni Jane. Ang dami na ng mga katanungan sa isip ni Elena. Hindi na niya namalayan na nakarating na sila sa bahay ng binata. Bumaba ang driver at pinagbuksan ang katabi.
Malawak ang bakuran ng bahay ng binata. Maraming puno sa gilid at likod ng dalawang palapag na bahay. Agad na pinagbuksan sila ng lalaki na napag-alaman niyang secretary pala ni Paul. Walang kasambahay ang binata. Tanging ito lang ang nakatira sa malaking bahay.
"You can leave now." Mariing wika ng binata. Nagtinginan si Elena at ang secretary nito na nakatayo sa gilid niya. Iniisip ng dalaga na bakit pa siya dinala ni Paul sa bahay nito kung papauwiin lang din naman siya. Napakamot siya ng ulo. Nakatalikod ang binata at nasa bar counter nito. Nang mapansing walang umaalis sa kanilang dalawa ng sekretaryo ay lumingon ito sa kanya at pinaningkitan siya ng mata ng binata. Tinatanong ng mga mata nito kung bingi ba siya o estupida.
"O-oo. Aalis na ako." Gusto niyang sigawan ang binata dahil gutom na gutom na siya at baka hinahanap na siya ni Ms. Facundo. Ang alam nito ay kakausapin lang siya ni Ma'am Beth ngunit alas dose na at hindi pa siya nakakabalik. Ngunit naalala niyang may kasalanan pala siya sa binata.
Akma ng tatalikod si Elena nang magsalita ulit ang binata. "Mateo, bingi ka ba?" Napatuwid ng tayo ang sekretaryo at agad na yumuko sa boss nito. Bumaling rin ito sa kanya at tumango ng marahan bago dinampot ang black leather bag nito na nakapatong sa isang silya. Hinabol niya ito ng tingin habang papalabas ng bahay. Maya-maya lang ay narinig na niya ang makina ng sasakyang papaalis sa lugar.
"Come here." Napakislot si Elena nang marinig ang baritonong boses ng binata. Ngayon ay parang nagsisisi siya na nagpaiwan sa bahay nito. Nilingon niya ang binata na nakatalikod pa rin at nakaupo sa itim na stool. Dahan-dahan siyang lumapit sa tabi nito at nakitang may wine sa harap ng binata. "Do you have classes today?" Tanong nito ng hindi man lang tumitingin sa kanya.
"W-wala naman." Wala siyang mababakas na reaksyon mula rito. "How about tomorrow?" Hinila ni Elena ang isang stool at naupo rito. Nangangalay na ang mga paa niya. Isang metro ang layo niya mula sa binata dahil baka ayaw nito sa kanya.
"Meron akong dalawang klase sa hapon." Inilibot ng dalaga ang paningin sa buong bahay. May cylindrical aquarium sa gilid ng hagdan na siyang nakakuha agad ng atensyon ng dalaga dahil modern rustic ang interior ng bahay. May malaking electric fireplace ito sa gilid ng sala at sa bandang kaliwa ay ang grand piano nito .Namamangha siya sa ganda ng loob at labas na disenyo nito. Halatang plinano ng maigi ang disenyo ng bahay. The house gives off a warm feeling, like a home. It feels like this house is meant for a large family. Hindi nya sigurado kung ito ba ang nagdisenyo ng sariling bahay o ibang arkitekto.
"If you're done looking around my entire house, cook chicken adobo for me. Also, prepare some juice for me. Bilisan mo." Napalingon siya sa binata at tumango. Mabilis siyang pumanhik sa kusina nito. Chineck niya ang laman ng ref at kinuha ang pangunahing sangkap. Nang makompleto ang mga gagamitin ay napakamot siya ng ulo. Youtube. Oo tama, nasa Youtube ito. Kinuha niya ang cellphone ngunit na drain na pala ang battery nito.
Hindi siya marunong magluto ng ibang putahe. Tanging itlog, cornbeef at hotdog lang ang alam niya dahil ang nanay niya ang laging nagluluto sa kanila. Walong minuto na siyang nakatitig sa mga sangkap, umaasang magiging adobo iyon. Ipinilig niya ang ulo. Kailangan niyang pagsilbihan ang binata upang mawala ang galit nito sa kanya.
Sinimulan niyang hiwain ang buong manok at iba pang mga sangkap. Mabilis ang kilos niya dahil nagugutom na rin siya. Inabot siya ng dalawampung minuto sa pagluluto. Nang maging adobo ang itsura nito ay napangiti siya. "Sa wakas ay natapos din." Napabuntong hininga ang dalaga.
