Magmula nun ay nakagawian na nyang puntahan ito sa bahay kada Sabado o Linggo. Pero sinabihan nya itong huwag siyang papuntahin kung andun ang secretary na pinadala ng Daddy nito para "turuan" siya about sa mga pasikot-sikot sa office. Sumang-ayon naman ito pero sa tingin nya ay hindi na naulit na pumunta dun ang Secretary na iyon dahil magta-tatlong buwan ng perfect ang attendance nya kda Sabado sa bahay nito. Pinaayos pa nga nito ang isang kwarto doon na hindi ginagamit para ipagamit sa kanya kung feel nyang gumuhit habang busy ito sa mga papeles na pinadala ng Daddy nito sa bahay. Hindi nila namamalayan na isang taon na pala ang lumipas na ganun ang set-up nila. Madalang na lang itong nakakauwi sa bahay ng Mama nito kaya kadalasan ay siya ang bumibisita dito at minsan ay kasabay din ny

