Tfw 5:Ligawan

1703 Words
Seryoso pa ring nakamasid si Harvey sa dalaga habang una ay mamatay matay sa kakatawa sa mga sinabi nito sa nabanggit. "Senyorito kumain po kayo ng kalabasa para luminaw ang mga mata ninyo. Aba, pangalawa na po kayo na nagka diperensya sa mata magmula kagabi." Ang seryoso nitong sabi sa kanyang amo at sinupil niya ang kanyang tawa dahil kumunot lalo ang noo ng binata. Baka mamaya ay ano pa maisip nito tungkol sa kanya at pagdudahan pa nito ang katinuan ng kanyang pag-iisip. " Seryoso naman ako sa sinabi ko na maganda ka. Walang nakakatawa sa sinabi ko." Ang sabi nito at tiningnan siya ng malagkit. Ang pilyong ngiti nito na sa tuwina ay nagpapatindig ng aking balahibo noon pa man ay sumilay. Naku po. Dalawa lang naman ang pahiwatig n'on. Una, may kalokohang naiisip. Pangalawa may kalaswaang binabalak. Mas gusto niya yata ang pangalawa. Ang hirap na aminin sa kanyang sarili na crush yata nito ang mokong na Senyorito niya kahit gaano pa ito nambully sa kanya noon. Sadya bang ganito magbiro ang tadhana? Kahit may nagkakagusto sa iyong matino ay tila sutil ang puso mong doon pa rin magkagusto sa may kapintasan at di kanais nais na ugali? Hay huwag naman sana dahil alam niyang pinagtritripan lang siya ng kanyang Senyorito. Kaya siguro iwas siya ng iwas sa kanya noon pa dahil di niya man aminin ay may paghanga na siya sa kanyang amo magmula pa noon ? At nahihiya lamang siya sa itsura niyang mukhang ewan. Madalas pa siyang mapagkamalang tomboy noon dahil sa tuwina ay gupit lalaki ito at boyish pa gumalaw. Ay ay ay pusong pasaway. Huwag naman sana siyang ipahamak nito. Dahil kung ang binata ang manliligaw sa dalaga ay walang dudang sasagutin niya kaagad ito ng walang pag aalinlangan. Kasehodang masaktan basta masunod lang ang sigaw ng puso. Aba teka naman, nasabihan lang siya ng maganda ay masyado naman yata siyang naging assumerang mag-isip. Erica sarap mo kutusan ang sermon niya sa sarili. Sige magpakatanga ka para iiyak ka bandang huli. Kinurot nito ang sarili sa gilid ng kanyang hita para mahimasmasan siya sa kanyang kahibangan. "Nanliligaw ba si Mendez sa iyo?" Kapagkuwan tanong ng binata sa kanya at lumingon ito sa palaisdaan na tila doon naghahanap ng sagot. "Naku hindi po Senyorito. Si Tinay po ang gusto niya. Eh, nagpapatulong nga po sa akin si Gavin na ilakad ko daw siya sa bestfriend ko. At bakit naman manliligaw si Engineer sa akin?" Ang natatawa niyang sagot sa binata. Hilaw ang ngisi niya at iniwas nito na tumingin sa kanyang amo para hindi siya mabisto. Kailangan hindi nito malaman na pinopormahan siya ni Gavin dahil lagot siya pag nagkataon. Nasaksihan niya noon ang pagiging magkaribal ng mga ito sa halos lahat ng bagay kaya mahirap ng maipit sa pagitan nilang dalawa. Walang paalam na itong umalis. Hay, salamat naman, muntik na siya doon ah. Hinawakan niya ang kanyang dibdib na para bang malalaglag kani kanina lang. Bumalik na siya sa bahay at paakyat na sana ng ikalawang baitang ng may tumawag sa kanya. "Erica, sandali!" Napalingon siya at nakita si Gavin.Naglalakad ito papalapit sa kanya at napakalapad ng ngiti nito. Saktong lingon din ng hindi pa nakalayong si Senyorito Harvey. Dumilim ang anyo nito na animo hindi nagustuhan ang biglang pagsulpot ni Gavin. " O, ano sa atin Engineer?" Sarkastiko niyang tanong sa bagong dating at umawang ang bibig niya ng buhat sa kanyang likuran ay may tinago pala itong isang Teddy bear na may pusong nakadikit. Pinanlakihan niya ito ng mata. Palipat lipat naman ang tingin niya sa kay Gavin at sa among di yata tinuloy ang pag alis. Hinila niya si Gavin paakyat ng hagdan para maiwasan ang nagbabagang titig ni Senyorito Harvey. Patay! Nalintekan na siya nito. Paano niya na maiwasan ang dalawang kolokoy na ito? Eh, nabisto kaagad siya ng kanyang amo. Todo tanggi pa naman siya sa pagtatanong nito ukol sa panliligaw ni Gavin. Hindi pa nga siya nakakaalis at ito biglang sumulpot naman ang isa kung saan na parang kabute. Konsumisyon talaga! Kung hindi magkaribal ang dalawa ay isipin ko talagang dinaig niya si Rapunzel sa haba ng kanyang buhok. "Halika nga rito." Ang nagmamadali niyang panhik sa bahay na hilahila ang kamay ni Gavin. Sinarado nito kaagad ang pintuan. Siguro naman ay tuluyan ng umalis si Senyorito. "At ikaw ke aga aga para ka namang Intsik. Umaga umaakyat ng ligaw." Ang iritable niyang puna rito. "Sa lahat ng nililigawan ikaw itong choosy." Ang may kumpiyansa nitong ganti sa kanya at prenteng umupo sa kawayan na upuan sa may sala. "Sinabi ko na sayo,di ba?Kay Tinay ka na lang manligaw dahil ayaw kong sumama ang loob niya sa akin. Patay na patay pa naman siya sa iyo." Ang konsumido niyang sabi sa binata. Napaupo na din ito sa katapat na upuan. Pinagkurus niya ang dalawa nitong binti at sumandal. Napabuga siya ng hangin at muling tiningnan si Gavin. "Ikaw ang gusto ko eh. Bakit mo naman ako ipagtutulakan sa kanya? Hindi mo pwede diktahan ito, " turo nito sa kanyang kaliwang dibdib kung saan matatagpuan ang puso. Pursigido nitong sagot sa mga binabato niyang pagtanggi sa panliligaw nito. "Ayaw ko lang na pati si Senyorito ay pestehin din ako sa panliligaw. Nakita niya tayo kanina. Todo tanggi pa naman ako na nanliligaw ka."Napabuntong hininga na lang ito at inaasahan na magiging masalimuot ang kanyang buhay sa pagsulpot ng magkaribal. Hay buhay kung kelan akala niya ay tahimik na at walang mambubully ay tila isang biro namang inuurat ako ng pagkakataon. May biglang kumatok at awtomatikong napatayo siya. "Sino yan?" Tanong nito sa kumatok at hinintay muna ang sagot bago pagbuksan. "Ako ito, si Harvey, " ang sagot ng nasa labas. Binuksan niya ang pintuan at nagulat siya sa kanyang nabungaran! Si Senyorito Harvey ay bumalik at may hawak na bulaklak na dahlia. At pinakialaman pa talaga ang kanyang mga tanim? Napapikit siya at huminga ng malalim. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Hindi siya nagkamali ng sapantaha. Magpapaligsahan na naman ang magkaribal at sa malas ay siya pa ang pinag diskitahan nilang dalawa . Anak ng tokwa naman! "May kailangan pa po kayo Senyorito?" Ang sarap ng ngiti niya at nilangkapan pa ng magiliw na tinig pero sa loob nito ay gusto na mag huramentado sa kinasusuungan na sitwasyon. "Aakyat din ng ligaw!" May diin nitong sabi na nakatingin kay Gavin na komportableng nakaupo sa sala. Pumasok na din ang binatang amo at tinugpa ang katapat na upuan ni Gavin. Ito na ang umpisa ng kalbaryo niya. Pareho pa naman silang mga matigas ang bungo. Walang gusto malamangan at sumuko. "Naligaw po yata kayo Mr.Harvey Angeles?" Ang may pag uyam na palatak ni Gavin. Nagtitigan pa ang dalawa. Bakas ang tensyon sa mukha nila. "Bilib din ako sa tapang ng apog mo Engr. Gavin Mendez. At hanggang dito sa teritoryo ko ay napasugod ka pa. At inaabala mo pa sa kanyang trabaho ang aking tauhan." Pormal ang mukha ni Senyorito Harvey at diretsong nakatingin kay Gavin. Nilingon din nito si Erica at tinaasan ng kilay. Napayuko na lang siya at nahiya sa sinabi nitong istorbo sa oras ng trabaho. Mukhang ginagamit niya ang bentahe niya sa kanyang pagiging amo at siya bilang tauhan nila. Magsasalita na sana si Erica para ipagtanggol ang kanyang sarili ng biglang bumukas ang pintuan at mula roon ay iniluwa ang nakangiting si Tinay. Dagling napawi ang ngiti nito ng napako ang kanyang mata sa Teddy bear na nasa lamesa sa sala. "Good morning po Senyorito Harvey, Engr. Mendez." Bati ni Tinay sa dalawang bisita. Biglang pumormal si Tinay at tumabi kay Erica. Ang mukha nito ay lukot na parang nag uusisa kung bakit andito ngayon ang dalawang panauhin. Hindi pa man siya nagsasalita ay magkasabay na nagsalita ang dalawang bisita. "Aakyat ng ligaw kay Erica." Pormal na sabi ng dalawa at nagkatinginan pa ang mga ito. Tila naiintindihan ng dalawa ang piping tanong ni Tinay kaya diretsong sumabat na sila. Natampal nito ang kanyang noo. Tiningnan nito ang tila hinanakit na bumalatay sa mukha ni Tinay. Bigla na lang itong umalis ng walang paalam. Natanaw niya itong tumatakbo sa direksyon ng kanilang bahay. Ito yata ang kahulugan ng panaginip niya kagabi. Ang literal na gahasain siya ng problema! Paano niya ba ipapaintindi kay Tinay ang totoong sitwasyon? Minsan pa naman ay medyo sarado ang utak nito sa kung ano talaga ang totoo. Madali siyang magbitaw ng desisyon na hindi pinag iisipan. Bata pa lang kasi ay sanay si Tinay na lahat ng paghanga at atensyon ay nasa sa kanya. Paano ba naman ay maganda nga naman ang lahi nila. Lalo na ang tiyahin na si Criselda. Magkawangis sila at aakalian mo talagang sila ang mag ina imbes na ang ina nitong si Aling Iska. May tsismis nga noon na anak sa pagkadalaga ni Criselda si Tinay pero todo tanggi naman sila. Kabastusan man na maituturing ay pinakiusapan niya ang dalawang binata na umalis na muna dahil pupuntahan niya si Tinay. Hindi siya papayag na magkalamat ang pagkakaibigan nila ng dahil lamang sa lalaki. Nakakaintindi naman ang dalawa at magkasunod na umalis. Tinungo niya ang bahay nila Tinay. Tinanong nito si Aling Iska kung nandun ba si Tinay. Pinapasok kaagad siya at pinatuloy sa silid ni Tinay. Nagdahandahan naman siyang pumasok. Ingat na ingat para hindi makalikha ng ingay at langitngit sa kawayan nilang sahig. Nakadapa ito sa kanyang kama. Nakasubsob ang mukha sa unan at halatang umiiyak dahil gumagalaw ang kanyang mga balikat. Maya maya pa ay sumisinghot na si Tinay. "Tinay, kausapin mo ako. Bakit ka naman nag walk out kaagad? Ang mahinahon niyang pakiusap sa kanyang kaibigan. Tumihaya ito at biglang bumangon. Bakas ang mga luha sa kanyang mata pero biglang bumalasik ang itsura nito. " Alam mo namang patay na patay ako kay Gavin bakit ka naman nagpaligaw. At pumayag ka pa talaga at tinanggap ang stuff toys na regalo niya!" Galit nitong sumbat kay Erica habang pinapahid ng mga palad nito ang bakas ng mga luha sa mukha. "Hindi ba sabi ko sayo ilalakad kita sa kanya. Bakit nagtatampo ka dyan? Wala ka nang tiwala sa salita ko!" May tampo na ring ganti sa mga paratang nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD