Chapter 7

2011 Words
ARABELLA: LUMIPAS pa ang mga araw at dumating ang graduation day namin. As expected, si Dexter nga ang ini-announced na validictorian sa aming batch. Napakasaya ko para sa kanya na akala mo naman, bahagi ako ng achievement niyang iyon. Sobrang saya ko para sa kanya. Kabado ako habang dala ang love letter na sinulat ko last week at plano kong ilagay sa bag ni Dexter. Hindi kasi ako pwedeng pumasok sa room nila dahil iba ang section ko. Kaya sa locker room na lang nila ako tumuloy dahil nakita ko si Dexter kanina na nilagay doon ang bag niya. Napapabuga ako ng hangin habang naglalakad ng hallway. Mabuti na lang, abala na ang lahat dahil nagsisimula na ang program namin. Kailangan ko ring bilisan ang kilos ko at tatawagin na kami maya-maya. Pagdating ko sa locker ni Dexter, huminto ako sa tapat no'n at napabuga ng hangin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong maiihi sa halo-halong nadarama ko. Sobrang kinakabahan ako dahil bubuksan ko ang locker at bag niya para maisilid ko lang ang sulat ko sa bag niya. Kung tutuusin, maaari akong maparusahan kapag may makahuli sa akin at mapagbintangan ako na may ninakaw kay Dexter! Nangangatal ang kamay ko na dahan-dahang binuksan ang locker nito. Luckily, hindi iyon naka-lock. Nakagat ko ang ibabang labi na narito nga ang bag niya. Dahan-dahan kong binuksan ang bag niya at akmang isisilid ko na doon ang sulat kong nakatupi nang marinig ang ilang boses ng mga lalake na parating kasama– si Dexter! “Congrats, bro! Alam naman namin na ikaw validictorian sa batch natin e. Wala naman kaming panama sa talino mo,” pagbati ng isang classmate namin. “Salamat, bro, ang totoo niya'n, kinabahan ako sa resulta. Malalagot ako kay daddy kapag hindi ako nag-top kaya pinag-iigihan ko talaga,” tugon ni Dexter. “E ‘di paano ‘yan, bro? Magka-college na tayo. E ‘di hindi ka na masusundan ni Ara na die hard fan mo,” tukso sa kanya ng isa na ikinatigil ko at nagtawanan sila! Napalunok ako na hindi makakilos sa kinatatayuan. Natuod ako at palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko! Alam kong palapit na sila dito sa locker room pero tila napako ang mga paa ko na hindi makaalis sa kinatatayuan sa harapan ng locker ni Dexter! “Ilang taon ka ring sinusundan no'n, bro, hindi ka ba. . . na-develope sa kanya?” natatawang kant'yaw pa ng isa kay Dexter na dinig ko ring tumawa. “Si Ara? Why would I fall for her? Probinsya siya at please lang, she's not my type.” Sagot ni Dexter. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa narinig! Bumuhos ang luha ko at nabitawan ang hawak kong sulat. Patakbo akong lumabas ng locker room na nakayuko! Nakasalubong ko sila pero mukhang hindi naman nila ako namukhaan dahil naka-toga na rin ako katulad nila. Parang pinipira-piraso ang puso ko sa narinig ko. Paulit-ulit na nagre-replay sa isipan ko ang sinabi ni Dexter sabay tawanan sila ng mga kasama niya. “Si Ara? Why would I fall for her? Probinsya siya at please lang, she's not my type.” Napapikit ako na sumandal sa dingding sa dulo ng pasilyo. Napahagulhol na paulit-ulit na nagre-replay ang sinabi ni Dexter sa isipan ko! Nanliit ako sa sarili at unti-unting naglaho ang saya na nadarama ko sa araw na ito. Pakiramdam ko, bumagsak ang mundo ko. Bigla akong natauhan. Tama siya. Paano nga naman siya magkakagusto sa akin? Ang pangit ko kaya. Ang bobo ko rin. Sino namang genius at gwapo ang magkakagusto sa isang katulad kong tinatawag na nerd ng mga tao? Wala. Walang magmamahal at magkakagusto sa akin. Masyado akong ilusyonada para mangarap at umasang. . . magkagusto rin si Dexter sa akin. TUMAMBAY ako sa rooftop ng school. Hindi na ako dumalo sa marching namin. Mugtong-mugto na ang mga mata ko at wala din naman akong award o honor na tatanggapin. Ibibigay pa rin naman nila ang diploma ko kahit