3

2727 Words
Magkaharap na nakaupo sa isang pandalawahang mesa na nasa bandang dulo sa loob ng isang restaurant sina Angelo at Danica. Parehong nakatingin sila sa isa’t-isa. Walang alam ang kuya niyang si Edward na kakausapin niya ang dati nitong kasintahan. “Marahil ay kilala mo na ako, Ate Danica,” wika ni Angelo. Siya ang unang nagsalita at bumasag sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Danica. Ningitian ni Danica si Angelo. “Yah, I know you. Ikaw ang kapatid ni Edward na magpa-pari. Lagi ka niyang ikinekwento sa akin at pinapakita pa ang mga pictures mo. At masasabi kong masyado kang gwapo para maging pari,” aniya. “Sayang ka,” kanya pang dugtong. “At ano namang sayang doon?” nagtatakang tanong ni Angelo. “Sayang ang lahi, ano ba?” maarteng wika ni Danica at umikot pa ang mga mata. ‘Parang baligtad ang mga inilarawan ni kuya sa’kin tungkol sa kanya sa mga nakikita ko ngayon,’ sa isip-isip ni Angelo. ‘Masama mang manghusga pero sa tingin ko, hindi naman siya mabait, maarte pa siya. Mukha ring hindi siya maalaga, inalagaan ba niya talaga ang kuya ko?’ mga salita pa niya sa kanyang isipan. Ngumiti na lamang ng maliit si Angelo na nakuha na ang ibig sabihin ng dating kasintahan ng kapatid. “Anyway, ano bang kailangan mo at gusto mong makipagkita sa akin ngayon, Brother Angelo?” tanong ni Danica. Nagtataka din siya sa biglaang pakikipagkita ni Angelo sa kanya. Magsasalita pa lang sana muli si Angelo nang biglang nagsalita muli si Danica. “Don’t tell me, pati ikaw ay magmamakaawa sa’kin at ipipilit mo na makipagbalikan sa kapatid mo?” Natawa siya. “Alam mo, ilang beses ko nang sinabi sa kuya mo na ayoko na. Huwag na niya akong ipilit na ipasok sa relasyong naming wala ng pagmamahal. Siguro naman alam mo na siya na lang ang nagmamahal sa aming dalawa, ‘di ba?” tanong pa niya. “You know kasi, walang permanente sa mundo, lahat nagbabago, at kabilang doon ang gusto ng puso, sa una mahal mo siya pero ang pagmamahal kasi, nagbabago at may hangganan,” tuloy-tuloy na litanya pa niya. “Naiintindihan mo naman ako ‘di ba, Brother Angelo?” Muling natawa si Danica nang may ma-realize siya. “Oops! I’m sorry, hindi ko naisip na pwede nga pala na hindi mo maintindihan ang mga sinasasabi ko dahil baka hindi mo pa naranasan ang romantic love, and I think, hindi mo nga siguro alam kung ano ang romantic love dahil puro love for God lang ang nararamdaman mo,” maarteng litanya pa niya. Tipid na ngumiti si Angelo. “Ang dami-dami mong sinabi,” wika niya. “Hindi naman ako magmamakaawa at makikiusap sa’yo,” aniya na ikinataas ng kanang kilay ni Danica. “What?” tanong ni Danica. “Hindi ko ipipilit sa’yo na makipagbalikan ka sa kuya ko kasi kahit naman gawin ko ‘yon, walang mangyayari. Tama ba ako?” saad ni Angelo. Nag-smirk si Danica. “Oo, walang mangyayari,” sagot niya. “Walang-wala na,” sabi pa niya. Bumaba ang tingin ni Angelo saka huminga nang malalim. Ilang sandali lang ay muli niyang tiningnan si Danica. “Gusto ko lang malaman mula sa’yo bakit ganun-ganun na lang na itapon mo ang kuya ko? Parang wala kayong pinagsamahang dalawa. Ganu’n na lang ba talaga kadali sa’yo na isawalang-bahala ang mga alaalang pinagsamahan ninyo? Mga pagmamahal na inialay ninyo sa bawat isa?” mga tanong ni Angelo. “Gaya nga nang sabi mo, nagbabago at may hangganan ang lahat, marahil kasama nga doon ang damdamin mo para sa kuya ko pero ganoon ba talaga kadali sa’yo na itapon siya na para siyang isang basura?” tanong pa niya. Ngumiti nang nakakaloko si Danica. “Gusto mo bang malaman ang totoo, Brother Angelo?” tanong niya. Nananatili namang nakatingin si Angelo kay Danica. “Sige, simple lang naman ang sagot diyan sa tanong mo, dahil nakakita ako ng mas higit sa kanya. Higit na mas gwapo, mas makisig at higit sa lahat, mayaman. Mayamang-mayaman na kahit kailan ay hindi magiging ganu’n ang kapatid mo,” diretsahang