Tfw4: Panaginip

2046 Words
Nakauwi sila bandang alas dos ng madaling araw. Gumamit pa sila ng sulo na gawa sa dahon ng niyog. Hinatid muna nila si Tinay. Kilig na kilig naman ang nabanggit dahil sumama pa si Gavin sa paghatid sa kanya. Sa durasyon ng pag uwi nila ay si Tinay halos ang kaututang dila ni Gavin. Hinayaan ni Erica ang dalawa para magka hulihan ng loob at nang mapaibig ni Tinay si Gavin. Pihadong magiging mag textmate na ang dalawa dahil nagpalitan na nga ang mga ito ng cellphone number. Hiningi nga ni Gavin ang number ni Erica pero wala itong maibigay dahil wala nga siyang cellphone. Napantastikuhan naman ang binata dahil kahit daw mga taga probinsya ay may mga cellphone na daw dapat. Aba problema na n'ya yon eh wala naman siyang pagagamitan kaya bakit pa siya bibili ng cellphone? Aksaya lang sa pera at walang matatapos na trabaho dahil nakakababad na sa telepono buong araw. Iyan pa naman ang daing ng mga magulang ngayon: ang pagkahumaling ng mga kabataan sa social media at mga online games na nakakasagabal na sa trabaho at pag aaral. Hindi nga naman ito tipikal na teenager kaya walang kaso kung mahuli siya sa uso. Kanina nga lang nito na enjoy ang sayawan sa totoo lang. Masayang kasama si Gavin at kung totoo man na may gusto ito sa kanya ay hindi niya pa rin ito I-entertain. Gusto kasi siya ito ni Tinay at ayaw niya namang masira ang pagkakaibigan nila dahil lang sa lalaki. Pagkarating niya bahay ay nagpaalam na siya kay Gavin. Kung bakit kasi mapilit pa ito na ihatid siya ilang daang metro lang naman ang distansya ng bahay nila kina Tinay. Napalayo pa tuloy ito sa daan pauwi sa kabilang barangay. "Dito na ako Gavin uwi ka na. Naku at bakit ka pa sumama at talagang napalayo ka tuloy."Ang sabi nito sa binata at tinitigan niya ito ng maigi. Gwapo naman si Gavin pero wala itong madaramang kilig kung titigan ko siya. Tipikal na binatang Pilipino. Matangkad kaysa karaniwan, moreno at batak ang katawan sa muscle. Bata pa lang kasi ito noon ay sanay na sa trabaho sa Hacienda. Iginapang ng mga magulang ang pag aaral niya sa Maynila at nang pumasa at maging Engineer ay pasok pa sa Top 20 kaya pinag aagawan ng mga Construction Firm. Sunod sunod ang mga naging proyekto niya kaya mabilis ang pag asenso niya. Guminhawa na ang buhay nila. Pinagretiro ang ama bilang katiwala at binilhan ito ng isang ektaryang lupain na siyang tinamnan ng mga gulay. Ito na ang naging kabuhayan nila. Siya na din ang nagpaaral sa dalawang kapatid. Maswerte ang magiging nobya niya kung sakali. Panatag naman ang t***k kanyang puso . Sabi nga nila pag may gusto ka sa isang tao ay para kang kinakabahan pag nasa malapit ito. Lagot siya kay Tinay kung papatusin niya si Gavin. "Okay lang ikaw pa malakas ka sa akin eh. Kaya babalik ulit ako sa makalawa para manligaw." Ang seryoso nitong sabi at umalis na kaagad. Napaawang ang kanyang bibig.Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon nito na tumanggi ang dalaga. Patay siya kay Tinay tiyak na magtatampo ang kaibigan niyang iyon. Napa buntong hininga ito. Mukhang magkakaproblema pa yata silang magkaibigan. Ayaw niya muna isipin ang magiging reaksyon ni Tinay kaya umakyat na siya sa baitang ng hagdan ng nahagip ng kanyang mata ang bulto ng tao. Kinurap niya ang kanyang mata para masilayan ng maayos ang nasa dilim. Hindi niya ito maaninag ang itsura pero base sa kanyang pustura at tindig ay matangkad itong tao. Kinabahan siya at di nag abalang usisain kung sinuman ang nasa dilim. Nanginginig ang kanyang kamay ng sinusian ang kandado ng bahay at nang sa wakas mabuksan ito ay nahulog pa ito sa kanyang pagmamadali. Pinulot nito ang susi at dagling pumasok sa kanilang bahay at sinigurong nakalock ang pintuan ng maigi. Ang lakas ng tambol ng kanyang puso. Naku, uso pa naman ang mga akyat bahay ngayong panahon kahit sa mga kanayunan. Kinakabahan man ay nagpasya na siyang magpalit ng damit pantulog pagkatapos magsipilyo ng ngipin at natulog na. "Huwag , pakawalan nyo ako. Maawa na kayo sa akin. Wala naman akong kasalanan sa inyo." Ang umiiyak na pakiusap niya sa tatlong lalaking pinalilibutan siya. "Patawad napag-utusan lang. Trabaho lang walang personalan. Si bossing na bahala sayo. Kaya ka din pala kursunada ang ganda mo din kasi." Tumawa ang tatlong lalaki na parang mga goons sa palabas. Ang aasgad ng mga mukha na parang di gagawa ng mabuti. Hindi siya makapalag sapagkat nakatali ang dalawa niyang kamay sa kanyang likod pati na ang dalawang nitong paa. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang kawayan na papag sa loob ng isang kamalig. Wala naman siyang kaaway kaya nagtataka ito kung sino ang nagpadukot sa kanya. Nang biglang bumukas ang pinto ng kamalig at iniluwa ang salarin sa kanyang pagka kadukot. "Ikaw? Ano na naman itong kalokohan ha? "Matapang ka na ngayon ha. Malakas na ang loob mo dahil may Gavin ka nang sinasandalan. Sa gagawin ko tingnan ko lang kong lingunin ka pa ng g**o na 'yon." Naghubad na ito ng damit. Awtomatikong lumabas naman ang tatlong lalaking dumukot sa kanya. Kinalas na nito ang kanyang sinturon at binuksan ang zipper ng pantalon niya. Ibinaba niya ang kanyang pantalon at tanging brief na lang ang naiwan. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil nahulaan na niya ang pakay nito. Gagahasain n'ya ako? Ang piping sigaw sa kanyang utak. Jusko po ano ang kasalanan niya at kailangan niyang pagdaanan ito? Umiiyak siya ng kalagan nito ang tali sa kanyang mga paa. Tinangka niya itong tuhuran pero nahuli nito ang kanyang tuhod. Inihiga nya sa papag ang dalaga at pinatungan. Sisigaw na sana siya ng tinakpan ng labi nya ang kanyang bibig. Iniwas niya man ang kanyang labi sa pamamagitan ng pagbaling kaliwa't kanan ng ulo nito pero siya ay sadyang napakalakas . Gusto niyang mawalan ng ulirat ng ibaba nito ang kanyang pajama pati na panloob atsaka pumwesto sa ibabaw niya. "Huwag maawa ka!" "Erica, gising nanaginip ka." Ang sabi ng ama sa anak habang tinatapik ang pisngi ng huli. Biglang nagmulat ang kanyang mga mata; hinihingal na tiningnan nito ang paligid. Nasa kwarto siya at wala sa papag ng isang kamalig. Napalunok s'ya ng sunod-sunod at naging panatag ang paghinga. Kinurot nito ang kanyang pisngi. Masakit. Ibig sabihin ay hindi totoo ang nangyari sa kamalig. Bumangon siya at tiningnan ang ama. Natatawa ito sa kanyang nasaksihan. Habol niya ang kanyang hininga kanina na tila galing ito sa pagtakbo. Hay salamat panaginip lang pala. Akala nito ay totoo. Kasi naman nadala niya yata ang takot ng may namataang bulto ng tao kagabi kaya tuloy binangungot pa ito. "Ikaw na bata ka nasobrahan ka yata sa hataw sa disco kagabi ah. Akala mo di kita nakita ano? Wow, bigatin na ang anak ko pinag agawan lang naman ng Engineer at isang Heredero, " nakakalokang tukso ng ama sa anak. Kinurot nito ang tungki ng ilong nito at hinila pa iyon. "Aray! Tatay naman eh. Puro ka kalokohan. Kita mo nga na nanaginip ako ng masama iyan pa talaga ibubungad mo sa akin," ang nakasimangot nitong tugon sa panunukso ng ama. Tinampal nito ang kamay ng huli dahil napalakas ang pagpisil niya sa ilong niya. Tsismoso din pala si ama, naisip ni Erica. Akala niya sa pag inom lang ng alak ito magaling. Malakas din palang sumagap ng tsismis. "Tatay, naiipit lang ako sa rivalry nong dalawang asungot. Maanong pinag-aagawan ang sinasabi n'yo dyan mamaya marinig kayo ng iba at sabihin na ilusyunada ang anak ninyo," tutol nito sa maling paniniwala ng ama na may gusto ang magkaribal sa kanya. "Sus, nahiya pa itong maganda kong anak. Ikaw ang pinaka magandang dilag sa buong San Bartolome. Hindi ka pa nga nakapustura ay pinag-aagawan ka na. Paano pa kung nakagayak ka? Mana ka kaya sa akin." May pagmamalaki nitong sabi at hinimas ang baba niya. "Babangon na ako at baka saan pa mapunta ang usapan nating ito. Kow, may nakatago ka din palang yabang 'Tay?" tanong nito sa kanyang ama para tantanan na nito sa kanyang pangungulit. Napatingin siya sa Wall clock at alas dyes na pala ng umaga. Kaya pala medyo kumakalam na ang kanyang sikmura dahil halos tanghali na siyang nagising. Naalala niya ang mga isdang dapat pakainin ngunit bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na ito ng ama. "Huwag kang mag-alala Erica napakain ko na ang isda at nakapag luto na ako ng almusal natin. Kumain ka na sa kusina nakahanda na almusal mo." Ang pagpapawi ng ama sa kanyang pag-alala sa mga gawaing di niya nagawa dahil napasarap ang kanyang tulog. Nakakatuwa dahil pinagsilbihan siya ng ama na bihira nitong gawin. Kaya feel na feel niya ang kanyang almusal na lechon paksiw at nilagang itlog. Nagtimpla na din siya ng 3n1 na kape. Magana siyang kumain at hinugasan na din ang pinagkainan pagkatapos. Isinalansan na niya ang mga hinugasan na plato sa tray ng may tao sa labas na hinahanap ang ama. "Tao po, andiyan po ba si Mang Enrico?" Dinungaw niya bintana at nakita si Eking pala at kasama si Senyorito Harvey. At ano ang sadya ng amo nila sa ama? "Sandali Eking, tatawagin ko ang Tata," sagot niya rito at siya namang labas ng ama sa kanyang kwarto. Bumaba na ito sa kanilang bakuran kung saan naghihintay ang nakasimangot na si Senyorito Harvey. "Magandang umaga Senyorito, ano po ang maipaglilingkod ko?" Magiliw na bati ng ama sa kanilang amo. Nakamasid lang siya at yumukod na din ng binati ng ama ang una. "Nais ko pong maglibot sa palaisdaan at ipaliwanag ninyo sa akin ang mga gawain na pag aalaga ng mga isda." Dire-diretso nitong sabi at tumingin sa kanya. Aba mukhang siya pa yata ang gustong kasama sa paglilibot sa palaisdaan. "Si Erica na po ang sasama sa inyo para maglibot sa palaisdaan Senyorito. Pupunta kasi ako sa inyo para mag-ulat kay Senyor Arthur." Ang paalam ni Mang Eneico kay Harvey at umalis na kaagad. Tiningnan niya si Eking para sumama sa kanila pero napakamot ito sa batok. "Erica, kailangan ko pang linisin ang palibot ng palaisdaan mataas na ang mga talahib kaya kayo na lang dalawa ni Senyorito ang maglibot," dahilan ni Eking at kaagad ng umalis. Patay! Mukhang kailangan niyang pagtiyagaan na ilibot si Senyorito. Ang hiling niya lang ay sana huwag na siyang asarin o di kaya ay pagtripan. Ayaw na n'yang maulit pa ang mga panunukso nila sa kanya noong bata pa siya. Ipinapaliwanag nya sa kanyang amo ang proseso sa palaisdaan habang naglalakad silang dalawa papunta sa source ng tubig. Ipinakita niya sa amo ang mga daluyan ng tubig kung saan may nakaharang na kahoy. Bawat baitang nito ay may katumbas na water level na siyang ginagawang pamantayan sa pag dagdag o pag bawas ng tubig depende sa pangagailangan. May screen at lambat din na nakaantabay sa mga labasan ng tubig para kung sakaling umapaw ang tubig ay hindi makatakas ang mga isda. Tahimik lang si Senyorito Harvey at mataman na nakikinig sa kanyang mga paliwanag . Matapos nitong ipaliwanag lahat ay titig na titig ito sa tauhan. Hindi niya maiwasang maasiwa sa klase ng tingin ipinupukol nito sa kanya. "May nais pa po ba kayong itanong Senyorito?" Untag niya sa kanyang amo para naman lubayan na nito ang paninitig sa kanya. "Gamay na gamay mo na ang pasikot-sikot sa palaisdaan. Bilib na ako sa iyo." May himig ng panunuya ang kanyang naging obserbasyon sa dalaga. Nakataas ang kilay nito at sinusupil ang ngiti sa labi. Hindi niya maiwasang ikumpara ito ky Gavin. Mas matangkad at makinis ito sa huli. Ewan nya lang kung mas maganda ang katawan ng una dahil hindi ko naman kabisado ang pamumuhay nito. "May nakapag sabi na ba sa iyong maganda ka?" nakakagulat nitong sabi sa kanya. Pinanlakihan niya ito ng mata sabay sabi "Senyorito, kailangan mo na po mapasuri ng mata, mukhang may sira na yata yan." Tumawa siya ng malakas at umalingawngaw ito sa buong palaisdaan. Nabulabog yata ang mga isda at tumalon ang mga ito. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" seryoso nitong tanong sa kanya. "Kayo po ang nakakatawa at sumang-ayon pa ang mga isda," hawak ang kanyang sikmura ay tumawa siya ng tumawa na parang mauubusan ng hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD