CHAPTER THIRTEEN

2232 Words
"Thank you for coming, Sir! Goodluck po sa pagpo-propose ninyo," magiliw kong saad sa paalis nang kustomer. Ngumiti ito. "Salamat." Matapos niyon ay lumabas na rin kaagad ito ng shop habang tanaw-tanaw ko pa rin ang ginawa nitong pagsakay sa sariling sasakyan. Bumili kasi ito ng kumpon ng mga bulaklak at habang ginagawa ko iyon ay nagawa niyang magkuwento sa akin na ngayon nga raw niyang balak mag-propose sa matagal na niyang girlfriend. Mahigit pitong taon na raw silang magkarelasyon, at ngayon daw ang tamang oras at pagkakataon para alukin ito ng kasal. Ilan ito sa mga bagay na ikinatutuwa ko rito sa trabaho ko. Tatlong linggo na rin mahigit magmula noong nagsimula akong magtrabaho rito sa flower shop ni Tita Rubi. May mga nakakikilig at nakalulungkot na kuwento ang bawat nagiging kustomer namin dito. Akala ko noon, kapag may bulaklak ay puro nakatutuwang dahilan. Iyon pala, sa likod ng mga bulaklak na kanilang binibili ay may malungkot at nakapanghihinayang na kuwento. Masasabi ko na hindi madali noong mga unang linggo ko rito, pero hindi rin naman naging mahirap para sa akin na aralin ang mga bagay na dapat kong matutunan sa negosyong ito ni Tita Rubi. Mabuti na lamang nga at natiyaga niya akong turuan at tulungan dahil kung hindi ay baka nakapaghanap na siya ng ipapalit sa akin. Hindi rin naman ako pinabayaan ni Ross dahil lagi siyang may pabaong advice sa akin sa tuwing nagsisimula na akong gumalaw sa shop. Minsan nga ay mas marami pa siyang paalala sa akin kumpara sa nanay niya, kaya ang ending, siya ang napagagalitan ni Tita Rubi. Bumalik ako sa pagkakaupo rito sa counter at muling isinubsob ang sarili sa pagbabasa. Mula kasi nang pumasok ako kanina ay nagmu-multitask na ako para makapag-review sa nalalapit naming Midterm Examination. Nagsusumikap din kasi talaga ako na magkaroon ng progress ang mga grades ko at kung suwertehin man ako at mapasama sa scholarship ay mas mainam—mas malaking tulong na pandagdag sa mga ipon ko. Inis kong binabasa nang may katamtamang lakas ang isang pangungusap mula sa notes ko dahil hindi ko talaga maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. Parang kanina pa ako nakatengga sa parteng ito pero hanggang ngayon ay processing pa rin ang utak ko. Kahit kailan yata ay hindi ko maiintindihan si Income Taxation. "Nagre-review ka?" Mabilis akong napalingon sa taong nasa aking likuran at saka isinarado ang notebook. Hinarap ko si Tita Rubi at saka siya nginitian nang nahihiya. "P-Pasens'ya na ho, Tita Rubi. Hindi na ho mauulit," hinging paumanhin ko habang inililigpit ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa. Pinigilan niya ako habang nakakunot ang noo. "Bakit ka naman nagso-sorry? Saka huwag mo munang iligpit ang mga gamit mo kung hindi ka pa naman tapos. Ayos lang naman sa akin kung nag-aaral ka kahit na narito ka sa shop. Walang kaso sa akin iyon. Basta ba ay naaasikaso mo rin ang mga dumarating na costumer natin," aniya. "Akala ko ho kasi ay pagagalitan mo ako lalo na oras po ng trabaho ko," pag-amin ko. Marahan nitong pinalo ang aking kaliwang braso saka ako pabirong inirapan. "Itong batang 'to naman! Bakit naman kita pagagalitan, eh kung nag-aaral ka lang naman? Kapag walang customer ay p'wede ka namang mag-aral d'yan at walang kaso sa akin. Mas natutuwa nga