Maagang pumasok si Carmen sa opisina kahit halos wala pa siyang tulog. Nasa hospital pa rin si Justin, at ang mga magulang na niya ang siyang nagbantay sa kapatid. Gusto sana niyang lumiban, pero alam niyang kailangan niya ring gampanan ang mga responsibilidad sa trabaho. Habang naglalakad siya sa hallway, napansin siya ni Luis. "Kamusta ka? Mukhang puyat ka," may pag-aalalang tanong nito. Napabuntong-hininga si Carmen. "Dinala namin si Justin sa hospital kagabi. Bigla na lang nilagnat tapos nagsuka pa." Lumitaw ang concern sa mukha ni Luis. "Oh no. Okay na ba siya ngayon?" "Wala pang update, hindi pa rin dumarating yung doctor. Pero naka-confine na siya," sagot ni Carmen habang magkasabay silang naglalakad papuntang elevator. Pagdating nila sa elevator, pasara na sana ang pinto nan

