Natigilan sa paglalakad si Asher nang maramdamang tumigil si Amethyst mula sa likuran niya. Mabilis na nilingon niya ito para lang makita ang dahan-dahan nitong pagbagsak sa lupa.
“s**t!” Napamura siya nang mapagtanto kung anong nangyari sa babae. Nagmamadali niyang nilapitan ito at hindi nga siya nagkamali nang iniisip, nawalan na ng malay ang babae. Inalog niya ang magaang katawan nito ngunit walang respond siyang nakuha mula rito. “Bwiset naman, oh.” Iritang aniya at inayos ang malaking bag na nakasakbat sa balikat na walang sugat at pinasan ang babae.
Hindi ito kumibo at lumungayngay lang ang ulo nang buhatin niya.
“Peste talaga,” inis niyang bulong at nakangiwing nagpatuloy sa paglalakad.
Gusto niyang gisingin ang babae, alugin hanggang magkamalay ito pero kahit gawin niya iyon ay walang silbi. Pagod, gutom, at uhaw ang babae kaya walang mangyayari. Nanghihina na rin siya dahil sa tama ng b***l sa may balikat niya. Kailangan niya munang matiyak na naikulong niya ang babae bago siya makakuha kahit konting pahinga at magamot muli ang sugat.
Tinunton niya ang masukal na daan hanggang sa matanaw niya ang cabin. Pag-aari iyon ng isang dating kaibigan at kasamahan sa pangangaso. Namatay ang asawa nito habang ito nama’y nakakulong dahil sa kasong murder at illegal possession of firearms. Ang huli niyang pakikipag-usap dito ay nang ibigay nito ang cabin sa kaniya at sinabihan siyang magbagong-buhay.
Nakakulong man, para sa kaibigan niya, hindi pa huli ang lahat. Sa kabilang banda para kay Asher, malaya man siya, wala nang pag-asa pang magbagong-buhay.
Dahil sa naisip, padabog niyang ibinaba ang babae sa paanan ng hagdan dahilan para bahagyang maalimpungatan ito. Nagmulat ito ng mga mata pero dala nang panghihina ay hindi nito magawang gumalaw nang maayos. Ibinuka nito ang nanunuyong mga labi pero walang salitang lumabas sa bibig nito. Pinagdiit niya ang labi at tiningnan lang ito bago ibinalik ang mga mata sa cabin.
Malaki at mataas ang cabin na nakatayo sa gitna ng kagubatan. May hagdan paakyat na naiinis niyang tinunton habang dala ang bag at flashlight. Inalis niya ang kandado ng maliit na gate sa punong hagdan bago tuluyang pumasok sa may kalawakang teresa. Sunod niyang nilapitan ang pinto para iyon naman ang buksan. Habang binubuksan niya ang pinto ay lumikha ito ng mahinang pag-ingit. Ibinaba muna niya ang bag sa loob ng cabin bago bumalik sa baba para kunin ang babaeng hindi man lang gumalaw kahit isang sentimetro. Katulad kanina ay binuhat niya ito paakyat, pumasok sila ng cabin, at inihiga ito sa mahabang upuang kahoy na naroon.
Umuungol ito nang mailapag niya sa upuan ang nanghihinang katawan nito. Tumagilid ito ng posisyon at pilit iminulat ang mga mata. Hindi ito nagsasalita pero nagmamakaawa ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.
‘Hindi siya dapat kaawaan. Huwag kang magpapadala sa kaniya, Asher.’ Nakuyom niya ang kamao at tinalikuran ito.
KUMAKALAM na ang sikmura ni Amethyst pero kaya niyang tiisin iyon kung bibigyan man lang sana siya nito kahit tubig. Gayunman, kahit halos nagmamakaawang tiningnan niya si Asher ay nakakuyom lang ang kamaong tinalikuran siya nito. Nanghihinang napapikit siya at pinilit ibaling sa iba ang isipan. Kapag natulog siya ay hindi niya mararamdaman ang pangangailangan ng katawan niyang iyon pero bago pa siya tuluyang mahimbing, kailangan niyang ituon sa ibang bagay ang isip.
‘Fixed your eyes on the Lord, Amethyst…’ bulong ng isip niya.
Hindi pa lumalayo ang isip niya nang naramdaman ang mabibigat na yabag ni Asher na palapit sa kaniya. “Bumangon ka,” utos nito.
Gusto man niyang magpatianod ay hindi magawa ng katawan niya.
“Sinabi nang bumangon ka,” naiinip na utos muli nito.
Nagmulat siya ng mga mata at kaagad siyang nakadama ng pag-asa nang masilayan itong nakatayo sa harapan niya habang may hawak na bote ng tubig at dalawang mansanas.
“Kapag hindi ka bumangon diyan, hindi ka makakakain,” pagbabanta nito.
May magkahalong takot at pag-asa siyang naramdaman nang marinig ang sinabi nito. Nanghihina man, pinilit niyang bumangon. Sumandal siya sa upuan at ibinaba naman nito ang tubig at mansanas sa tabi niya subalit hindi ito umalis sa harapan niya.
“Kumain ka na at ‘wag ka nang pilian. Wala pang ibang pagkain dito.”
Pinilit niyang ngitian ito at sunod-sunod na tumango. Kung alam lang nito ay biyaya na para sa kaniya ang mga iyon. “S-Salamat,” aniya at mabilis na inabot ang tubig.
Akmang bubuksan niya ang bote nang sandaling matigilan. Sumulyap siya sa bote ng tubig bago sa dalawang mansanas.
‘Tama ba ito?’ bulong ng isip niya.
“Oh, anong inaarte mong iyan? Ayaw mong kumain?”
Tiningala niya si Asher na nananatiling nakatayo sa harap niya. Hindi siya tumugon at sa halip ay nagyuko ng ulo kasabay ng paghigit ng hawak sa bote ng tubig. “Lord, maraming salamat sa biyaya mong tubig at pagkain. Nawa’y siyang maging kalakasan ko,” bulong niya. “Pagpala—“
“Sa akin galing ang mga iyan. Paanong sa Kaniya magmumula iyan?” biglang angil ni Asher sa kaniya habang mariing hawak ang kanang braso niya.
Napalunok siya nang masalubong ang nakakatakot na tingin nito. Batid niyang anumang oras ay maaari nitong bawiin ang tubig at mansanas at maaaring hindi na rin siya pakainin nito. However, she couldn’t let that thought ate her, so she stared at him for a bit then closed her eyes and mumbled softly, “Oh Lord, everything is from you, but please, bless the person who gave me this.” Amethyst felt Asher’s hand began to loosen, but she ignored it and continued praying. “Bless the person you used as an instrument. Bless his heart.”
Walang salitang pabalang na binitiwan ni Asher si Amethyst. Nagmulat ng mata si Amethyst at muli ay nasalubong niya ang madilim na anyo ni Asher. “Sala—“
“Subukan mo pang magsalita at hahayaan kitang magutom,” mariing putol nito sa mga sasabihin sana niya.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi bago tahimik na binuksan na ang bote at uminom. Gusto niyang magtatalon sa saya nang sumayad ang tubig sa lalamunan niya. May kakaibang hatid na ginhawa sa katawan ang tubig.
“Bilisan mo riyan.”
Tiningala niya ang hindi pa rin umaalis na si Asher sa harapan niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya.
Inabot niya ang isang mansanas at iniaro sa lalaki. “G-Gusto mo?” alok niya.
Lalong nagsalubong ang kilay nito. “Akala ko ba’y nagugutom ka? Bakit ibinibigay mo sa akin iyan?”
“B-Baka kasi nagugutom ka na rin.”
Hindi kaagad nakapagsalita si Asher pero sa huli pinili niyang magmatigas. “Bilisan mo riyang kumain at may gagawin ka pa.”
Humigpit ang hawak niya sa mansanas at sinalubong ang mga titig nito. “Bakit? A-anong gagawin ko?” Hindi niya maiwasang hindi kabahan sa kung anong ipaggagawa nito, lalo na sa paraan nang pagtingin nito sa kaniya.
Hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nitong tumingin sa isang pintong nakasara. “Lilinisin mo iyon kung ayaw mong matulog kasama ng mga insekto.” Ibinalik nito ang tingin sa kaniya at nagpatuloy, “Kaya bilisan mo diyan.” Iyon lang at tumalikod na ito. Isinara nito ang pinto ng cabin, ini-lock bago naupo sa isa ang upuang katapat niya. Inabot nito ang bag na dala kanina at halos manigas siya sa kinauupuan nang maglabas ito ng b***l mula sa bag.
Nag-iwas siya nang tingin doon at mabilis na kumagat sa mansanas. Kailangan niyang maging malakas at magpakatatag. Hindi siya pwedeng panghinaan ng katawan at mas lalong hindi siya pwedeng pangunahan ng takot.
Sunod-sunod ang ginawa niyang pagkagat sa mansanas. Kung dala pa ba ng gutom o takot? Hindi siya sigurado.
MARIING pinagdiit ni Asher ang ngipin upang pigilan ang pagsigaw dala nang matinding sakit na nagmumula sa sugat na nasa kaliwang balikat niya. Sa ikalawang pagkakataon, ibinuhos niya ang alcohol sa sugat at rumagasa muli ang sakit. Pinagpapawisan siya nang malapot, nanlalata at halos patiran ng ulirat dahil sa sakit pero kailangan niyang tiiisin. Kanina pa niya tinitiis ang kirot na nararamdaman pero hindi niya pwedeng ipahalata sa babae na may sugat siya. Hindi niya pwedeng bigyan ito ng pag-asa o pagkakataon na matakasan siya.
Nang bahagyang mabawasan ang kirot ay nilagyan niya naman iyon ng betadine at binalutan ng gasa. Mabuti na lang at kompleto pa rin sa first aid kit ang cabin kahit ilang buwan ng walang natigil doon. Nang malinis at mabalutan ang sugat, nanghihinang sumandal siya at ipinikit ang mga mata. Grabe nang pasakit ang tinatamo niya dahil sa babaing iyon. Kapag hindi nagawan nina Brock nang paraan ito, tiyak timbog siya.
Iminulat niya ang mga mata at nilingon ang nag-iisang kwarto sa cabin. Tahimik at wala man lang siyang naririnig na kahit anong ingay o kaluskos mula sa loob. Nang hindi na niya matiis ang sakit at pagkaliyo kanina ay ikinulong niya na doon ang madre at wala itong reklamo o protestang pumasok sa loob. Wala na siyang pakialam kung malinis iyon o kung anong makakasama nito sa loob ng kwarto. Walang kuryente sa buong cabin at ang tanging ilaw lang na natagpuan niya kanina ay ang gasera na nasa ibabaw ng mesa sa tabi niya.
Naningkit ang mga mata niya kasabay nang pagkuyom ng kamao. Batid niyang sa mga oras na ito, nananalangin na naman ito sa loob.
‘Hanggang kailan siya aasang may makikinig sa kaniya?’ naiiritang bulong niya sa isip.
DARKNESS was all around. It was around Amethyst, and she knew, if she didn’t stop thinking, it would also envelop her within. She’s not done yet eating when Asher suddenly grabbed her and pushed her inside the room. The only light they had inside the cabin was from the small flashlight he got from his bag, but when he closed the door behind him, a cloud of darkness engulfed Amethyst.
She’s now sitting on the cold floor with only the remnants of an apple and water on her lap. Though her eyes were wide open, she couldn’t see anything inside the cold, dusty, and wooden-smelled room. As a result, her mind began to create creepy images of what was inside the room.
She closed her eyes, hoping sleep would creep in and tiredness ought to eat her whole body, but minutes passed and nothing came. She unclosed her eyes, and gazed at the door. There’s a small light creeping in beneath the door. He may have lit a candle or something. She heard some small sounds outside like footsteps walking around, and clanging of steel objects before silence came.
“There’s still hope,” she murmured as she continued to stare at the faint light. “Oh Jesus, let your light shine…”
The light went out, and abruptly she bit her lower lip. Warm and salty liquid fell on her cheeks, and she let it fall until her face began to itch.
Amethyst closed her eyes again. The room was silent as the night went on, but her mind was roaring that even if she wanted to, she couldn’t sleep.
KINABUKASAN…
Nakapamulsang lumabas si Asher ng pinto ng cabin at tumanaw sa labas. Bukod sa matatagpuan ang cabin malayo sa kabayanan, nakatayo ito sa gitna ng naglalakihan at nagtataasang mga puno kaya wala bastang makaalam kung nasaan siya at ang babae. Ang cabing iyon ay dating masayang bakasyunan ng kaibigan at asawa nito kapag naiingayan at napapagod na sa ingay ng lungsod. Naging taguan niya rin iyon kapag mainit siya sa mata ng mga pulis ngunit pagkatapos ng halos isang taong pagkakakulong ng kaibigan niya, pangalawang beses pa lang niyang bumalik sa lugar.
And now, he even brought some baggage with him.
Inalis niya ang kanang kamay sa bulsa at dinukot ang cellphone sa back pocket. Hinanap niya kaagad ang number ni Julio at tinawagan ito. Hindi kaagad mag-connect ang tawag dahil sa mahinang signal. Naghintay rin siya ng ilang segundo bago nag-ring at ilan pang minuto bago may sumagot.
“Asher?” Halata sa tono nito na kagigising lang nito. Alas-singko pa lang ng umaga kaya hindi na siya magtataka. ”May problema ba?”
‘Langhiya! Hindi ba nito nauunawaan na nasa gitna pa rin kami ng problema?’
“Kailangan namin ng supply dito,” sa halip ay tugon niya.
“Sinabi ko na kagabi kay Brock pero medyo mahirap kumilos dahil kahit nalusutan namin ang mga pulis kahapon, minamatiyagan pa rin kami.”
“Tss…” Naiinis talaga siya. Pera na naging pabigat pa.
“Kumusta pala ang sugat mo?”
“Ayos-ayos na. May mga gamit pa dito. Sana lang hindi pa expired iyong mga alcohol at betadine,” sarkastikong sagot niya.
Hindi pa rin siya makapaniwalang muntik na siyang mamatay kahapon. Kahit sinubukan niyang gawing hostage ang madre ay hindi siya nakaligtas sa matitinik na taga-Galleria. Nakalusot siya noong una. Hinayaan siyang makalampas ng mga ito, ibinigay ang hinihingi niya, pero masiyado siyang naging kampante noong tatakas na siya.
Sandali lang. Sandali lang ang pagitan. Halos wala pang dalawang minuto niyang nabibitawan ang babae ng isang bala ang tumama sa balikat niya. Hindi niya napansin na may sniper palang kasama ang mga ito. Buong akala niya’y huli na siya, na katapusan na niya ngunit sadya atang kapag masama kang d**o, hindi ka basta mamatay-matay. Dumating ang mga tao ni Brock at tinulungan siyang makaalis.
Habang nagkakagulo sila ay pinatakas siya ng mga ito. May tumagpo sa kaniya sa gitna ng daan, ibinigay ang susi ng truck na itinago nila ni Julio at kinuha ang bag na may ilang gamit at isang b***l. At ngayon, wanted siya na sinamahan pa nang patong-patong na kasong nag-aabang sa kaniya.
Ang mahinang tawa ng kaibigan ang nagpabalik sa realidad niya. “Huwag kang mag-alala, p’re, hindi ka tatalban ng expired na betadine.”
“Tss. Nagagawa mo pa akong pagtawanan.”
Humina ang tawa ni Julio bago nagwikang, “Huwag kang masiyadong mag-alala. Ginagawan ni Brock ng paraan. Maghintay ka lang diyan.”
“Ano pa nga bang maggagawa ko? Basta, ayusin ninyo lahat. Hindi pwedeng ako lang ang sabit dito.”
Natahimik ang kaibigan niya sa kanilang linya. Batid niyang hindi rin gusto nito na habang malaya ito at ang iba, nasa gitna siya at nakabunton lahat ng g**o sa kaniya. Pero ano pa nga bang maggagawa niya? Sa kamalas-malasan, siya ang napag-abutang kasama ng babae.
“Huwag ka nang mag-alala. Ligtas ako at maayos dito. Habang nasa atin ang babae, may laban tayo. Makukuha natin ang perang kailangan natin,” aniya sa mababa pero matapang na tinig.
“Hindi mo ba talaga sasabihin kahit sa akin kung nasaan kayo?”
Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa makapal na mga dahon ng puno. “May tiwala ako sa'yo pero kung alam mo, tiyak malalaman din ni Brock. Siguruhin muna niyang aayusin niya ang pangalan ko bago ko ilabas ang babae. Mabuti na ang nag-iingat.”
Hindi niya sinabi sa mga ito kung nasaan siya. Mainit siya sa mata ng mga pulis dahil siya ang kasama ng madre pero hindi ibig sabihin noon ay ligtas at dapat nang makampante si Brock. Kilala niya si Brock na hindi basta mauupo lalo kung alam nito kung nasaan sila. At sa pagkakataong ito ay tabingi ang sitwasyon nila.
Napabuntong-hininga ito. “Nangako si Brock, hindi niya tayo tatablahin.”
Gusto niyang pagtawanan ang kaibigan. Sa ilang taon na nila sa ganoong gawain, parang hindi pa rin nasanay ang kaibigan niya. Napakalambot pa rin nito at napakadali pa rin nitong magtiwala. Hindi pa rin nito nakukuha na ang mga pangako ng tulad ni Brock ay parang mga salita sa hangin.
“Sabihin mo sa kaniyang dalhin ang supply sa sasabihin kong lugar at ako ng bahala,” sa halip ay wika niya.
“Sige. Ipaparating ko.”
Akmang tatapusin na niya ang tawag nang may maalala. “Julio…”
“Bakit? May kailangan ka pa?” Hindi kaagad siya nakasagot pero tila naunawaan nito. “Sisilipin ko sila, Asher. Ako muna ang bahala sa kanila habang nariyan ka. Palagi kitang babalitaan,” may determinasyon sa tinig na pangako nito.
“Salamat.”
He finally ended the call, and slid the phone back in his pocket. Once again, he stared at the wide and vast green forest. At the horizon, the sun began to show up. Another day, another morning, but just like before, he would just wait for the night to find rest.
NAGISING si Amethyst sa malakas na yugyog sa may balikat niya kasunod ang malakas na lagapak ng kung anong bagay sa tabi niya. Nagmulat siya ng mata at unang sumalubong sa kaniya ay ang naglalakad patungo sa pintong si Asher. Dala nang pangangalay ay dahan-dahan ang ginawa niyang pagbangon. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa kabila ng takot kagabi.
Nakabangon na siya nang lingunin siya ni Asher. “Kumain ka na,” utos nito at kinabig pasara ang pinto.
Natitilihan na lang na napatulala siya sa nakasarang pinto. Nang mahamig ang sarili ay bumalik ang alaala ng mga nangyari kahapon ngunit bago pa siya pangunahan ng takot ay iginala niya ang tingin sa buong kwarto. Mali siya nang inakala tungkol sa silid. Maliban sa magabok ito, maganda, at maayos ang buong silid. May papag sa tabi ng dingding kung saan may nakatuping kumot at unan, may mesa na gawa sa kawayan sa gilid ng papag at may ilang inaalikabok ng mga aklat at tila mga magazine sa ibabaw nito. Sa kasalungat ng kama ay may tokador na halos kasingtaas niya, at sa tabi nito’y may isang maliit na bintana na natatakpan ng pinag-ekis-ekis na palatpat ng kawayan. Konting linis lang sa kwarto at gaganda iyon.
Bumaba ang tingin niya sa bagay na marahil siyang ibinagsak ni Asher sa tabi niya kanina. Pinggan iyon na may lamang mainit na kanin at piniritong itlog at sa tabi’y isang basong tubig. Nang malanghap niya ang amoy ng itlog ay napangiti siya. Mabilis na ipinikit niya ang mga mata at sa kabila ng katotohanang nasa gitna siya ng panganib, ipinagpasalamat niya ang bagong umaga, ang pagkain, ang panibagong lakas, at humiling na sana… sana… marami pang umagang magising siya.