Napukaw ng atensiyon ko nang dumaan ako sa area ng mga laruan. Ilang minuto na siguro ako rito, tumitingin ng iba't ibang laruan. Ang gaganda kasi ng mga laruan sa hypermart makukulay, at kayang i-heal nito ang inner child mo.
May batang babae na kanina pa rin ako tinititigan, siguro limang taon gulang yung bata base sa height. Tinignan ko ang paligid kung may kasama ba 'to pero walang nakasunod sa kaniya. Mukhang nawawala 'yung bata, tatanungin ko na sana 'to. Bigla naman nagsalita 'yung bata.
"Mommy!"
Nilingon ko kung sino ang itinuturo ng bata, wala namang tao kundi kami lang. Kaya napaturo ako sa sarili ko. Tumango ito, wala pa naman akong anak. Galing ba 'to sa future, at pinuntahan ako? May ginawa ba akong masama sa future?
Maraming tanong sa isip ko, natawa ako sa isip na 'yun kasi hindi naman 'yun mangyayari. Nakatitig pa rin 'to sa'kin, at nagsalita 'to.
"Up, up, up."
Tatlong beses niya itong binanggit. Habang binabanggit niya yung salitang "up" ay nakahanda na ang mga braso nito. Seniyales na buhatin ko 'to. Ayokong buhatin yung bata, at baka dumating 'yung kasama nito sabihin pang kidn@pper ako. Lumuhod ako para pumantay sa kaniya, at tinanong kung na saan ba ang mommy niya.
Imbis na masagot ako nito, tumango 'yung bata habang tinuturo ako nito. Sinabi nito ulit ang sinabi niya kanina na "mommy up, up, up." Tinignan ko ang id nito, mukhang nakasulat dito ang pangalan nang bata, sana naroon din ang pangalan ng guardian.
"Name: Ocean Chen Hakusho
If child is lost please return to..."
Hakusho?
Parang pamilyar sa'kin yung Hakusho. Tinignan ko muli ang id nito para makita 'yung nasa likod. Nang makita ko 'to ay napaisip pa 'ko dahil sobrang pamilyar. Napaurong ako nang na realize ko na iisa 'yung kakilala ko sa nakasulat sa id nang bata. Tinanong ko 'yung bata kung sino si "Phen Hakusho" nakasulat sa likod ng id niya.
Sinagot nito na daddy daw, anak pala 'to ni Phen. Napakapabaya naman niyang tatay. Mukhang maglalandas pa kami ni Phen dahil sa anak niya. Binuhat ko 'to dahil kanina pa 'ko kinukulit. Dumiretso kami ng customer service para ipatawag si Phen, at masundo si Ocean.
Sabagay tatlong taon na rin naman ang nakalilipas, posibleng anak niya 'to pero bakit ang second name nito ay Chen. Hindi kaya nagalit nanay nang bata? Sumasakit na ang ulo ko kaiisip dahil kung tatlong taon na ang nakalilipas bakit ang estimasyon ko sa edad ng bata ay limang taon?