Isang matamis na ngiti ang pumaskil sa mukha ni Roman. Kasunod ay ang pagkunot ng kanyang noo. “You still don't remember? Ako ‘yung bata na naiwan sa sementeryo ng tatay ko. Basang-basa ako noon at pinagbihis mo ako. Kaya nasa akin ang damit mo,” ani Eliza. “And you still have it with you all this time?” napantastikuhang anas ni Roman. Hindi nito akalain na ang batang nakita sa sementeryo ay ang babaeng mahalaga ngayon sa buhay niya. “Why of course. The memory of my first love,” parang nananaginip na turan ni Eliza. Lumapit si Roman sa dalaga at muling niyakap si Eliza. “So I'm one lucky guy. I'm your first everything.” Sabihin pa ay proud si Roman sa sarili. Wala pala siyang karibal sa pag-ibig ni Eliza. “E, ako saan ba ako nakalugar sa puso mo? Aba, Mr. Vergara namumuro ka na ha! Pi

