Bago tuluyang pihitin ni Trinidad ang seradura ng pinto sa sala upang lisanin ang lugar na iyon ay muli pa muna niyang inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. May mga inutusan na siya kanina upang hakutin ang mga dapat hakutin, at ibaon ang mga dapat ibaon. Ang mga inutusan niya ay mga taong konektado sa kaniya. Pinaraanan niya ng tingin ang lahat ng sulok ng bahay na kayang abutin ng kaniyang mga mata. Kung ano ang hitsura ng bahay bago siya dumating ay ganoon na ulit ngayon—na parang walang isang ‘Trinidad’ ang minsan ay tumira roon. And without her, the house was back to its steely coldness—as it should be. Ang bahay na iyon ay parang si Ares, na dapat ay hindi na niya sinubukang bahagian ng init niya. Some ice wasn’t just worth breaking. It would only leave you bleeding from it

