Gaya ng sabi ni Riley ay nagiging busy na ito pagkatapos ng graduation. Hindi naman ito nakakalimot tumawag sa kanya para mangumusta kada gabi. Masyado pa rin itong makwento kahit alam nyang pagod ito dahil pinapatrabaho na ito ng ama nito sa opisina para maging gamay na daw sa pamamalakad doon hangga't maaga pa. Madalas ay taga-pakinig lang sya dito. Nangingiti siya habang nakikinig dito. Masaya na siya na kahit hindi ito nakikita lagi dahil naririnig naman nya ang boses nito. " Leigh, nakatulog ka na ba dyan?" maya-maya ay tanong nito sa kabilang linya. " Hindi, ah," sagot nya. Kasalukuyang nakahiga sya sa kama nya at nakapikit habang pinapakinggan nya ito. Miss na miss nya na kasi ito at nagkasya na lang sya sa pakikinig ng boses ng kaibigan. Maganda itong pakinggan kapag nagsasal

