CHAPTER TWENTY-THREE

3043 Words
Pinagbuksan ako ng pinto ni Ross at kasabay niyon ang pagtingin ko sa buong lugar. Mabilis na sinalubong at niyakap ako ng lamig na nagmumula sa aircon ntong convenience store. Iminuwestra sa akin ni Ross ang isang bakanteng lamesa na nasa bandang dulo—kung saan ako madalas pumuwesto noon. May nakaupo kasi sa ibang mesa kaya dumiretso na kami parehas doon. "Ano ang gusto mo?" tanong niya sa akin nang makaupo ako. Bahagya akong nag-isip pero wala naman ding pumasok na kung ano sa aking isipan kaya sa huli ay sumuko na lang din ako. "Wala akong maisip, eh. Ikaw na lang ang bahala. Okay lang naman sa akin ang kahit ano, basta ba edible at hindi ko ikamamatay," sagot ko sa kanya. "Sige." Iniwan na muna niya ako pansamantala para pumili ng mabibili at makakain namin ngayon. Mini celebration lang naman ito at hindi naman din kinakailangan ng magarbong kung ano. Selebrasiyon lang para sa unang araw ko, sa unang trabaho ko. Maging na rin kay Ross kahit hindi naman na niya first day. Saka na lang magpagarbo kapag nahawakan at natanggap ko na ang una kong sahod. Napatingin ako sa parte ng counter. Isang babae ang cashier na naroon at hindi iyong lalaki na kasamahan ni Ross noon. Alam ko kasi ay nag-resign na rin iyon makalipas ng ilang araw na pagre-resign din ni Ross. Kuwento pa sa akin ni Ross noon ay nakahanap daw ng trabaho na may mas malaki-laking pa-suweldo. Ibinalik ko ang tingin sa aking gilid kung saan tanaw mula sa salaming harang ang may kadilimang labas. Iilang tao ang makikita mo na nasa labas at karamihan ay purong mga sasakyan na ang nasa lansangan. Naputol lang ang pagkakatingin ko roon nang maamoy ko ang masarap na aroma na kalalapag lang sa aking harapan. Isang cup noodle. Nilingon ko si Ross na ngayon ay nakaupo na sa aking harapan na mayroon ding cup noodle sa kanyang tapat. Nilapag pa nito ang tig-isang instant meal at inumin sa lamesa. Naalala ko iyong una naming pag-uusap noon dito. Nang dahil pa iyon sa paglibre niya sa akin ng isang cup noodle. "Salamat! Ang bait mo pa rin," nakangiti kong sabi sa kanya. Nginisian niya naman ako. "Twenty-one pesos iyan." Napasimangot naman ako nang maalala ko na ganito rin ang tagpo namin noong una. "Libre mo na ito . . . ulit," natatawa kong komento. "Parang dati nasa sixteen pesos lang ito tapos ngayon ay nasa bente na. Change is forever nga naman talaga, oo," pahabol ko pang usal bago humigop sa mainit na sabaw nito. "May change na for the better at may change naman na gagawin kang beggar," anito na ikinahagalpak ko ng tawa. "Maipilit lang na mag-rhyme, ah. Pero in fairness, ang ganda. Pang-caption na rin kapag nagpalit ka ng profile picture sa social media," pagbibiro ko pa na hindi naman niya ikinatawa. Busy siyang kumain. Katulad niya ay iginugol ko na rin ang sarili sa pag-ubos ng aking pagkain. Sa dala na rin siguro ng pagod ko ay naubos ko rin ito kaagad. Naunahan ko pa nga si Ross. "Alam mo iyong feeling na para kang nakalutang habang kumakain dahil sa antok. Para ngang hindi ko maramdaman ang bawat subo ko, eh," pagbubukas ko nang sobrang random na usapin na ikinatingin niya naman sa akin. "Alam kong masama na para kang tinatamad sa harap ng grasya, lalo sa pagkain, pero minsan kasi kahit na ba hindi mo naman intensiyon iyon hindi mo namamalayan na nagagawa mo na pala," pagtutuloy ko. "Wala lang. Share ko lang naman," habol ko pa. Natahimik ulit ako dahil hindi naman na rin umimik pa si Ross. Minsang itong tao na ito, hindi ko maintindihan kung kailan siya