sabi niya. “Kahit na ilang taon pa siyang magbungkal ng semento at magpatong-patong ng hollow blocks, kahit ilang buildings pa ang buuin niya, hinding-hindi niya maaabot ang bago kong minamahal ngayon,” aniya na may halong pang-iinsulto ang tono. “Kahit nga mga daliri sa paa ng taong mahal ko ngayon, hinding-hindi niya maaabot,” sabi pa niya saka ngumiti nang pang-asar. Masama mang magalit pero hindi napigilan ni Angelo na maramdaman ‘yon. Pinipigilan niyang magalit ng labis. Kumukuyom pabilog ang mga kamay niya na nakatago sa suot niyang damit at pilit na pinapakalma ang sarili niya. “Sa totoo lang, hindi ko naman siya minahal. Ginamit ko lang siya at kaya kami tumagal ng maraming taon ay dahil hindi ko pa nakikita ang lalaking mas hihigit sa kanya pero ngayong nakita ko na, syempre hindi ko na siya pakakawalan pa,” nagmamalaking sambit pa ni Danica na lalong ikinagalit ni Angelo. “Pero mahal na mahal ka ng kuya ko,” madiin na wika ni Angelo. “Mahal na mahal ka niya ng higit pa sa sarili niya,” diin pa niya. Pagak na tumawa si Danica. “Alam ko, kaya ko nga siya nagamit at nagpagamit naman siya-” Napatigil sa pagsasalita si Danica nang biglang tumayo si Angelo at malakas na hinampas sa ibabaw ng lamesa ang mga nakakuyom na kamao. Nagulat ang mga taong naroon rin sa loob ng restaurant sa ginawa niya at lalo na si Danica na nanlalaki ang mga mata pero walang pakielam si Angelo. Galit na galit siya ngayong nakatingin nang matalim kay Danica kahit na hindi niya pwede iyong maramdaman at gawin. “H-Hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ng kuya ko,” madiin at nanginginig na bulong ni Angelo. Nagulat man si Danica pero hindi siya nagpasindak sa ginawa ni Angelo. Napangiti lang ito ng nakakaloko. “At bakit ko naman kailangan na isipin siya? Di ba dapat sarili ko ang iniisip ko at hindi ang ibang tao?” tanong ni Danica. “Nagagalit ka ba, Brother Angelo? Naku, magagalit si Lord sa’yo niyan kasi ayaw niya ng galit, ‘di ba?” mapang-asar niya pang tanong saka ningitian si Angelo nang pang-asar. Napatayo nang tuwid si Angelo. Nakakuyom pa rin ng madiin ang mga kamao niya para mapigilan niya ang sarili na sumabog sa galit. Hindi niya inaasahan na ganito ang babaeng minahal ng lubos ng kuya niya. Ngayon pa lang, sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa nito. Tiningnan nang mariin ni Angelo si Danica. Tinandaan niya ang itsura at hulma ng mukha nito para hindi niya makalimutan. “Sa lahat ng sinabi mo sa akin ngayon, ipinagdarasal na kita na sana… na sana kapag namatay ka, hindi mabigat na parusa ang ipataw sa’yo ng Diyos,” mariing sambit ni Angelo. “Siya na ang bahala sa’yo,” dagdag pa niya. Sandali pa niyang tinitigan si Danica bago niya iiwas ang tingin rito at wala nang salita na lumayo at lumabas ng restaurant. Naiwan si Danica na pangiti-ngiti lang at parang wala lang ang mga sinabi ni Angelo sa kanya na sinusundan niya ng tingin. “Wala akong pakiealam kung sa impyerno pa ko mapunta kapag namatay ako dahil ang mas mahalaga sa’kin ay ang maging super-duper happy dito sa lupa,” nangingiting sabi ni Danica. --- Tulala si Angelo habang naglalakad siya ng mabagal. Hindi niya namalayan na nasa harapan na siya ngayon ng gate ng seminaryo. “Brother Angelo.” Bumalik sa reyalidad si Angelo nang marinig niya ang tawag na iyon. Nakita niya si Father Ryan na walang ekspresyong makikita sa mukha. ‘Oo nga pala, tumakas ako kagabi at ngayon lang ako nakauwi, siguradong pagagalitan ako ni Father,’ sa isip-isip niya. “F-Father Ryan,” pabulong na sambit ni Angelo. Dahan-dahang naglakad palapit si Father Ryan kay Angelo. “Sumuway ka na naman.” Niyuko ni Angelo ang kanyang ulo saka pinagpatong ang mga palad niya na parang nagdarasal. “Paumanhin Father Ryan sa ginawa ko,” sincere na paghingi niya ng paumanhin. Nanatili pa rin itong nakayuko. Narinig ni Angelo na nagbuntong-hininga