ako dahil nakikita kitang nagsusumikap d'yan. Basta, ang sinasabi ko sa iyo ay kapag may customer saka mo sila asikasuhin at balikan mo na lang ang ginagawa mo. Walang mali r'yan. Proud ako sa ginagawa mo," paliwanag pa nito sa akin habang may mga ngiti sa labi. Hindi ko na rin napigilan at nginitian siya pabalik. "Oh siya, sige na at bumalik ka na sa ginagawa mo. Naistorbo pa kita," nakatawang dagdag nito. "Salamat po." Tinanguan lang ako nito ulit saka bumalik sa loob ng kanyang mini office. Maya't maya rin ang pagtigil ko sa pagre-review dahil may mga dumarating din na customers. Pero atleast, kahit papaano ay may oras pa rin ako na makapag-aral kahit nasa trabaho. Pasalamat na lang din ako at mabait ang nanay ni Ross pero ayaw ko namang abusuhin din. Akmang babalik na sana ako sa kinauupuan ko dahil may dumating na customer pero nagtanong lang naman, nang tumunog ang wind bell na nakakabit sa itaas na bahagi ng front glass door ng shop. Nilingon ko ito at nakitang kapapasok lang ni Ross. Nakasuot ito ng simpleng short at T-shirt habang may suot-suot na sumbrero. May bitbit din siyang isang paperbag na may tatak pa ng isang sikat na coffee shop. "Si Mama?" bungad na tanong nito sa akin. Inginuso ko ang aking bibig sa pintuan ng opisina. "Nasa loob." Tumango ito at saka gumawi sa opisina ni Tita Rubi. Galing kasi siya kay Suzy at nakisuyo raw na dalhin sa kanya ang nakalimutang project na sinunod rin naman ni Ross. "Bakit ba hindi ko pa rin makuha ang punto ng pagkakaiba nitong Tax Avoidance at Tax Evasion na ito? Kanina pa, ha," iritado kong pagkausap sa sarili habang nakikipagtitigan sa notes ko. "Nagre-review ka sa Taxation?" tanong sa akin nang kababalik lang na si Ross matapos na may ipatong na kung anong pagkain sa harap ko. Inis akong napakamot sa aking sentido. "Oo. Kanina pa nga ako rito, eh. Walang usad," tugon ko habang nakamasid sa ginagawa nitong paghatak ng isang monoblock chair at saka naupo sa aking tabi. Iniusod nito palapit ang pagkain sa akin. "Saan ka ba banda nahihirapan?" usisa ni Ross. Kaagad ko namang itinuro sa kanya ang topic na kanina pa ako nahihirapang intindihin. "Sa Tax Evasion ka lang p'wedeng makulong o magmulta depende sa lala ng ginawa mo. Tax Avoidance happens legally when you're trying to decrease your taxable income. Kumbaga, nile-lessen mo lang ang tax liability mo by taking advantages. Legal methods ang ginagawa mo para mapababa ang tax na babayaran mo. While, Tax Evasion naman ito na ang illegal method or unlawful acts of a taxpayer para mapababa o kaya para hindi na makapagbayad ng tax nang hindi nalalaman ng mga awtoridad. It's a matter of lying and hiding, Rosie," mahabang paliwanag nito sa akin na siyang nagpaintindi sa akin sa simpleng paraan. "Wow! Ganoon pala iyon. Kasi parang magkaparehas lang sila sa akin, eh. Kung hindi mo lang ipinaliwanag, ay naku talaga!" eksaherada kong komento. "Nakapag-review ka na ba?" pagkuwa'y tanong ko sa kanya habang nagsusulat sa notes. Inilalagay ko iyong mga sinabi sa akin ni Ross para may babalik-balikan ako sa oras na magbasa ako ulit. "Nagbasa lan—" Kaagad kong pinutol ang sinasabi niya. "Naku, naku, Ross! Tigilan mo ako sa mga ganyan. Iyan ang kadalasang sinasabi ng mga matatalino o kaya ng mga matataas ang score sa exam. Sasabihin mo, hindi ka pa nakapag-review at nag-scan ka lang ng notes pero iyong totoo kaya ninyong i-perfect ang exam. Bakit ba kayo ganyan?" madamdamin kong pahayag na sinamahan ko pa ng paghawak-hawak sa aking dibdib na tila nasasaktan. Napailing ito sa akin. "Kainin mo ito. Baka nalipasan ka." Sinunod ko siya matapos kong makapagpasalamat sa kanya. Inalok ko pa ang akin pero tinanggihan niya na dahil busog kumain naman na raw siya. "Binili ko talaga iyan para sa inyo ni Mama," sabi pa niya. Nakatitig lang ako sa aking notebook habang sumisipsip sa inumin. Pagkuwan ay bumuntonghininga ako saka inilapag ang iniinom sa lamesa. "Ang hirap-hirap naman ng mga ie-exam natin. Tapos may mga pinagagawa pang activities na akala mo ay madaling magagawa sa kalagitnaan ng exams," simangot kong maktol. "Practice sa atin iyan, Rosie. Wala pa iyan sa mga pinagagawa nila kapag nagtatrabaho na tayo. Sabi nga ni Ate sa akin n'on noong nagsisimula na siyang magtrabaho, miss na raw niya maging estudyante. Kumbaga, hahanap-hanapin mo pa rin daw ang ganoong pakiramdam," kuwento nito. Napanguso naman ako. "Ganoon ba iyon? Para ngang mas gusto ko na lang maka-graduate na at para makapagtrabaho na ako, eh. Atleast sa trabaho, paulit-ulit lang iyong trabaho mo. Kumbaga, kung ano ang job description mo, iyon lang ang gagawin mo. Eh kapag sa school, tamo! Ang daming units, iba-iba rin ang ipinagagawa," depensa ko pa. Napangisi ito sa sinabi ko. "Nagrereklamo tayong mga estudyante pero ginagawa pa rin natin. Alam mo kung bakit?" Umiling ako. "Students keep complaining, but still compiling. They might see us useless, but we are not dreamless," anito. Napamulagat ako sa winika niya. "Ang makata naman niyan. Poet ka rin ba?" "No, it wasn't mine. Nabasa ko lang iyan sa librong Random Verses ni Lei Ann." "Ang ganda naman! Sure ako na maraming makare-relate na estudyante sa stanza na iyan. Ano nga ulit? Isusulat ko. Gusto ko i-post," natatawa kong saad. "Ay, isulat mo na lang pala rito. Baka abutin tayo ng siyam-siyam kapag ni-dictate mo pa sa akin," habol kong imporma sa kanya saka iniabot ang notebook at ballpen ko. Pinaunlakan naman niya ang pabor ko at siya na nga ang nagsulat pa roon. Namangha pa ako nang makitang mas malinis at mas maganda pa ang stroke ng pagkakasulat niya. "Ano ba namang klaseng tao ka, Ross? O kung tao ka ba? Ano pa ba ang hindi mo kayang gawin?" natatawa kong baling sa kanya habang tinitingnan nang maigi ang sulat nito. Natawa lang ito at kalauna'y iniba rin ang usapan. "Kumusta na pala ang kapatid mo?" tanong nito sa akin na nagpatahimik sa akin. Marahan kong ibinaba ang hawak-hawak kong papel at saka siya tiningnan. "Kababalita lang sa akin kaninang umaga ni Mama iyong sinabi ng doktor. Mababa pa rin daw ang platelets ni Rookie. Pero hindi naman daw require ang platelet transfusions. Still monitoring pa rin. Saka sabi rin ni Mama bumaba raw ang temperature ni Rookie, hindi tulad noong nakaraang mga linggo. Bibo naman na raw, eh. Baka any moment ay ma-discharge na raw," nakangiti kong sagot sa kanya. "That's good to know. Hindi rin naman kasi lahat ng dengue patients ay required ng transfusion, unless nagkaroon ng severe bleeding. Malapit na at gagaling na nang tuluyan ang kapatid mo," komento nito. "I know right!" masigla kong tugon. Nang maubos ko ang pagkaing bigay ni Ross ay iniligpit ko