pagod, tinatamad, o masaya. Kasi pare-parehas lang naman din ipinapakita niya. Pero aaminin ko, kailanman ay hindi ko naramdaman ang pagkabagot sa tuwing kasama ko si Ross. Siguro nga ay nakasanayan ko na lang ang ganitong ugali niya at hindi na bago sa akin ang madalas na pananahimik niya. Minsan nga kahit na tahimik lang o hindi kami nag-uusap na dalawa ay masaya na ako. Komportable na ako sa pananahimik niya. Kahit hindi kami magkibuan, basta lang magkasama kami, masasabi ko ng buo ang araw ko. Bakit? Kasi iyon siya. Iyon ang pagkakakilala ko sa kanya simula't sapul. Never ko naman siyang narinig na nagreklamo sa akin kaya wala akong makitang dahilan para ayawan o alisan ang tulad niya. Ross will always be Ross. Kung ilalarawan ko si Ross sa isang salita, consistency iyon. Pakiramdam ko nga ay sineryoso niya talaga iyong madalas na sinasabi ng mga bumabati kapag may kaarawan ang iba—'stay who you are' o kaya naman iyong 'huwag kang magbabago'. Pinagmasdan ko si Ross na siyang nakatingin din pala sa akin na para bang alam na alam na niya kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Oo, tama siya dahil tsini-tsismis ko na siya sa sarili ko. "Naalala ko iyong sinabi mo noong first day natin noong second year tayo," panimula ko.  "Gusto mong tulungan ang ibang empleyado na matamasa nila ang karapatan nila. Ngayon na nagtatrabaho na tayo . . . ganoon pa rin ba ang nasa plano mo?" kuryoso kong tanong sa kanya. Mataman ako nitong tiningnan. "I know that change is forever, pero hindi pa naman burado sa dictionary ang salitang consistency, so, yes. May mga bagay na hindi dapat pinapalitan kahit na marami ng nabago, Rosie," makahulugan nitong sagot sa akin. "May mga bagay na hindi dapat pinapalitan . . . " pag-ulit ko sa sinabi niya. " . . . tulad ng jowa," nakabungisngis kong dagdag. Napailing ito sa akin. "You really do know how to make fun of things, huh?" pigil ang tawa niya nang sabihin ito. Kaagad naman akong dumepensa. "Why? May punto naman ako, ah. Hindi man bagay ang jowa pero parang ganoon na rin kaya ang lumalabas. Sa bilis magpalit at maghanap ng bagong jowa noong iba, para lang silang nag-o-online shopping." "Kung makapagsalita ka naman akala mo may jowa ka," segunda ni Ross na ikinatigagal ko nang sobra. "Kung mang-akusa ka rin naman akala mo may jowa ka rin," pagpatol ko sa kanya. "Sinasabi ko lang naman ang totoo. Saka para mas ma-visualize ko nang mas malinaw iyong explanation mo," katwiran ko. "Sige na lang." Nagpatuloy ang pang-aalaska namin sa isa't isa hanggang sa maihatid niya ako sa bahay. Sa huli ay siya rin ang sumuko, hindi dahil sa talo siya. Sadyang naririndi na siya sa akin. SA MGA NAGDAANG LINGGO, hindi na naging mahirap sa akin ang makasabay sa iba pagdating sa trabaho. Mabilis ko rin naman kaagad na nakuha ang ilang tasks na naaatas sa akin at maging ang makisama sa mga katrabaho ko. Mas nadagdagan ang mga madalas kong nakauusap o kaya nakabibiruan bukod kina Ma'am Tiffany, Gelo, Dylan, at Ross. May mga pagkakataon kasi na hindi ko naman nakasasabay ang ilan sa kanila sa lunch dahil may inaasikaso sila o kaya ay mas pinipiling pagsabayin ang trabaho sa pagkain. Ngayon ang itinakdang araw ng kasal ni Ma'am Tiffany at ng mapapangasawa niya.  