si Father Ryan. Tinapik siya nito sa kanang balikat dahilan para umayos muli sa pagkakatayo si Angelo. “Sige,” ani Father Ryan. “Sana lang ay huwag na muli itong maulit kasi kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin sa’yo,” aniya pa. Ngumiti nang maliit si Angelo. “Salamat po,” sabi niya. Yumuko siya ulit sandali bilang paggalang. “Oo nga pala Brother Angelo, napansin ko kanina na tulala ka habang naglalakad. May problema ba? Kumusta ang kuya mo? May nangyari ba sa kanyang hindi maganda?” sunod-sunod na tanong ni Father Ryan. Sinuklian lamang ni Angelo nang tipid na ngiti si Father Ryan. Ayaw niya munang magsalita rito. Tumango na lamang si Father Ryan. Naiintindihan niya na ayaw munang pag-usapan ni Angelo ang kung anuman ang bumabagabag rito. Pero ang sigurado ni Father- tungkol ito sa kuya nito at may problema. “Sige at pumasok ka na sa loob at maglinis ng katawan saka magpalit ng damit. Mamaya ay may misa tayo,” utos ni Father Ryan. Tumango si Angelo saka naglakad na siya papasok at iniwan si Father Ryan na napabuntong-hininga na lamang habang sinusundan siya ng tingin. --- Kasalukuyang nasa loob ng banyo si Angelo. Hinahayaan ang sarili na mabasa ng tubig mula sa shower ang hubad na magandang katawan. Kitang-kita ang maganda niyang pangangatawan. Ang maumbok niyang mga dibdib na may mga brownish na u***g sa magkabilang tuktok. Ang nagtitigasan niyang mga abs. Ang magandang hulma ng kanyang mga braso, hita at binti na nababasa ng tubig, at ang huli, ang nakalawit niyang dalawang bola at ari na hindi pa man matigas ay may ipagmamalaki na. Hindi ito maugat, katulad ng kulay ng kanyang makinis na balat ang kulay ng katawan ng kanyang ari, moreno. Maganda ang hugis ng ulo na parang mushroom. Napapikit ng mga mata si Angelo. Hanggang ngayon ay dumadaloy na parang tubig sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Danica. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit. Mali man na sabihin niya ito pero sa tingin niya, parang gin*go lamang ni Danica ang kapatid niya na nagmahal ng wagas at totoo. Hindi niya tuloy maiwasang hindi kaawaan lalo ang kapatid niya. Napabuntong-hininga si Angelo. Naalala na naman niya ang kanyang kuya. ‘Bakit po ba ganun? Kung sino pa ‘yung totoong nagmamahal ay siya pa ‘yung parang pinaparusahan at labis na nasasaktan?’ iniisip niya. Malalim na napabuntong-hininga ulit si Angelo. “Sana lang ay maging maayos na ang lahat sa buhay ni Kuya. Sana makayanan niyang lagpasan ang pagsubok na ito sa pag-ibig. Sana gabayan niyo siya, Panginoon. Ikaw ng bahala sa kanya habang wala ako sa tabi niya,” bulong na panalangin niya. --- Kasalukuyang may misa. As usual, si Angelo muli ang gumagabay sa mga bata, binata at dalaga na kumakanta. Kahit papaano’y gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing naririnig ang pag-awit ng mga ito at nawawala ang dinadala niya. Hanggang sa matapos na muli ang misa. Nilapitan niya isa-isa ang mga bata, dalaga at binata na kumanta at nagpasalamat siya sa mga ito kasi hindi siya binibigo ng mga ito na bigyan ang mga taong dumadalo sa misa ng isang magandang performance sa pag-awit ng mga kantang pang-simbahan. Hanggang sa mapalingon na lamang si Angelo ng may bigla siyang maramdaman na kumakalabit sa kanya. Bahagya siyang nagulat nang makita si Dennise na nakangiti sa kanya. “Dennise?” pagtawag ni Angelo sa dalaga. Mas lalong napangiti si Dennise. “Akala ko nakalimutan niyo na po ako, Brother Angelo,” aniya. Ngumiti si Angelo. “Hindi kita nakalimutan,” wika niya. “Mabuti naman po kung ganun,” natutuwang salita ni Dennise. “Anyway, mukhang magaling ho kayo pagdating sa musika. Ang galing niyong gumabay sa mga kumakanta,” aniya pa saka ngumiti ulit. Napangiti naman si Angelo sa sinabi ng dalaga. “Hindi naman. Dati rin kasi akong kasali sa kanila pero ngayon, ako na ang guro nila pagdating sa