Sobrang lakas ng pintig ng puso ni Paul dahil sa panggigigil sa tiyuhin.
Kinunsinti ng pamilya nila ang pakikipagrelasyon nito sa isang estudyante at piniling itago sa ibang tao.
Kahit na nahihirapang makabuo ang mag-asawa noon ay nabiyayaan pa rin ang mga ito ng dalawang anak. Kambal iyon. Nabuo ito nang magkabalikan ang mag-asawa pagkaraan lang ng ilang buwan. Ngunit habang dumadaan ang mga taon ay napapansin ng asawa nito na hindi na naasikaso ni Mike ang mga anak nila dahil kay Lelay kaya naghiwalay ulit ang mga ito at dinala ng babae ang mga anak sa New York.
Palaging nagtatanong ang asawa ni Mike sa kanya kung bakit laging pumupunta ang asawa nito sa kanila pero hindi niya pa iyon maintindihan noon. Lumipat sila ng Baguio dahil doon nais na mag-aral ng kapatid sa kolehiyo. Nang taon ding iyon ay nalaman nilang namatay ang asawa ng tiyuhin ngunit hindi man lang ito pumunta ng Amerika. Inaasikaso pala nito ang paglipat sa St. Claire, kung saan nag-aaral ang kapatid.
Masaya si Paul noon dahil sa wakas ay may magbabantay sa kapatid niya. Ngunit hindi niya lubos na inakala na ang tiyuhin pala ang magdadala ng bangungot sa buhay ng kanyang kapatid.
"Paul, huminahon ka. Baka pareho nating pagsisihan ang mangyayari." Isinandal ng tiyuhin ang kamay nito sa puno upang makatayo ng maayos.
"Tumahimik ka! Hindi ko pagsisisihan ang pagpatay sa'yo kahit makulong pa ako." Nanlilisik na ang mga mata ng binata. Ngunit bigla nalang ngumiti ang tiyuhin niya na siyang lalong nagpagalit sa kanya.
"Marami ka pang hindi alam tungkol sa kapatid mo, Paul. Maniwala ka sa'kin." Natigilan siya. "Anong ibig mong sabihin?" Gusto niyang burahin ang ngiting sumisilay sa labi nito. Itinutok niya ang baril sa ulo ng tiyuhin at akma sanang kakalabitin ang gatilyo nito nang biglang tumakbo ang tiyuhin at inagaw ang baril mula sa kanya. Nagpagulong-gulong sila sa lupa habang nag-agawan sa baril ng binata.
"Hindi mo alam ang kayang gawin ng kapatid mo, Paul!" Asik nito habang nasa ibabaw ng binata. Sinuntok niya ito sa tiyan kaya napabitaw ito sa baril. Nang bumaluktot ang katawan nito dahil sa sakit na naramdaman ay tumayo ang binata at sinipa ng malakas ang tiyuhin. Nauubos na ang lakas niya ngunit hindi siya titigil hanggang hindi niya ito napapatay. Nang akma niyang sisipain muli ang tiyuhin ay nahawakan nito ang binti niya at hinila siya padapa sa lupa.
Ipinulupot nito ang braso sa leeg niya at sinubukan siyang sakalin. "Ang kapatid mo ay isang baliw, Paul." Bulong nito sa tenga niya. Sinubukan nitong agawin ang hawak niyang baril ngunit natapon ito sa ilalim ng bato. Sinakal siya ng tiyuhin hanggang sa manghina siya. Nang bitawan siya nito ay lupaypay na bumagsak ang katawan niya sa lupa.
Muli itong nagsalita, tila may gusto itong ipahiwatig sa kanya."Paul, your sister was far more dangerous than you ever realized. You have no idea the darkness she carried inside her, what she was capable of doing, the havoc she could have unleashed if left unchecked."
"T-tumahimik k-ka." Ito lang ang tanging nasagot niya rito dahil ang tiyuhin ang totoong masama. Ito ang totoong demonyo.
"You should have been more vigilant, should have watched over her before it was too late. The things she could have done, Paul... you can't even imagine. But now, thank God, she's finally gone. It's almost a blessing that her life has ended, because that evil mind of hers has been silenced for good. If she had lived, who knows what horrors she would have unleashed. Now, at least, the nightmare that was growing inside her has been stopped."
Pinilit ng binata na bumangon at kunin ang baril ngunit hindi paman siya ganap na nakakatayo ay naramdaman nalang niya na umikot ang paningin niya dahil sa paghampas ng matigas na bagay sa kanyang batok. Unti-unting nagdilim ang paningin niya at ang huling natatandaan niya ay may boses ng babae na nagsalita sa kanyang likuran.
___________________
"Kuya."
"Hintayin mo ako." Tanging nasagot niya sa tawag nito. Palayo ito nang palayo. "T-teka lang Leigh, hintayin mo ang kuya." Ngunit hindi ito tumigil sa pagtakbo. Malayo na ito. Paliit nag paliit ang imahe nito habang palayo sa kanya. Parang bako-bako ang daan na tinatahak niya.
