Kinabukasan ay tumawag sa kanya si Riley para ipaalam na gusto siyang ma-meet ni Mr. Vasquez. Sinama siya nito nang sumunod na araw pagkagaling nya sa school. Pinasundo siya nito sa driver at hinatid sa office. Malaki palang talaga ang building ng Papa nito. Iba-iba daw ang negosyo ng Papa ni Riley. Hindi na sya masyadong nagtatanong dahil hindi rin naman nya maiintindihan. Nakilala din nya si Mr. Vasquez at gaya sa picture na ginuhit nya ay halos kaedad lang ito ng ama ni Riley at matikas pa rin. Mabait ito at malumanay kung magsalita. Doon sila nag-usap sa office ni Riley. Kahit hindi pa naman talaga opisyal na namamahala si Riley doon ay may nilaan ng office nito ang Daddy ni Riley. Malaki iyon. Mga halos thirty minutes din silang nag-usap ni Mr. Vasquez at hindi pa man ay may ibiniga

