Magmula nang nakapunta si Raine sa bahay ni Riley ay halos kasama na nya ito kada Sabado kapag pumupunta sya doon. Naglalagi sya sa art room dahil naging busy sa mga ibinibigay na projects ni Mr. Vasquez. Lahat ng kita nya dito ay nilalagay nya sa savings dahil plano nyang magpatayo ng sarili nyang studio kapag nakatapos na siya. Nagbibigay din sya sa Mama nya pero sabi nito ay ipunin nya lang dahil may trabaho naman ito. Kaya hindi na siya himihingi ng pera dito na baon at panggastos sa eskwela dahil may sarili naman siyang kita na. Natapos na ang isang taon nila sa College at wala pa rin syang balita sa status ng relasyon nina Raine at Riley. Kating-kati na dila nya para magtanong pero nakahiyaan na nya. Katatapos lang ng school year kaya't mas maraming time na syang nagugugol sa paint

