HSV18 “My God, Eliza what are you doing here?” Dali-daling inalalayan tumayo ni Roman ang basang-basa at umiiyak na si Eliza. Napaawang ang bibig nito na nakatingin sa kanya habang tigmak ang mukha nito ng luha. “Stand up! Look at you! You are all wet!” turan ni Roman. Pabigla na niyakap ni Eliza si Roman. Kahit lumaki na siya ay hindi pa rin mawala sa kanya ang takot sa kulog at kidlat. Iyon kasi ang dahilan ng pagkamatay ng ina. Kitang-kita niya noon kung paano tinamaan ng kidlat ang ina na isisilong lamang sana ang kambing na nawalay sa kawan. Hilakbot siya ng umusok ang katawan ng ina ng tinamaan ng kidlat. Nagbalik ang kanyang kamalayan sa kasalukuyan ng patuloy na hinahagod ni Roman ang kanyang likod. Dahan-dahan siya nitong iginiya patungo sa sasakyan nito at binuksan ang isang

