ARABELLA: “MAMA,” pagtawag ko kay mama na kinakalma ito. Huminga siya ng malalim na lumambot ang facial expressions nang bumaling siya sa akin. Lumamlam din ang kanyang mga mata at mababakas doon ang takot. “Anak, pumasok ka sa bahay,” aniya. Utos iyon pero may halong lambing at pakiusap. Nangilid ang luha ko na marahang tumango. Tumalikod na ako. “Hindi mo ako mapapaalis na hindi nakukuha ang pakay ko, Laura. Itinago mo siya kaya siya nagtagal sa'yo,” wika pa ng babae. “Hindi ako nagtago, Vina. Nababaliw ka na. Matagal mo na siyang itinapon dahil hindi mo siya kailangan noon. Kaya hwag kang umasta na isa kang ina dahil hindi ka naging ina sa kanya,” madiing wika ni mama na umabot sa pandinig ko. Natigilan ako sa akmang pagtulak sa pintuan namin. Nanigas ang katawan ko at ramdam a

