Tfw3 Back for Good?

1537 Words
After six long years, their Dad decided na pwede na umuwi sina Harvey at Trixxie. He chuckled. Naiisip pa rin ng binata ang mga kabulastugan niya on his younger years. Natapos niya na ang kursong Business Management at kasalukuyang nagtatrabaho bilang Management Trainee sa isang Accounting firm dito sa Chicago. Sumasideline din siya paminsan ng pagiging print model. Si Trixxie ay kumuha ng Interior Designing. Kasalukuyan siyang third year college na. Doon sa poder ng Tita Anastacia ay talagang natuto sila ng mabuting asal. If their dad and mom were lenient, iba ang kanilang Tita Anastacia. She is the true definition of the word terror. Hindi umobra ang katigasan ng ulo nilang dalawa sa kanya. Para itong si Miss Minchin sa lahat ng aspeto. Sa pananamit, sa pagiging disciplinarian at perfectionist. Lalong lalo na ang ang pagiging spinster by choice. Hindi naman sa pangit ang kanilang Tita. Nadala lang ito sa pagkabigo sa unang pag-ibig nito. Kaya naging bitter ito sa buhay. Ngunit gaano man sila ka-disiplinado sa poder ng Tita nila ay lumalabas pa rin minsan ang kasutilan ng magkapatid. Partners in crime sila ni Trixxie. Yung tipong nagtatakipan sa mga lakwatsa na numero unong ayaw na ayaw ng Tita nila. Kaya nga ang mga naging relasyon ni Harvey ay puro patago. Puro lang din mga flings lalo at liberated naman ang mga tao doon sa America. Girls come and go. It's more convenient that way. Katulad ngayon abala sa pag taas baba ang aking f**k buddy sa kanyang kandungan. "That's it Giselle, grind more baby, " pang-eenganyo niya dito. Umaalog-alog pa ang may kalakihang dibdib nito. D**n she can ride like a real cowgirl! Kaya sa lahat ng flings niya ay dito siya pinakasatisfied dahil sa galing nitong gumiling. Ilang taas baba pa nito ay narating na nila ang rurok ng kaluwalhatian. She hugged him and rolled on the side. Tumayo si Harvey at tinanggal niya ang condom na suot at itinapon ito sa trash bin na nasa loob ng banyo. He grabbed some wet wipes and cleaned himself bago bumalik sa kama. Kasalukuyan naninigarilyo si Giselle. The usual thing she does after they f**k each other. Magaling din kasi ito kung sa performance lang sa kama ang pag uusapan. Isa itong Filipino American ramp model na nakilala ni Harvey sa mga party na dinaluhan nila minsan ni Trixxie. Game din ito at di rin naghahabol ng commitment dahil pawang abala din sa umuusbong na career bilang ramp model. Giselle is gorgeous. With brown hair and hazel eyes and fair skin. Tall at five feet ten inches and that sexy figure a model possesses. Hindi halata ang pagiging half pinoy nito. "So, you're finally free from your asylum!" Ang natatawang pahayag nito habang ibunubuga ang usok ng hinithit na sigarilyo sa kanyang mukha. "Asylum my ass." Napailing na lang siya sa biro nito habang iniiwas ang mukha sa buga ng usok ng sigarilyo nito. Bakit nga ba sila pinatapon ng mga magulang nila sa kanilang tiyahing old maid? Ah, nga pala ang pambubully nila sa anak ng katiwala sa palaisdaan. It's not that they hate that kid pero naaamuse siya sa panunukso sa gusgusing at payat na batang kinulang yata sa nutrisyon. Ano na kaya ang itsura ng paboritong apihin ng malditang kapatid niya?The last time na binully nila ito ay muntik na itong maiyak dahil sa kung ano anong masakit na biro ang sinabi nila magkapatid. Pero napabilib siya sa kakayahan nitong pigilin ang emosyon nito. Ang mata nitong kulay light brown ay parang nagbabadyang tumulo ang luha pero tumalislis lang ito ng takbo. Dalawang araw matapos ang insidenteng iyon ay nagkarambulan pa si Harvey ng karibal na si Gavin dahil sa ex girlfriend na si Honey. Ang g**o pinormahan pa talaga ang syota niya kaya nakatikim sa kanya ng sapak. Kamuntikan pa siyang ma-expel kung di nadala sa masinsinang pakiusap ng dad niya ang principal. ******* After two days ay schedule na ng flight nila pauwi ng Pilipinas. Naging maayos naman ang byahe sa eroplano. Pagkalapag nila sa NAIA ay agad silang sinalubong ng driver na dala ang may kalumaang L300 van. Diretso na din silang bumiyahe pauwi ng San Bartolome. Nag-stop over lang sila sa nadaanang kainan para magmeryenda at nagbanyo pagkatapos ay tuloy ulit ang byahe. Halos apat na oras din ang ginugul nila bago makarating sa Hacienda Angeles. Mula sa bintana ng van ay kitang kita niya ang mansion na dalawang palapag na gawa sa tesa at marmol. Sa garahe ay ang may kalumaan na ring Ford F150 na dati na nilang sasakyan. Ang kumuha sa kanyang atensyon ay ang hummer na bagong bago na hindi pa yata nacarwash dahil sa mga bakas na putik sa mga gulong nito. Preskong hangin ang sumalubong sa kanya pagkababa ng van. Ang tumitiling si Yaya Pacing naman ang sumalubong sa kanila na magkapatid. "Naku, nauwi nanaman ang sutil kong mga alaga," ang biro ng matanda nang yumakap ito kay Trixxie at sa kanya. "Yaya!" ang magkasabay na bigkas ni Trixxie at Harvey. "Kow totoo naman e, kung paano ninyo ba naman banatan ang anak ni Enrico, " may pakurot pa ito sa tagiliran nila. Natatawa na lang sya sa mga banat ni Yaya Pacing. Umagapay ito sa kanya dahil matanda na ito. Ito pa yata ang naging Yaya ng Mom nila noong kabataan nya. Pumasok na sila sa mansion at nasa sala na ang Daddy at Mommy nila. Lumapit sila at nagbigay galang. Kinumusta nila ang naging byahe at sinabihang pumanhik na sa silid. Hindi naman talaga nila namiss dahil regular silang pumupunta ng states para kumustahin silang magkapatid. Tamang tama pala ang uwi nila sapagkat bisperas na ng Fiesta bukas. Isa sa mga nakakaaliw na kasiyahan ay ang pasayawan na nilalahukan ng mga pinakamagandang dalaga sa buong San Bartolome. Excited na siyang makabingwit ng bagong babaeng pagkakaabalahan habang nandito sa poder ng mga magulang. Masaganang hapunan ang inihanda ni Yaya Pacing. At dahil namiss n'ya ang pagkaing pinoy ay nagluto ito ng paborito niyang sinigang na bangus. Meron ding escabetcheng tilapia at adobong native na manok. Fresh buko juice naman ang inumin. At lahat ng iyon ay galing mismo sa Hacienda! Mukhang magkakainteres na siya sa matagal ng inuungot ng Daddy nila na mamahala ng buong Hacienda. Plano niyang libutin ang buong Hacienda bukas para naman ma-enjoy ang tanawing dito lang sa Pilipinas matatagpuan. ****** Bisperas na ng Fiesta at kahit sa mansion ay abala ang mga kasambahay sa paghahanda. Excited na rin ang mga anak ng mga tauhan sa sayawan mamayang gabi. Bigla tuloy naintriga si Harvey. Hmmmm. Makadalo nga mamayang gabi at ng makabingwit ng magandang dalaga, ang naging resolusyon niya sa gabing iyon. Alas dyes ng gabi ay umalis na siya ng mansion sakay ang ang pick up. Alagang alaga pa din nito ang Ford F150 na siyang ginagamit na pansundo sa kanila ni Trixxie noong high school pa sila. Pagkarating sa sayawan ay ginarahe niya ang pick up sa katabing sasakyan ng barangay. Safe naman dahil maraming tanod ang nakabantay. Nilibot ng kanyang paningin sa sayawan at ang unang nakakuha sa kanyang atensyon ay ang babaeng tila out of place sa sayawan. Nasa bandang tagong bahagi ito na tila may binabantayan. Simple lang ang damit nito. Puting blouse na pinatungan ng kupasing maong na jacket at skinny jeans. At naka high cut na sneakers pa kamo! Wala man lang itong kolorete sa mukha pero di maikukubli ang maganda at mapupulang labi nito. Sa tantya ay hindi ito masyadong matangkad nasa 5'4 lang ang height nito at medyo bilugan ang katawan. Parang ito lang ang hindi nakapustura sa mga kaedaran nitong todo gayak pa at may kolorete. Na-amuse siya sa ibang kabataan na tila mga bakang nakawala sa kural kung umindak. Kung sabagay minsan nga lang sa isang taon ang disco kaya sinusulit nila ang pagkakataon. Alas dose na kaya mag-uumpisa na ang sayawan. Plano niyang makipagsayaw kaya nagdala ng pera. Nagsilabasan na rin ang mga dalagang nagmula ba sa karatig Bayan at barangay. May nakita na siyang target. Ang babaeng nakapula ng blouse. Hanep pang modelo ang katawan! Sinong mag-aakala na marami pa lang magaganda dito sa probinsya? Nag-umpisa ng tawagin ang mga kalahok. Ikawalo itong tinawag. Cristina Mondejar pala ang pangalan. Pero natulos siya sa kinatatayuan ko ng tinawag ang ika-dalawampung kalahok. Si Erica Santillan! Ang babaeng out of place. Hindi pa rin pala ito nagbabago. Baduy pa rin manamit. May naisip tuloy siyang kalokohan. Nag-umpisa na ang tugtug kaya lalapitan na n'ya sana si Erica ng may makauna ng nagbigay ng isang libo. Teka? Hindi ba ito ang kanyang karibal na si Gavin Mendez? At makikipagpaligsahan pa talaga para maisayaw si Erica? Nanadya ba ito kung sino ang magustuhan ay siya rin ang pupuntiryahin nito? Naasar pa si Harvey dahil pitong libo lang pala laman ng pitaka n'ya samantalang ang hambog ay may sampung libo! Bad trip. At kelan pa naging mapera ang g**o eh anak lang naman ito ng katiwala ng kabilang Hacienda? Nagpupuyos siya sa galit na pumunta na lang ng gilid. Titig na titig sa Gavin na iyon. So, gusto pala nito si Erica, pwes uunahan niya ito. Tingnan lang natin kung makaporma pa siya kung ibakod na nya ang babaeng kursunada nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD