"Anong gagawin natin ngayon?" Nagsimula na akong kabahan. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa nangyayari. Sino ba namang tao ang gugustuhing ma-stuck sa isla at hindi alam kung makakabalik pa? "We have no choice but to wait for the rescue," sambit ni Gino. Seryoso ba siya? "Ha? Wait! Nasaan ang phone mo?" tanong ko. Hindi ko makakayang magtagal sa sa lugar na ito at makasama ang lalaking ito. Pagkatapos niya akong pag-trip-an kanina, never again! "I left it." "Ano?!" Para akong trumpong paikot-ikot dahil hindi na ako mapakali. Bakit kasi ngayon pa? "Arrrgggh! Alam mo, kasalanan mo 'to, e. Kung hindi mo lang sana ako sinama rito hindi mangyayari 'to!" anas ko sa kanya. No

