HINDI masukat ni Luisita ang kaligayahan niya habang kasama niya si Cecilio. Lahat ng libreng oras niya ay ginugol nila na magkasama. Hindi pa niya alam kung gaano katagal ang pananatili nito sa Sydney ngunit umaasa siya na magtatagal ito. He was working on his collection. Kapag oras ng trabaho niya ay naglilibot itong mag-isa upang maghanap ng inspirasyon. Naipakilala na rin niya ito sa ilang mga kaibigan niya roon. Pinagbawalan niya itong manligaw sa kahit na sino sa magagandang kaibigan niyang single. “Nagseselos ka lang, eh,” tudyo nito sa kanya habang papasok sila sa loob ng apartment na tinitirhan niya. May dalawa pa siyang kasama roon dahil hindi niya kakayaning mag-isa ang upa. Naitirik niya ang kanyang mga mata. “Mangarap ka.” Sinundo siya nito sa trabaho. Wala siyang trabaho s

