Parang ito pa nga ang excited kesa kanya. Alas singko pa lang ng hapon ay andun na ang kinontak nito. Alas siyete kasi ang registration nila sa isang malaking Hotel na gaganapan ng event. Nakaligo na siya at nasa harap ng salamin at pinapatuyo na ng bading ang buhok nya nang tumunog ang phone nya. Nakita nyang si Riley iyon. " Punta ako diyan," hindi pa man sya nakapagsalita ay iyon na ang sinabi nito. " Huwag muna. Maya na lang pag susunduin mo na ako kasi busy pa ako. " Ayaw man nito ay napilitan na rin itong sundin sya. Iyong buhok nyang hanggang kili-kili ay kinulot ng bakla sa dulo. Nagsimula na rin nitong lagyan ng kolorete ang mukha nya habang ang Mama naman nya ay hindi umaalis sa harap nya habang inaayusan sya. " Dalaga na talaga ang baby ko," parang maiiyak na sabi nito. "