pagkanta,” pa-humble na sagot niya. Masaya siya na nakita si Dennise ngayon. “Ibig sabihin po pala, magaling rin ho kayong kumanta?” nangingiting tanong pa ni Dennise kay Angelo. “Hmmm… hindi naman,” nangingiting sagot ni Angelo. “Oo nga pala, mabuti at nakadalo ka sa misa,” dugtong pa niya. Tumango-tango si Dennise at ngumiti. “Sa totoo lang kasi Brother Angelo, ngayon na lang ulit ako nakapagsimba kasi walang time. Sinulit ko na ang oras ko ngayon para makapagsimba at makita na rin kayo. Gusto ko ho kasi ulit kayo pasalamatan dahil sa pagtulong niyo sa akin kagabi. Kung walang tumulong sa’kin, siguradong baka inumaga na ko sa gilid ng daan,” sabi pa niya. Napangiti si Angelo. “Wala iyon. Hangad ko ang makatulong sa kahit sino at sa kahit anong paraan na kaya ko,” aniya. “Oo nga pala, napuntahan mo na ba iyong sinasabi mong pupuntahan mo sa lugar na ito?” tanong pa niya ng may kunot sa noo. Tumango-tango si Dennise. “Opo, Brother Angelo. Kaya pagkatapos nito ay babalik na muli ako ng Maynila para harapin na naman ang mga naiwan kong trabaho roon,” sabi niya pa. “Ganu’n ba?” tanong ni Angelo na may kasama pang pagtango-tango ng ulo. Narinig na lamang ni Dennise na tumutunog ang kanyang phone na nasa shoulder bag niya. Kaagad niya iyong kinuha at napangiti nang makita ang pangalan ng taong tumatawag. Napatingin muli ito kay Angelo. “Uhm… Excuse lang po Brother Angelo at sasagutin ko lang itong tawag sa’kin,” pagpapaalam ni Dennise. Tumango naman si Angelo. “Sige,” aniya. Bahagyang lumayo si Dennise kay Angelo at sinagot na ang tawag. “Kuya Rex, bakit napatawag ka?” nagtatakang tanong niya sa kanyang kuya. “Anong oras ka babalik dito sa Manila?” tanong ng gwapo niyang kuya. “Uh…” napatingin si Dennise sa suot niyang wrist watch. “Baka mamaya. Nagsimba pa kasi ako bago ako bumalik diyan sa Manila,” sagot niya pa. “Ganu’n ba? Basta siguraduhin mo na before dinner, makauwi ka na sa bahay, okay?” paalala ng Kuya Rex niya. Biglang naalala ni Dennise, may dinner nga pala silang buong pamilya mamaya dahil ipapakilala ng Kuya Rex niya sa kanilang lahat ang girlfriend nito at future wife. Sa pagkakaalam niya, Danica ang pangalan nito dahil ‘yon ang sinabi ng Mama niya. Siya kasi, hindi pa niya ito nakikilala o nakikita man lang dahil sa lagi rin siyang busy. “Opo. Basta before dinner, nandyan na ako.” “Good. Sige at mag-ingat ka sa pag-uwi,” bilin ng Kuya Rex niya. Close sina Danica at ng Kuya Rex niya na nag-iisa at one and only kuya niya. Two in one nga ito para sa kanya kasi, kuya na niya ito, dakilang tatay pa dahil ulila na rin sila sa ama. Ten years old siya ng mamatay ang kanyang ama dahil sa cardiac arrest kaya siya, ang kuya niya at ang mama nila ang siyang namamahala ng mga kumpanyang naiwan ng papa nila. “Opo,” sagot ni Dennise saka ngumiti. Kapwa ibinaba na ng dalawa ang tawag matapos mag-usap. Muling itinago ni Dennise ang phone niya sa bag. Tiningnan ulit ni Dennise si Angelo. Ngumiti siya saka nilapitan ito. “Kuya mo?” tanong ni Angelo kay Danica. Tumango-tango si Dennise. “Oo,” sagot niya. Napangiti si Angelo. “Pareho pala tayong may kuya,” aniya. “Talaga?” nakangiting tanong ni Dennise. Tumango naman si Angelo bilang sagot kay Danica. “Oo nga ho pala Brother Angelo, kailangan ko nang bumalik sa Manila para makaabot sa dinner,” pagpapaalam ni Dennise kay Angelo. “Ganu’n ba? Sige at mag-ingat ka. Gabayan ka ng Diyos sa buo mong biyahe,” sabi ni Angelo. “Salamat po. Sige ho Brother Angelo at mauna na po ako,” pagpapaalam ulit ni Dennise kay Angelo na ikinangiti naman ng huli. “Hanggang sa muling pagkikita,” nakangiting sabi niya pa bago tumalikod mula kay Angelo at naglakad na palabas ng simbahan. “Hanggang sa muling pagkikita, Dennise,” nakangiti ring bulong ni Angelo habang nakasunod ang tingin niya sa papalayong si Dennise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD