20

2215 Words
PINAGBIHIS siya ni Manang Tessing dahil magsisimula na raw ang kaarawan niya. Pinaghandaan ito ng Daddy niya, kaya naman kahit ayaw niyang ituloy ang selebrasiyon, kailangan niyang makisama at pahalagahan ang ginawa ng mga ito para sa kaniya. Kaya naman wala siyang magawa kundi ang isuot ang kulay asul na bestida na binili pa para sa kaniya sa araw na ito. "Bagay na bagay sa'yo ang suot mo, Erena!" Natutuwa pang pumalakpak si Manang Tessing sa kaniya. Tipid lamang siyang ngumiti bago pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Maganda ang bestida, hanggang talampakan niya, dalawang pulgada ang lapad ng strap niyon, malambot at magaan ang tela. "Heto at may partner na sapatos iyan." Inilapag ni Manang Tessing ang kulay puting sapatos sa tapat ng paanan niya. "Isuot mo na." Nagtagal ang paningin niya sa kulay itim na bota ni Skyler sa gilid ng silid niya. Malungkot pang napabuntong-hininga si Manang Tessing nang makita ang ginawa niyang pagtingin doon, pero sinuot niya rin naman ang puting sapatos. Maayos lang naman iyon sa paa... hindi nga lang ganoon kakomportable. "Sandali." Kinuha ni Manang Tessing ang dalang injection sa bakal na tray. "Pampakalma ito ng mga kakambal mo." Nagpalitan pa sila ng tipid na ngiti bago siya nito inakay palabas ng silid. Iilan lang naman ang bisita niya. Si Manang Tessing, ang Daddy niya, si Louie, si Santos at ang kaibigan ni Skyler na si John... "Happy birthday, Erena!" Nagsimula naman sa pag-awit ang mga ito. Lumipat si Manang Tessing sa puwesto ng apat sa tapat ng lamesa kung saan naroon ang mga handa niya, hawak naman ni Louie ang cake na hihipan niya. Eighteen ang kandila na nakalagay roon. Napangiti na lang siya nang maalalang simbolo iyon na dalaga na siya. "Blow your candle, Erena." Tumango siya kay Louie 'tsaka lumapit sa hawak nitong cake at hinipan iyon. "What's your birthday wish?" dugtong pa ni Louie. Nagtagal ang paningin niya sa cake. Naroon ang panghihikayat sa mukha ng Daddy niya, marahil ay maging ito, naramdaman na wala siyang maisip. Espesiyal ang kahilingan, pero palaging walang katiyakan kung mangyayari. At ang hiling niya... hiniling niya nang walang katiyakan. Nagpalakpakan at nag-ingay ang mga ito nang hipan niya ang kandila. "For now, let us state our messages for our celebrant," panibagong anunsiyo naman ni Louie. "Tito...?" Inalalayan pa siya ni Louie sa upuang katapat nila, tila talagang ginawa para sa kaniya. "My message won't be that long, but I wanted you to know that I love you. From the very first time that I laid my eyes on you, when you were born... you are not just special, Anak. You are a precious gift. Now that you are now a lady, I want you to be extra careful about everything. Someday... you'll see the world without my guidance when the day comes that I am gone and, hopefully, someone will be there for you when the time comes... Happy birthday." Marahang lumapit sa kaniya ito, hinalikan ang noo niya. Ayaw niyang mawala ang Daddy niya, pero... darating kaya ang panahong sinasabi nito? Na balang araw... may makakasama siya sa paglabas ng mundo. Kung oo man, gusto niyang tumanda kasama ito. Kahit saang lugar... kahit nakatago, basta mananatiling kuntento sa kung anong mayroon... at anong kaya lang. "Your Dad is just always here, Erena. Tatandaan mong hangga't nabubuhay ako, poprotektahan kita." Kinabig niya ang Daddy niya para yakapin. Natatawa naman siya nitong niyakap pabalik bagama't nagiging emosiyonal na rin. "Thank you, Daddy..." "Walang anuman, Anak. Palagi." Pagkatapos ng mensahe ng Daddy niya ay sumunod naman si Manang Tessing. "Dati lang, ang liit liit mo pa at napaka kulit, kahit na hanggang ngayon naman." Nangibabaw ang tawanan ng mga ito, pero kahit natatawa si Manang Tessing, panay pa rin ang pahid nito sa namamasang mga mata. "Naalala mo, sobrang hikain ko. Halos palagi akong hinihika kahahabol sa'yo kapag tumatakas ka... pero humahanga ako sa pagiging kontento mo sa buhay, na nakikita mo ang kagandahan sa bawat bagay..." Tumango siya, masarap sa puso. "Erena, kahit na hindi man tayo talagang magkadugo, gusto kong malaman mo na parang apo na ang turing ko sa'yo. Ayaw kong nasasaktan ka, nakikita kang umiiyak, kaya sana ay mas alagaan mo pa ang sarili mo lalo na ngayong lumalaki ka na talaga." Kagaya ng ginawa ng Daddy niya ay yumakap din ito sa kaniya. "Maligayang kaarawan, Erena." Natapos ang mensahe ni Manang Tessing sa kaniya sa mahigpit na yakapan at kaagad namang sumunod si Santos. "Happy birthday, Erena. Alam mong isa rin ako sa mga nakasaksi sa paglaki mo. Aaminin kong nagduda ako noon, pero hindi ko inaakalang napaka buti mo, napaka puro ng puso mo. Bilang parang nakakatandang kapatid mo na rin, gusto kong malaman mong hangad kong makita mo ang mundo, na maranasan mo... dahil karapat dapat ka." "Salamat po." Tumango lang ito sa kaniya, bago naman sumunod si Louie. "Matagal akong wala sa bawat birthdays mo, but now, don't worry 'cause starting from now on... I will always be by your side." Mula sa likuran nito ay may inilabas itong kahon. "Here." Marahan niya namang binuksan ang laman niyon. Isang kuwintas... hindi man gaano kapareho, pero kamukha pa rin niyon kahit papaano. Gintong kuwintas na may pendant na anchor. Kinuha iyon ni Louie at marahang isinuot sa kaniya. Tipid siyang ngumiti nang bumalik ito sa harapan niya matapos isuot ang kuwintas. "I've been your best friend for years. I am always here to listen to your rants... to the secrets you don't want anyone to know, but me. I love you." Umere ang katahimikan. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay iba ang dating niyon. Inilibot niya ang paningin sa mga nasa likuran ni Louie na bahagya ring napapaisip, gulat, ngunit naudlot ang katahimikang iyon nang naiilang na tumawa si John at Sir Santos, mukhang talagang sinadya para mawala ang nakakailang din na katahimikan. Napaubo naman ang Daddy niya na may kasamang ginhawa. "Happy birthda." Tinapos iyon ni Louie at sinenyasan naman si John na sumunod. "Actually... hindi ko alam ang sasabihin ko, Erena, pero matagal ko ng gusto mag-sorry." Tipid siyang ngumiti. "Mabuti na lang nakinig ako kay Skyler." Bahagyang naglaho ang ngiti niya... napalitan ng kirot, pero naroon pa rin ang saya. "At tama siya, hindi ka naman talaga nakakatakot. Mabait ka, inosente at cute." "Salamat." Pilit niyang ibinalik ang ngiti niya. "Simula ngayon, kaibigan mo na rin ako at sana habang nandito ako sa kampo, mas makapag-bonding pa tayo... at sana maging okay na rin kayo ni Skyler bago kami matapos sa training... bago kami umalis dito." Muling umere ang katahimikan. Hindi niya alam ang ire-react niya, mabuti na lang at sumingit si Louie. Inakbayan pa nito si John, pero kaagad namang inalis ni John iyon. Weird. "Medyo gutom na ako. Maybe we should all eat now!" Nagpatuloy ang party niya sa simpleng salu-salo na may kaunting musika. Natutuwa siya na makitang masayang nag-uusap ang mga ito, habang siya ay nakikinig lang. Ang mga mata niya ay pabalik balik sa gate. Bakit nga ba? Hindi naman na dapat siya umaasa. Alam naman na niyang... iba ang pinili nito. "Alas nueve na pala," anang ni Santos. "Maaga pa," si John iyon na bahagyang tumingin sa kaniya. Nagpanggap na lang siya na hindi apektado. "Yes, it's too early. We still have more time to have fun!" Tumayo si Louie at naglahad ng kamay sa kaniya. "Maganda 'yung song, let me be your first dance." Napangiti siya bago kinuha ang kamay nito. "Sir!" Sumaludo pa ito sa Daddy niya. Nagtawanan naman ang mga iyon, sumaludo pa pabalik ang Daddy niya. Dinala siya ni Louie sa maluwag na espasiyo para roon siya isayaw. "You keep looking at the entrance..." Dahil malayo mula sa mga nasa lamesa, alam niyang sila lang ang nakaririnig niyon. Hindi siya nagsalita bagkus ay nagbaba ng paningin habang sumasabay sa pagsayaw. Sana lang ay hindi nito mahalata na nalulungkot siya, dahil ngayon alam niyang guilty siya. "Stop waiting for him-" "Hindi ko siya hinihintay." Napabuntong-hininga na lang si Louie, kasabay ng pag-ere ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa habang patuloy sila sa pagsayaw. "Focus on who's around you instead. Kung patuloy kang mas magtutuon ng atensiyon sa wala naman..." Umiling pa ito. "Hindi ka makakausad." Umusad? Gusto niya bang umusad? Noong mga nakaraang araw... wala siyang ibang ginawa kundi ang magsabi ng masasakit na salita, taliwas sa laman ng puso niya. "Hindi ko sinabi kanina, but you are changing and I don't know if it should be a good thing or not... pero hindi ko gusto. You are not as bright as you were before... don't let it change you." Natapos ang party niya. Naisayaw pa siya ng lahat bago nagpasiyang tapusin na ang birthday niya. Maaga rin kasing magigising halos lahat ng mga ito, pero napagpasiyahan naman pareparehas na roon na sa mansiyon nila magpalipas ng gabi. Ngayon ay nakaharap siya sa salamin, pinagmamasdan ang kabuuan niya. Mula sa maikling buhok, pakiramdam niya ay humaba iyon ng ilang pulgada. "Kalmado nga kayo ngayon..." anang niya sa mga kakambal niya. May epekto pa rin ang injection, kaya kanina ay kahit papaano, madali sa mga kasama niya kanina na lapitan at yakapin siya. Tinanggal niya ang kuwintas na regalo ni Louie at ibinalik iyon sa kahon. "Sabihin niyo nga... maganda ba ako?" Humuni lamang ang mga ito, siyempre wala talaga siyang makukuhang sagot. Mula sa salamin ay nakita niya ang repleksiyon ng bota ni Skyler. Matapos ay dumapo sa bracelet na suot niya. TUMAHAN na si Catalina, pero ayaw pa rin siya nitong pakawalan. Wala naman siyang magawa kundi ipakiusap na lang sa isa sa mga kasambahay na ihanap ng taxi ang Mama niya at si Claude para makauwi na kaysa maghintay pa sa kaniya. "Catalina, let's go na. Baka makita pa tayo ni Governor na ganito ka." Sinubukan pang itayo ni Korina si Catalina, pero tumutol ito. "Skyler..." Napabuntong-hininga siya. Kukunin niya na sana si Catalina nang biglaan itong tumayo. Naestatwa silang dalawa ni Korina sa pagtakbo ni Catalina. "Catalina!" tawag pa nito. Mas nauna pang sumunod kaysa sa kaniya. "Skyler!" Mariin siyang napapikit bago sumunod at sinundan si Catalina. Unti-unti nang nababawasan ang tao sa mansiyon dahil nagsisipag-uwian na, wala rin ang mga kamag-anak ni Catalina dahil kapwa nagpapaalam ang mga iyon sa mga bisita kanina, kaya naman mga kasambahay lang ang makikita sa loob. Kusang nagsisipaghawi ang mga iyon sa pagtakbo ni Catalina papunta sa kusina. Saan ba pupunta ito? "M-Ma'am... ano pong ginagawa ninyo?" anang isa sa mga chefs na naroroon. Naabutan pa nila ito na tila may hinahanap sa bawat sulok ng kusina. "Shut up!" sinigawan ni Catalina ang nagtanong. Kaagad naman siyang umabante para mapigilan ito. "Let me go!" "Tama na ito, Catalina. Marami kang naabala-" "If you want me to shut up then let me do what I wanted to do!" Matapos nitong sabihin iyon ay lumabas ito sa kusina at nagtatakbo sa masikip na hallway. Sabay naman silang nahinto ni Korina sa b****a ng hallway na iyon. "Naku..." Bakas ang takot at pag-aalala sa mukha ni Korina nang sabihin iyon. "Saan siya pupunta?" "Kung hindi sa basement... siguradong sa cellar." Umawang ang labi niya sa narinig. Ano bang gusto mangyari ni Catalina? Halos sabay rin silang napatakbo ni Korina para sundan ito. Wala ito sa basement. "Sa cellar nga! Naku ang batang iyon talaga!" Muli itong nanguna sa pagtakbo papunta sa cellar. Naabutan niya na lang ang dalawa na nag-aagawan sa boteng halos kalahati na ang laman. Anak ng... ininom iyon lahat ni Catalina? Nangibabaw ang nasasaktang tinig ni Korina matapos nitong tumilapon sa pagtulak ni Catalina. "You kept bothering me!" Mabibigat ang hakbang siyang lumapit kay Catalina at inagaw ang boteng nilalagok nito. Talagang nilagok nito ang buong bote! "Ano ba?!" Galit niyang hinagis sa gilid ang wala ng laman na bote. "Tigilan mo na ang pag-akto na parang bata, Catalina! Hindi umiikot ang mundo sa'yo! Kailan mo ba iintindihin ang sinasabi ko?!" "Until you aren't liking me back!" Kinuha nito ang panibagong bote at nilagok iyon. Napaupo na lang siya sa island bar na naroroon. Anong oras na... kahit anong gawin niya ay hindi na siya aabot. "Dito mo na lang ilapag, Sky. Ako na ang bahala, pasensiya na," si Korina. Sa lakas ng tama ng mga ininom ni Catalina ay nakatulog na lang ito sa cellar, kaya naman kinailangan niya na lang na buhatin papunta sa silid nito. "Hindi pa ito alam ni Governor. Bigla kasing pumunta roon sa home office niya, baka may emergency sa trabaho." Napako ang paningin niya kay Catalina na talagang bagsak na bagsak ang katawan dahil sa kalasingan. "Pagpasensiyahan mo na ang alaga ko." Nilapitan nito si Catalina, inalisan ng suot na sapatos. "Talaga lang na gustong gusto ka nito at tama ka, hindi pa nga ganoon ka-mature mag-isip si Catalina, kaya heto at padalos dalos. Alam kong may pupuntahan ka pa, kaya hangga't wala pang diwa si Catalina, umalis ka na, Kaysa makita ko na naman itong nagmamakaawa." Nagtagal pa ang paningin niya kay Catalina bago siya umalis. Bawat pagtakbo niya ay siyang paglingon niya sa relo niya, sa sobrang bilis din nang pagpapatakbo niya sa sasakyan niya nang makasakay roon, maaring maling liko niya lamang ay maaksidente siya, pero wala na siyang pakialam. Makakaabot pa naman siya, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD