“Ano itong nabalitaan ko Hijo? Na nagsabunutan pa si Chrissa at Sabrina doon malapit sa kuwadra?” tanong ng ina sa anak na si Roman. “Ewan ko sa kanila Mama. Dangan kasi na wala silang mahihita sa akin, naghahabol pa. If they are expecting na isa sa kanila ang papakasalan ko, huwag na silang umasa,” maasim na saad ni Roman. Alinman sa dalawang babae ay hindi man lang pumasok sa standard niya. Sa itsura at lalo na sa ugali. Hindi siya makapaniwala na ang mga dalagang galing sa buena familia ay nagsabunutan pa ng dahilan lang sa kanya!? “So, are you seeing someone,Hijo?” tanong sa anak. “We aren't formally dating yet, but I like her,” saad ni Roman. “Enough to marry her and give me grandchildren?” excited na saad nito. Nasasabik na ang Ginang sa isasagot ng anak at nang hindi sumagot ay