Mabilis niyang inunplug ang rice cooker at kumuha ng kanin doon. Inilagay niya ang adobo sa gilid ng kanin at kumuha ng kutsara at tinidor at binitbit ang orange juice sa kabilang kamay. Nang makabalik sa bar counter ay inilapag niya ng dahan-dahan ang plato at baso sa harap ng binata.
Pinahid niya ang butil ng pawis na namumuo sa noo niya.
____________________
"Paul." Mahina niyang tawag sa binata. Naka upo ito sa isang rattan chair sa gazebo na nasa gitna ng garden. Mukhang galit pa rin ito dahil hilaw ang adobo na nailuto niya. Bukod doon ay sobrang alat din nito kaya nagpadeliver nalang ang binata at pagkatapos nilang kumain ay hindi na siya nito kinausap.
Kailangan niyang makahiram ng phone charger dito dahil baka may naghahanap na sa kanya. Lumapit siya sa binata at umupo sa hanging rattan chair sa tapat nito. Tinitigan niya ang mukha ni Paul. Nakapikit ito at parang natutulog. Alas dos na nang hapon at kakatapos lang niyang maghugas ng mga pinggan.
"Sino ang nakatalik ng kapatid ko, Elena?" Biglaang tanong ng binata. Gising pala ito. "Magsabi ka sa akin ng totoo." Matiim ang bagang nito.
"Hindi ako sigurado kung sino ang lalaking 'yon, Paul. Ang alam ko lang ay may kasintahan siya nung mangyari yun." Nakita niyang kumuyom ang mga kamao ng binata. Sasabihin ba niya rito? Papano pag nagwala na naman ito?
"Sino?" Garalgal ang boses ng binata. Natatakot na naman siya ngunit ayaw na niyang maglihim rito. "S-si...si sir Mike."
Napamulat ang binata at direktang tumingin sa kanya. Walang ibang reaksyon na mababakas rito kundi gulat. "Ginagago mo na naman ba ako?"
Nagulat siya sa talim ng boses nito. Umiling siya. Alam niyang hindi agad maniniwala ang binata na kaya itong gawin ng kapatid. Kahit naman siya ay nagulat na professor ang nobyo nito ngunit mas nagulat siya na tiyuhin ni El ang professor dahil iba ang apelyido nito. Napag-alaman niyang magkapatid pala si Sir Mike at tatay ni Paul sa ina.
"Last sem, nalaman kong nanliligaw si sir Mike kay Louisa. Lagi itong nagtetext at tumatawag sa kanya. Nagdedate sila sa labas ng Baguio. Minsan ay sa labas na ng probinsya upang walang makaalam ng relasyon nilang dalawa." Nababasa ni Elena na hindi kumbinsido ang binata sa mga paliwanag niya.
"Anong katibayan mo?" Madilim na ang mukha nito. "H-ha?"
"Tinatanong ko kung ano ang pruweba mo? Meron ba?" Wala siyang litrato ng dalawa. Wala na rin ang mga gamit ng kaibigan sa dorm.
"W-wala pero-" Tinaasan siya ng kilay ng lalaki. "Pwede mong kausapin si Sir Mike. Nagsasabi ako ng totoo, Paul." Kinuwento niya rito ang lahat mula sa panliligaw ng guro hanggang sa naging nobyo ito ng dalaga. Tahimik lang na nakikinig ang binata.
"At ngayon ay si Jane na ang nobya niya. Noong nasa morgue ay kasama ko si Jane. Noon ko na nalaman na may relasyon na sila bago pa man mamatay si El."
"Sinasabi mo bang posibleng may kinalaman si tito sa pagkamatay ni Lelay?!" Hindi rin siya sigurado doon. Umiling siya. "Hindi ko sinasabi iyan. Pero-"
"Pero ano Elena?" Madiin nitong hinawakan ang kamay niya. Tensyonado ang katawan nito. "Matagal ko nang nararamdaman na may kinalaman si Jane sa pagpapakalat ng video." Natigilan ang binata.
''Paul." Sinubukan niyang hawakan ang kamay nito ngunit agad na naglakad ang lalaki patungo sa sasakyan nito. "Paul!" Tinawag niya ang binata ngunit hindi ito humihinto sa paglalakad. Nang makapasok ay agad nitong pinasibad ang sasakyan. Naiwan siyang nakatayo sa harap ng bahay nito.
"Paul."