"Lelay, hintayin mo a-ako." Sumigaw siya rito ngunit hindi ito sumasagot. "LELAY! HINTA-"
"Hintayin mo kami diyan, papunta na kami." Nagising si Paul nang marinig ang boses ng isang lalaki. Akala niya'y nasa panaginip pa rin siya dahil bako-bako pa rin ang daan na tinatahak niya. Sinubukan niyang imulat ang mga mata at inilinga ang paningin. Magdidilim na ang paligid.
Nakasakay siya sa isang police patrol car at may katabing pulis sa kaliwa niya. Sa kanyang harapan ay may dalawang pulis at ang isa ay may kausap sa radyo nito. Ang daan ay lubak-lubak. Kaya pala naramdaman niya ito kahit sa panaginip. Ang paligid ay puro puno na nadadaanan nila. Ano ba ang nangyari? Sinubukan niyang kunin ang cellphone sa bulsa ngunit natigilan siya nang makitang ang dalawang kamay ay nakaposas sa bar handle ng sasakyan.
Napansin siya ng isang pulis. "Oh, gising na pala 'to. Nimuel, sabihin mo kay Isagani na sa station na tayo didiretso."
Nagulat siya sa sinabi nito. "Anong station? Pakawalan ninyo ako!" Kinalampag niya ang posas ngunit nanghina lamang siya sa ginawa. Natawa ang pulis sa gilid niya.
"Huminahon ka hijo. May tumawag sa amin na may ginulpi ka raw sa gitna ng masukal na gubat sa likod ng unibersidad. May dala ka pang baril na mukhang hindi naman sa'yo. Ang sabi ng tumawag sa amin ay may plano ka nga raw na patayin at gahasain yung babae." Babae? Sinong babae?
"Yes, the gun is legally mine, you genius. And which girl are you talking about that I supposedly attempted to rape? Because last I checked, I wasn't auditioning for a crime drama!" Kung makikipagsuntukan siya ngayon ay ayos lang sa kanya. Nakita niyang nalukot ang mukha ng katabi. "Wag mo akong ini-ingles ha, baka tamaan ka sa'kin. Ikaw na nga itong may ginawang mali, ikaw pa itong matapang!" Halos mahilo siya sa baho ng hininga nito.
"Yeah, why don’t you hush for a second? Seriously, show some mercy to our poor environment! With every word that comes out of your mouth, it’s like you’re running a carbon dioxide marathon. At this rate, we might need to plant a whole forest just to counteract your verbal pollution!" Bumungisngis ang pulis sa harap niya.
"ABA'Y TARANTADO KA AH!" Nabingi si Paul sa sigaw nito. Isang dangkal lang ang layo nito sa mukha niya. Nang makarating sa Police Station ay marahas na tinanggal ng katabing pulis ang unang posas na nakakabit sa handle ng sasakyan. Habang nakaposas ay tinulak siya ng pulis pababa ng sasakyan. Napaungol ang binata sa pagkairita dito.
When they arrived at the police station, the officers forcefully escorted him to the detention cell, the heavy clang of the door echoing ominously behind him. The air was thick with tension as he glanced around, anxiety gnawing at him. Then, his gaze landed on Mang Kulas, whose unsettling grin pierced through the gloom. It was a grin that spoke of secrets and threats, a reminder that he was not alone in this nightmare. The realization sent a chill down his spine, intensifying the feeling that he was stepping into a trap far more dangerous than he had anticipated.
"Magandang gabi sa iyo, sir Paul" Nakangisi ito sa kanya. Nakaupo ito sa karton na inilatag nito sa sahig. Napipikon na siya sa mga nangyayari. Kailangan niyang makausap ang sekretaryo niya.
Nakita niyang mula sa pagkakaupo ay dahan-dahang tumayo ang matanda. "Ano po ang nangyari at nandito kayo , Sir Paul? May pinagbintangan na naman ba kayo?" Inosente nitong tanong sa kanya. Parang may gusto itong ipahiwatig sa kanya. Hindi niya ito sinagot dahil iniisip niya kung papano makakausap ang sekretaryo dahil nawala sa bulsa ang dala niyang cellphone kanina.
Lumapit ang matanda sa kanya. Nasa kabilang dako siya ng selda at nakasandal ang likod niya sa steel bars at pinagkrus ang mga braso habang nakapikit at iniisip kung sino ang walanghiyang babae na nag imbento ng kwento sa mga pulis. Sa galit ay sinipa niya ang steel bars sa likod niya.
Sumigaw ang pulis sa malapit. Ito yung pulis na nakasagutan niya sa sasakyan. "Hoy! Itigil mo yan. Ayoko ng maingay dito!" Nakita niyang nagtawanan ang ibang pulis at ang iba ay naghigh five pa sa isa't-isa. Mga g*go. Sa isip ni Paul.
Narinig niyang tumawa rin ng mahina ang matanda. Muli siyang pumikit at pinilit na mag-isip kung papano makakalabas sa amoy-ihing selda na iyon. Hindi niya namalayan na nasa tapat na pala niya ang matanda. Napamulat siya sa ibinulong nito.
"Hindi ako ang pumatay sa kapatid mo, pero alam ko kung sino."