ALAM niya naman na sa sarili niya na sa oras na dumating ang pagkakataong ito, imposibleng matanggihan niya ang mga ito. Kay Dion na rin mismo nanggaling na tradisyon ito kung ituring nila Felix. Isa pa, wala sa mukha ni Felix ang magpapalampas sa kagaya niya. "Madali lang naman akong gagawin mo." Nang makalabas sila mula sa silid ay hindi na inalis ni Felix ang pagkakaakbay sa kaniya na para bang tatakas siya. Hindi siya nagsalita, kundi sumunod nang maamo sa mga ito. Palayo na sila ng palayo sa silid niya, bumaba gamit ang elevator at ngayon ay lalabas na sa gusali. Saan ba siya balak dalhin nang mga ito. Halos lumalayo na sila sa mataong lugar. "Siguraduhin mong hindi susunod ang Dion na 'yon para humadlang." Paninigurado pa nito. Hindi naman susunod si Dion. Nangako siyang hind