Tinotoo niya nga na ako ang una niyang binigyan ng wedding invitation kahit na ba nasa iisang kompanya lang naman na kami dahil aniya pa, may isang salita raw siya. Very traditional ang kasal ni Ma'am Tiffany kaya ramdam na ramdam ko ang atmospera ng pagiging sagrado ng kasal nila kaya kahit na hindi pa naman ganoon katagal ang napagsamahan namin ay gusto ko na lang umiyak sa labis na emosyon na nararamdaman ko ngayon. Naging emosyonal at mahiwaga para sa akin ang okasyong iyon, lalo na nang makita kong naglalakad sa gitna ng pasilyo ng simbahan si Ma'am Tiffany habang suot-suot niya ang magarbong wedding gown na sinabayan din ng kanilang wedding song. Mangiyak-ngiyak pa ako habang tinatanaw siya lalo na noong tuluyang magpang-abot nila ng kanyang mapapangasawa. Pagkatapos niyon ay dumiretso na rin kami sa reception. Nakatayo ako rito sa gilid ng buffet dahil hinihintay ko si Ross na nagpaalam lang kanina na pupunta sa Comfort Room. Nahihiya kasi akong makihalubilo roon o kaya maupo man lang kahit na ba may nakasasalubong akong katrabaho rin naman namin. Kailangan kasama ko muna si Ross bago ako kumilos. Saktong pagkalingon ko sa aking likuran ay siyang pagkakita ko sa papalapit na si Ross sa akin. Pormal na pormal ang ayos nito dahil sa suot na suit and tie. "Kung p'wede ko lang siyang ibenta, tiba-tiba na ako," anang isipan ko. "Bakit hindi ka maupo roon?" bungad na tanong nito sa akin nang makalapit. "Gustong-gusto ko nang maupo talaga. Nahihiya lang akong maglakad roon sa gitna," nakanguso kong tugon. Nagsalubong ang kilay nito pero hindi na nagsalita pa. Naramdaman ko ang banayad na paghawak nito sa aking siko para alalayan ako sa paglalakad. Medyo mahaba rin kasi ang suot kong bestida at mataas-taas din ang takong na gamit ko ngayon. Nakahihiya naman dito sa katabi ko kung bigla na lang akong hahalik sa sahig kaya todo ingat ako sa paglalakad. "Akala ko ikaw ang bantay sa pagkain, eh," saad nito kalaunan nang makaupo rin kami sa wakas. Hinampas ko naman siya sa balikat kaya kakamot-kamot siyang humawak doon. "Kahit naman nakatatakam ang mga pagkain doon, hindi pa rin ako kukuha." Tumaas ang kilay nito sa akin. "So, paano ka kakain ngayon kung hindi ka kukuha roon?" Ngumiti naman ako nang pagkatamis-tamis sabay pulupot ng aking mga kamay sa kanyang braso saka isinandal ang aking ulo sa ibabaw ng balikat niya. "S'yempre sa pamamagitan mo," maamo kong sagot. "I knew it, Rosie. Ginagamit mo ako sa t'wing gutom ka," anito na siyang ikinatunghay ko bigla. "Sabihin mong hindi totoo iyan!" "Look." Sabay nguso sa akin. "Look how bossy you are to me, Rosie," dagdag pa niya na akala mo ay kaawa-awa talaga siya. Hindi naman ako pumayag na siya lang ang magda-drama ngayong gabi kaya naghanda na rin ako nang palihim. "Sabihin mo na lang, Ross kung sawa ka na sa akin. Kung pagod ka na. Kakayanin ko namang mag-isa, eh. Iyong wala ka. Sabihin mo na ngayon par—" Naputol lang ang sasabihin ko nang walang ano-ano'y tumayo ito at iniwan ako. Gulat akong nakamata sa kanya dahil sa isip-isip ko ay baka ayaw na niyang talaga. Nakita ko siyang dumirets sa buffet area at kumuha ng dalawang plato kaya napanatag na ako. Umupo na lang ako ng ayos para hintayin siyang dumating. Mayamaya pa ay may naglapag na ng plato sa aking harapan na may lamang sari-saring pagkain na alam kong alam niya na magugustuhan ko rin. "Thank you!" ngiting-ngiti kong sabi habang umuupo ito sa aking katabing upuan. "Akala ko iniwan mo ako talaga," himutok ko pa habang tinitinidor ang isang putaheng umagaw ng pansin ko. "Tumayo na ako dahil alam kong tapos na. Sa ating dalawa, ikaw itong mas madrama." Natawa naman ako sa sinabi niya dahil alam kong totoo. "Umayos ka lang ng upo mo kanina alam ko na kaagad na aartehan mo na ako," dugtong pa niya na hindi ko na ikinatigil sa pagtawa. Nakatingin lang ako sa kanya habang hindi pa rin siya tapos maghimutok tungkol sa pagda-drama ko sa tuwing nag-uusap o nagkakaasaran kami. Aliw na aliw ako sa kanya kaya hindi ko na nagawa pang sumubong muli sa pagkain ko. Natigil lang ako nang imuwestra niya sa akin ang hawak na tinidor na may nakatusok na isang dessert. "Taste it," aniya at handa ng isubo ito sa akin. Sinunod ko naman siya. Nakaabang lang siya sa akin habang ngumunguya ako. "How's the taste? You like it?" "Okay naman," sagot ko habang inuubos ang pagkain sa aking bibig. "Bakit? Ayaw mo?" "I just don't like it. Mas'yadong matamis," aniya sabay subo naman niya ng ibang pagkain. "Dessert nga kasi, Ross," sarkastikong usal ko. Naubos naman ang dessert na iyon na nasa plato niya sa tulong ko dahil kahit nasa kalagitnaan ako ng pag-ubos sa sarili kong pagkain ay sinusubuan niya rin ako niyon. In short, pinauubos niya sa akin. Matapos niyon ay nagkaroon pa ng iilang pakulo para sa gabing ito. Kung anong ikinapuro ng kaganapan kanina sa simbahan, ay siya namang ikinadumi ngayon dito sa reception dahil may mga ipinagawa ang emcee para sa newlywed at maging sa mga bisita na masasabi mong rated SPG. Dumating ang oras nang saluhan ng bouquet ng bride pero nanatili lang ako sa pinakalikuran at hindi na nag-abalang makipag-agawan. Kasisimula ko pa lang sa trabaho, wala pa akong naiipong pera kaya bakit ako sasalo ng bulaklak? Kahit nobyo nga ay wala. Para naman sa ipasasalo ng groom, hindi na nakisali pa si Ross at nanatili na lang sa tabi ko na nanonood sa mga kaganapan. Curious kasi ako sa mga mangyayari at kung sino rin ang makasasalo. Tanaw ko ang pagluhod ng asawa ni Ma'am Tiffany sa harap niya at kasabay niyon ang malakas na hiyawan. Never pa akong nakapunta sa kasal noon, tanging ito pa lang, kaya wala akong ideya kung ano na ang susunod na mangyayari at kung bakit sila humihiyaw kaya naman umusog ako nang kaunti kay Ross para magtanong. "Bakit sila nagsisigawan? Lumuhod lang naman iyong asawa ni Ma'am Tiffany, ah," taka kong sambit. Tiningnan naman ako nito. Akmang sasagot sana siya pero nabaling na ang atensiyon ko sa unahan dahil mas lumakas ang sigawan. Doon ko naabutang nasa ilalim na pala ng wedding gown ni Ma'am Tiffany ang asawa niya. Napahawak ako sa braso ni Ross na kasalukuyang naka-krus sa kanyang dibdib. "Ross, pinasok niya sa loob si Ma'am Tiffany!" gulat na gulat kong sambit sa katabi ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ross sa akin pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil nakatutok ako sa dalawa na nasa unahan. "Ross, ano ano ginagawa niya roon? Bakit matagal siya roon?" muling tanong ko. Akmang susundan ko pa sana ng panibagong tanong si Ross pero hindi na natuloy dahil nakita ko nang lumabas ang groom mula sa loob ng gown ng bride habang may hawak-hawak na kung anong tela sa kamay niya. Nanlalaki ang aking mga mata kaya gulat akong humarap na kay Ross. Aliw na aliw ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "What?" natatawa nitong untag. "A-Ano iyong hawak niya? Bakit may tela sa kamay niya? T-Talaga bang ginawa niya iyon dito, sa maraming tao?" tigagal ko pa ring tanong sa kanya habang nananatili ang mga kamay ko na nakahawak sa braso niya. "Ano sa tingin mo ang hawak niya?" udyok pa ni Ross sa akin. Lumapit ako sa kanya nang bahagya para bumulong. Tumingkayad pa nga ako para marinig niya ako nang malinaw at siya naman ay yumuko sa akin para maabot ako. "P-Panty ni Ma'am Tiffany?" utal at hindi ko siguradong tugon. Kasabay