hindi ako umakyat ng stage. Mapait akong napangiti na dinig kong tinatawag na nila isa-isa ang mga magtatapos. Naka-microphone ang teacher namin kaya dinig dito sa rooftop ang mga sinasabi nito. Unang tinawag ang batch nila Dexter-- ang section A. Tumulo ang luha ko na tinawag si Dexter at inianunsyo na validictorian ito. Masigabong palakpakan at hiyawan ang naghari na tiyak kong umakyat na si Dexter sa stage kasama ang ama niya. Solo parent ang ama ni Dexter. Kaya tiyak kong si Gov Damian ang kasama niya. Gusto ko sanang masilayan ang eksenang iyon ng aking mga mata. Na aakyat si Dexter sa stage para tanggapin ang gold medal niya, mga special award niya at ang diploma nito. "Congratulations to our validictorian-- Dexter Wayne from section A, together with his respectful father-- Governor Damian Wayne!" masiglang pagbati ng teacher namin kasabay ng pag-ingay ng paligid sa ibaba. Hanggang sunod-sunod na tinawag ang iba pa. Matapos ang section ni Dexter, ang iba namang section ang tinawag hanggang sa ang section na namin. Muling sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Nakayuko at nakaupo sa sulok nitong rooftop at nakikinig sa tinatawag ng teacher namin. Maging sina Jessa at Tina ay tinawag na-- kasunod ako. "Congratulations, Arabella Garcia!" pagbati ng teacher namin at alam kong sa mga sandaling ito, hinahanap na ako ng mama at dalawang kaibigan ko. Pero hindi ako kumilos. Parang wala akong lakas na tumayo. Excited pa naman ako sa araw na ito. Maging si mama ay bumili ng dalawang bago naming bestida na isinuot ngayon dahil graduation ko na. Kahit wala akong award o honor, ang mahalaga ay pumasa ako at ngayon ay magtatapos na sa senior high. "I'm sorry, Mama. Alam kong na-disappoint na naman kita," usal ko na tinawag na ng teacher namin ang iba pang classmates ko. Syempre, balewala at hindi ako hahanapin kung magpapakita ako o hindi. Dahil hindi naman ako importante. Wala namang nagpapahalaga sa mga nasa section E eh. Ang tingin nila sa amin, mga bobo kaming lahat na naroon. MATAPOS ang graduation, isa-isa na ring umalis ang mga mga tao. Hapon na rin kasi at nagbabadyang bumuhos ang ulan. Bumaba na rin ako. Hinubad ang toga ko na hawak-hawak iyon at naglakad na nakatulala. May mga nadaanan pa akong mga schoolmates namin dito sa school. Hindi na ako nag-abala na hanapin ang mga kaibigan ko at si mama. Habang palabas ng school, nagtipa ako sa cellphone ko para mai-message si mama. “Ma, pauwi na ako. Hwag na kayong mag-alala sa akin, maayos po ako.” Text ko sa aking ina. Kaagad naman itong nag-reply. “Mabuti naman at maayos kang bata ka. Umuwi ka at mag-usap tayo mamaya.” Reply nito. Isinilid ko na sa bag ko ang cellphone. Naglakad na dala ang toga ko. Nadaanan ko naman si Mang Lando na marami pa ring costumer kaya lumapit ako. Buong highschool life ko, naging suki na kami ni Mang Lando sa mga paninda niyang fishball, kikiam at kwek-kwek. “Oh, Ara, aba, congratulations ha?” aniya na makita akong lumapit. Pilit akong ngumiti na tumango. “Salamat po, Mang Lando. Uhm, pabili po ako. Ten pesos ng kikiam, ten din sa fishball at ten sa kwek-kwek,” saad kong ikinangiti at tango nito. “Graduating na pala kayo ng mga kaibigan mo. Naku, mababawasan na ako ng suki araw-araw sa susunod na pasukan.” Aniya habang nagluluto sa mga order namin. “Kaya nga po e. Mamimis po namin ang luto niyo,” tugon ko na pilit ngumiti sa kanya. Napangiti naman ito. “Nandidito lang naman ako palagi e. Syempre, dito na ang hanap buhay ko. Kaya mag-aral kayo nang mabuti sa kolehiyo, Ara. Para may marating kayo sa buhay at hindi kayo maghihirap sa hinaharap,” pagpapayo niya pa. “Opo, Mang Lando, salamat po.” Sinadya kong magpadilim sa daan. Naglakad ako pauwi at saktong bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ako sumilong. Tuloy-tuloy lang ako sa dahan-dahang paglalakad. Pakiramdam ko, pasan ko ang bigat ng mundo. Gan'to pala ang pakiramdam ng mabasted ka sa crush mo. Mabuti sana kung crush ko lang siya, pero hindi. Alam ko sa sarili ko, mahal ko na si Dexter. Hindi lang simpleng crush o paghanga ang nadarama ko para sa kanya. Magmula nakita ko siya– six years ago, gabi-gabi na siyang laman ng isipan ko. Makakatulugan na siya ang naiisip. Inaabangan palagi sa school. Sinasadya kong pumasok nang maaga para makita ko siya at hindi ako ma-late. Masubaybayan siya sa mga activities nila sa school lalo na sa tuwing maglalaro sila ng basketball. Dahil sa kanya, pinagbutihan ko ang pag-aaral para hindi ako umulit ng taon at mapag-iwanan. Sadyang distracted lang talaga ako sa kanya. Na kapag nagre-review ako ng mga lesson namin, ang gwapong mukha niya ang umaakupado sa isipan ko. Kaya hindi ako makapag-focus sa nire-review ko. Kapag nakikita ko siya, gumaganda ang araw ko. Pakiramdam ko, buo na ang araw ko na makita siya sa school. Kapag weekend, nalulungkot ako dahil dalawang araw ko siyang hindi makikita. Pero pagdating ng lunes, sobrang buhay na buhay ako dahil makikita ko na ulit siya. Anim na taon. Sa anim na taon ko sa highschool, siya lang ang naging crush ko, ang naging inspiration ko. Alam ko naman at tanggap ko na suntok sa buwan na magkagusto siya sa akin. Dahil nitong nagdaang anim na taon, ngayon-ngayon niya lang naman ako napansin. Alam kong wala siyang pagtingin sa akin. Pero hindi ko maiwasang umasa sa ilang beses niyang pagpansin sa akin. Pag-angkas niya sa akin sa bigbike niya at hinayaan akong yakapin siya at ilibre ako ng meryenda. Pero heto at. . . ang sakit pala talagang tanggapin ang katotohanan na wala siyang ni katiting na pagtingin sa akin. Hinding-hindi niya ako. . . magugustuhan. Basang-basa ako sa ulan at madilim na mang makarating ako sa bahay namin. Nanginginig na rin ako sa lamig. Kumatok na muna ako sa pintuan bago binuksan iyon at natuod na makita ang mama dito sa sala namin kasama ang taong hindi ko inaasahang makikita ngayong gabi at dito pa talaga sa bahay namin-- si Dexter! “Arabella, mabuti at nand'yan ka na, anak. Kilala mo naman siguro siya, hindi ba? Ang anak ni Gov at sa school mo rin siya nag-aaral,” ani mama na nakangiti sa aking nakatuod sa pintuan at nakamata kay Dexter na nakatitig din sa akin. “Oo naman po, Mama. Bakit, ano pong meron?” casual kong sagot– kahit nanginginig na ang katawan ko sa halo-halong nadarama, idagdag pang basang-basa ako sa ulan. Matamis na ngumiti si mama. “Anak, magmula ngayon, si Dexter, dito na siya tutuloy sa atin. Sa susunod na buwan, ikakasal na kami ng daddy niya, magiging isang pamilya na tayo. Alam mo namang. . . may boyfriend si mama, ‘di ba? At ang boyfriend ko, ang ama ni Dex,” nakangiting saad ng mama sa aking nanigas sa narinig at parang umikot ang paligid ko! “Magiging kuya ko– ang lalakeng matagal ng itinitibok ng puso ko at dumurog sa akin kanina?” usal ko na parang matutumba! How am I supposed to keep my heart under control when he’ll be in our house every single day-- eating at our table, walking down our halls, living just steps away from my room? Para akong matatakasan ng bait sa mga sandaling ito na hindi mag-sink-in sa utak ko ang nalaman! Akala ko pa naman ay hindi ko na siya makikita pa. Pero heto at. . . makakasama ko pa pala siya sa bahay magmula ngayon at magiging kuya?! Para akong matutumba sa lalong pangangatog ng mga tuhod ko sa mga naiisip! “Hindi. . . hindi ko na siya gusto,” usal ko at halos mapasigaw na hindi namalayang nakatayo na ito sa harapan ko! “Sigurado kang. . . hindi mo na ako gusto, hmm?” paanas niya na dahan-dahang hinugot sa bulsa ang love letter na ikinaawang ng labi ko na namutla na makitang– nabasa na niya ang love letter ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD