ARABELLA: HINDI ko alam kung namalikmata lang ako sa nakita ko dahil luhaan ang mga mata ko pero– kita ko na nasaktan siya sa sinaad ko. Hindi ko naman na mababawi iyon dahil galit na galit ako sa mga sandaling ito. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, gusto kong ilabas itong bigat sa dibdib ko, itong sama ng loob ko sa mga nalaman ko ngayong araw pero. . . paano? Magwawala ako dito sa bahay? Ayokong masaktan si mama at tiyak na makikiusyoso ang mga chismosa naming kapitbahay. Para akong bulkang nagbabadyang sumabog sa mga sandaling ito. Walang ibang naghahari sa puso ko kundi sama ng loob at galit sa totoong ina kong umabandona sa akin. Ngayon naman, heto at malalaman kong ang lalakeng matagal kong minahal, ay siya palang totoong anak ng aking inang kinagisnan? Parang hindi kinakay