na rin ang aking mga gamit. Itutuloy ko na lang ang pagre-review mamaya kapag nasa bahay na ako para naman mas makapag-focus ako nang maayos. Tumayo ako at naisipang ayusin ang pagkakasalansan ng mga bulaklak sa kinalalagyan nito. Bahagya ko kasing nagulo ang ilan dito kanina noong may bumibili, lalo pa na nabawasan ngayon. "Ano pala iyong project ni Suzy na nakalimutan niya kanina?" tanong ko para lang may mapag-usapan habang may ginagawa ako. "Written report niya." "Mabuti na lang at mayroon siyang mahihingian ng pabor para sa mga ganyang klaseng bagay. Siguro kung ako iyon, baka umiiyak na ako sa sulok kasi nakaiwan ako ng project," komento ko. "You can ask someone, Rosie." Nilingon ko siya na bahagya pang umasim ang aking mukha. "At sino naman, Ross? Ako lang ang madalas na natitira sa bahay. Si Vince naman ay may trabaho kaya wala akong mahihingian ng tulong kapag ganyang ang sitwasyon," paliwanag ko. "Puwes, iwasan mong makalimot," seryosong depensa nito sa akin. "Kaya nga," sagot ko na lamang. "Ay, may tanong ako. Never ba kayong nagka-crush sa isa't isa ni Suzy?" pang-uusisa ko. Nilingon ko siya at naabutan ko pa ang mukha nito na tila ba ayaw na lang niya akong makausap, pero dahil wala siyang choice ay kailangan niya pa rin akong sagutin. "No." "Weeeh? Talaga ba?" Lumapit ako sa tapat ng counter kung saan siya nakaupo habang naka-ekis ang kanyang mga braso sa tapat ng sariling dibdib. "Kahit siya? Never siyang nag-confess sa iyo sa tagal ninyong magkaibigan?" paniniguro ko pa. Humugot ito nang malalim na hininga saka ako tiningnan sa mga mata. Bahagya akong nakadukwang sa may kataasang counter para mas makita ko ang reaksyon ng kanyang mukha. "She did when we were in high school," tipid niyang sagot. Wala ng explanation para tapos. Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko. Nakuha nito ang atensiyon ko kaya mas lalo akong dumikit sa counter. "Oh, tapos? Ano ang nangyari?" kuryoso kong tanong kay Ross. "Sinabi kong hindi ko siya gusto—" "Hoy, napakasama mo! Hindi mo man lang nilagyan ng filter ang bibig mo," pang-aakusa ko sa kanya. Nagawa ko pa nga siyang hampasin sa braso. "Suzy is my childhood friend, Rosie. Isa siya sa mga taong pinakaiingatan ko but it doesn't mean na bibigyan ko siya ng false hope. Kilala ko si Suzy. Ang kailangan niya ay iyong diretsahan para malinaw sa kanya. It may be harsh, I know, pero iyon ang mas tama. She's a dearest friend of mine. Hindi ko kayang magustuhan nang ganoon ang kaibigan ko," seryosong paliwanag niya na nagpatahimik sa akin. ‘Hindi ko kayang magustuhan nang ganoon ang kaibigan ko.’ Tila nag-echo sa aking pandinig ang pangungusap niyang iyon sa hindi ko malamang dahilan. Ibig sabihin lang niyon, hindi niya kayang magmahal o mahulog sa taong ang turing niya ay kaibigan lang. "At bilang isang kaibigan, you should know your boundaries, Rosie," dagdag pa nitong sambit. "Good morning! Do you have yellow orchids here?" Naputol lang ang pagkakatingin ko sa seryosong mukhang ni Ross nang may pumasok na isang customer kaya inasikaso ko ito at saka iwinaksi sa isipan ang napag-usapan naming dalawa ni Ross. Yellow orchids have thought-provoking meanings base na rin sa ibinigay na listahan noon sa akin ni Tita Rubi. Friendship and well wishes . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD