Chapter 9

1920 Words

ARABELLA: MATAPOS naming magkausap ni mama, umakyat na muna ako ng silid para asikasuhin ang sarili ko. Nakakahiya namang humarap kay gov na may towel pa ako sa ulo. Abala pa rin naman si Dexter sa cellphone niya nang dumaan ako kaya hindi ko na pinansin pa. Naupo ako sa silya at humarap sa salamin. Napatitig ako sa aking repleksyon at inalis ang suot na round reading glasses. Nai-insecure talaga ako sa kulay ng balat ko. Maputi naman ako noong bata ako, kahit noong nasa elementary. Makinis ang balat ko lalo na sa mukha. Pero noong mag-highschool na ako at nagkaroon na ng monthly period, biglang nagtubuan ang pimples at blackheads sa mukha ko. Hindi na nila nilubayan ang mukha ko at ginawa na nilang syudad ng pimples at blackheads. Araw-araw na lang nagpipisat ako sa mga blackheads ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD