Nang makaalis si Raine ay sunod-sunod na text ang natanggap nya mula kay Riley. BA'T DI MO NABANGGIT NA MAY PAMANGKIN PALA SI ALING MELDY NA GANUN KA GANDA? ANDAYA MO Binasa nya lang iyon at inis na binura ang message nito. Tumunog uli ang cp nya nang mabura nya ang message nito. MAY BOYFRIEND NA BA SIYA? Bumuntung-hinga lang siya uli at wala pa ring planong mag-reply dito. GIVE ME HER NUMBER. NANDYAN PA BA SYA? Dahil parang walang plano ata 'tong tumigil ay nag-reply na lang din sya. AKALA KO BA MAY MEETING KAU? BA'T TEXT KA NG TEXT? Di pa man nagtagal ay nagreply agad ito. YAH. PERO TAGA-PAKINIG LANG AKO DITO :-) Hindi na nya nireplayan ito. Naiinis sya na nasasaktan na ewan. Pumasok sya sa loob at nagkulong ng kwarto. Panay pa rin ang tunog ng phone nya. Inis na pinatay nya iy

