CHAPTER 21: THE FORGOTTEN PROMISE

1048 Words

Ang headquarters ng Laurent-Lee sa Brussels ay tahimik na ng 8 PM, pero ang executive floor ay maliwanag pa rin. Si Charles Laurent ay nakaupo sa kanyang desk, tinititigan ang holographic projection ng quarterly reports. Ang mga numero ay nagsisimula nang mag-blur, nagha-halo sa isa't isa, nagiging abstract art ng kanyang pagkapagod. Bigla, parang may kumurot sa kanyang sentido. Isang matalas, mabilisang sakit sa temple. Pagkatapos, ang mga salita sa screen—"Southeast Asian Market Penetration"—ay nagiging gibberish. Souheas... Asian... Marke... "Mr. Laurent?" Tumingala siya. Nakatayo sa pinto ang kanyang assistant, si Greta, ang mukha ay puno ng pag-aalala. "Sir, kanina pa kayo... nagsasalita mag-isa. Sa French. Pero wala naman pong French sa report." Charles blinks. "Anong oras na?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD