“BAKIT naman kasi kailangan mong mag-boardinghouse?” “Saan ako titira kung hindi sa boardinghouse?” tugon ni Luisita sa tanong ni Eduardo sa kanya. Nasa tree house silang apat. Tinutulungan niya ang mga ito na iayos ang mga gamit nila. Iyon na ang huling araw ng mga ito sa Mahiwaga. Bukas ay luluwas na ang mga ito sa Maynila. Nang nagdaang araw ay ginanap ang kanilang graduation ceremony. Karaniwan na ginugugol ng mga ito ang summer vacation sa Mahiwaga, ngunit dahil ginugol ng mga ito ang last school year sa lugar ay sa Maynila na magbabakasyon ang mga ito. Siya ay sa susunod na buwan na luluwas upang maghanap ng titirhan niya sa lungsod. Excited na siya sa pagsisimula niya sa kolehiyo. May halo iyong takot, ngunit normal lang marahil iyon. “Puwede sa `min,” sabi ni Eduardo. “Marami

