Kinabukasan, buong lakas ng loob na tinungo ni Carmen ang opisina ni Tristan. Agad siyang pumasok. Nasa likod ng mesa si Tristan, abala sa pagbabasa ng ilang papeles. Nang marinig ang pagbukas ng pinto, tumingin siya at agad siyang napako ng tingin kay Carmen. "Ano'ng kailangan mo?" malamig niyang tanong. Humugot ng malalim na hininga si Carmen. "May hihingin sana akong tulong..." Saglit na katahimikan. "Tungkol saan?" tanong niya, hindi pa rin binabago ang ekspresyon. "Tungkol kay Justin," halos pabulong. "Kailangan niya ng operation. Urgent. Wala kaming gano'ng kalaking pera. Pwede ba akong manghiram... kahit hulugan ko na lang sa sweldo ko..." Nakita ni Tristan ang panginginig ng mga kamay ni Carmen, pati ang namumuong luha sa mga mata nito. Tahimik siya sa ilang saglit bago nagsa