niyon ang paghagalpak na nito nang malakas na tawa kaya naman bahagya akong nakaramdam ng hiya at ilang. Baka kasi mali ako at isipin ni Ross na ang dumi lang ng utak ko. "It's a wedding garter. A bridal lingerie. Kung sa babae, bulaklak ang hinahagis nila. Sa lalaki naman ay iyong garter na iyon," paliwanag nito sa akin habang hindi naalis ang munting ngiti nito. Tumango-tango naman ako. "First time mo ba um-attend ng wedding?" tanong nito sa akin. "Oo. Saka, ang mga kasalan naman na alam ko lang kasi iyong simpleng handaan lang. Iyong parang may birthday lang ba." Siya naman ang tumango-tango nang hindi naaalis ang pagkakatingin sa akin kaya hindi ko napigilang takpan ang aking mukha gamit ng mga kamay ko. "Rossz huwag mo akong tingnan nang ganiyan. Hiyang-hiya ako rito, oh!" reklamo ko. "Okay, okay," tila sumusuko nitong wika. Inirapan ko pa siya dahil hindi na naalis sa pagkakangiti ang kanyang labi. Lumipas pa ang ilang oras at nagkaroon din kami ng pagkakataon na makausap at mabati si Ma'am Tiffany, maging ang asawa niya. Marami kasi siyang bisita kaya nahirapan din akong lapitan siya. Mabuti na lamang at pinuntahan niya ako sa lamesa. Nag-usap lang kami ng ilang minuto hanggang sa nagpaalam na rin kaming umalis ni Ross. May pasok pa kasi bukas ng umaga. Samantalang si Ma'am Tiffany naman ay naka-leave pansamantala dahil may honeymoon pa siya. Nakakapit ako sa braso ni Ross habang tinatahak ang malawak na parking space rito sa venue. Pagod na kasi ang mga paa ko kaya halos nagpapakaladkad na lang din ako sa kanya. Wala naman akong narinig na reklamo sa kanya. Sanay na siya sa akin. "Aray!" napadaing ako sa kalagitnaan ng paglalakad ko dahil napunit ang laylayan ng bestidang suot ko. Kasunod niyon ang naramdaman kong hapdi sa balat ng hita ko. Hindi ko napansin ang nakausling matulis na bagay sa dinaanan ko kaya dumaplis ako roon. Hindi rin naman sapat ang liwanag na nagmumula sa lamp post na narito para makita iyon. "Bakit?" takang tanong ni Ross sa akin na natigilan din sa paglalakad. "Napunit iyong bestida ko. Sa may bandang hita. Nasugutan din yata ako," may bahid ng sakit ang pagkakasagot ko sa kanya dahil pahapdi nang pahapdi ang hiwa na nasa hita ko. Lumuhod si Ross para tingnan ang napunit kong bestida. Nasanggi niya pa ang sugat ko kaya bahagya akong uminda. Kaagad naman siyang humingi ng paumanhin sa akin. Inilabas ko ang cellphone ko para ilawan siya nang sa ganoon ay hindi na niya madaplisan ang sugat ko. "Bakit parang hawig ito sa ginawa ng asawa ni Ma'am Tiffany kanina? Pinagkaiba lang, wala akong bridal lingerie. Hiwa lang mayroon," pagbibiro ko pa na ikinatingala kaagad sa akin ni Ross. "Rosie, watch your mouth," saway niya sa akin. Nagtaka naman ako. "Huh? Bakit? Wala naman akong sinabing iba, ah. Nagjo-joke lang din naman ako," depensa ko. "Iba ang dating sa akin ng pagkakasabi mo roon sa hiwa, eh," anito. Noong una ay hindi ko pa naintindihan ang sinabi niya pero kalaunan ay natigilan din ako dahil ngayon ko lang napagtanto na may kakaibang kahulugan nga ang pagkakasabi ko. Kaagad ko siyang hinila patayo at nagpatiuna nang naglakad kahit na paika-ika ako makarating lang sa sasakyan ni Ross. "Magpanggap ka na lang na wala kang narinig o kaya wala akong sinabi," may kalakasan kong saad habang naglalakad. "Inosente ako, Ross. Huwag mo akong i-judge," habol ko pang sabi sa kabila ng sobrang hiya ko. "Sure! Inosente rin naman ako, Rosie." Talagang sumagot pa nga ang loko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD