(Saskia)
Mabuti nalang at napakiusapan ko si Benjie na wag nang banggitin sa kakambal ko ang tungkol sa nangyari kagabi sa may plaza. Sabi naman ni boss na si Rexon na daw ang kusang umayos sa gulo. Sana naman wag nang kumalat ang nangyari dahil nakakahiya talaga. Nakakahiya talaga kahit isipin na pinag- aagawan ako ng dalawang lalaki, na puro guapo, macho at mayaman.
Bago ako pumunta sa pinag- uusapan namin ni boss kung saan kami magkikita, dumaan muna ako sa isang kilalang albularyo sa lugar namin. Kailangan kong makahanap ng pangontra at paraan para mapaalis sa katawan ni boss ang sumanib sa kanya.
"Itong kwentas na ito ay isang mabisang pangontra sa mga masasamang espirito. Kung ang isang tao naman ay nasaniban na ng isang masamang espirito, isuot mo lang ito sa kanya at aalis agad ang masamang espirito sa kanyang katawan." Ani ng albularyo na si Mang Poldo.
"Hindi na po kailangan ng orasyon? Sigurado po ba kayo na epektibo ito?"
"Dinasalan ko na yan. Oo. Epektibo yan, galing yan sa akin."
Kinuha ko ang kwentas.
"Salamat Mang Poldo."
Akmang aalis na ako nang---
"Saan ka pupunta?"
"Aalis na po."
"Saan na ang bayad mo?" inilahad nya ang palad, hinihintay ang bayad ko.
"Ha? May bayad po ito?" laking mata kong sambit.
"Oo. Pambihirang bata to, wala nang libre sa panahon ito."
Napasimangot ako. Pambihira, gagasto pa ako para kay boss. Hayaan ko nalang kaya yon. Naku hindi. Kawawa naman si boss. Kahit masama ang ugali nung, tao parin naman yon. At kawawa parin kung may masamang espirito sa loob ng katawan nito.
"Magkano po ba ito?"
"Mura lang. Sikwenta."
"Sikwenta?" laking mata ko na naman sambit. "Wala po bang discount na 50 percent? Bente na ito."
"Wag mo akong kutungan bata ka, hindi yan tatalab ang kwentas."
Napasimangot ako habang ibinigay sa kanya ang sikwenta pesos na baon ko. Di na bali, bago ko ipasuot kay boss itong kwentas, sisingilin ko muna sya sa 50 pesos na nagasto ko para sa kanya.
Umalis ako na nakasimangot.
Naabutan ko si boss sa lugar na sinasabi kong kung saan kami nagtatagpo. Preskong- presko, halata na bagong ligo, naka- shade, nakasuot ng polo at jeans, tapos ang kintab ng sapatos. Nakasandal sya sa kanyang kotse na sobrang kintab din. At ang guapo nya tignan. Kaya halos lahat ng dumadaan ay napapalingon sa kanya.
Bakit ganyan ang suot nya? Ganyan sya magtinda?
Parang nakakahiya naman na lumapit sa kanya. Nakasuot lang kasi ako ng malaking T- shirt at short, tapos nakatali lang patalikod ang buhok ko, at isang lumang tsinelas lang ang sapin ko sa paa.
Huminga muna ako ng malalim bago maglakad muli palapit kay boss. Napatingin sya sa bungad ko. Napaayos sya sa kanyang pagkakatayo, saka nya hinubad ang suot nyang shade. Gosh! Ang guapo ni boss tignan habang inalis nya ang kanyang shade, parang bumagal yon kilos nya at naging blurred ang buong paligid at si boss lang ang malinaw. Lihim akong napalunok bago pa tumulo laway ko.
Hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Para akong nakukuryente sa kanyang ginawa. Ibinalik nya ang kanyang paningin sa aking mukha at nagkatama agad ang aming paningin, at---- ngumiti sya? Nakita ko na naman na ngumiti si boss, yon himala na binayaran nya ang 500 pesos na utang nya sa akin, at nung nagjogging kaming dalawa. Pero, mas gusto ko ang ngiti nya ngayon. Para akong na- inlove bigla.
Ipiniling ko ang aking ulo. Hindi ko sya pwedeng magustuhan. Bata pa ako at dapat doon ang pokus ko sa pangarap namin ni Amari. Sa isipin ito, bigla akong bumalik sa dati. Mas matimbang parin sa akin ang kakambal ko.
"Boss, bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko agad sa kanya nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya.
"Bibilhin ko nalang lahat ng paninda mo at pupunta nalang tayo sa ibang lugar." aniya.
Nakaka- engayo ang kanyang sinabi. Pero----
"Ayaw ko. Gusto kong magtinda kayo."
"Ano?" laking mata nyang sambit.
"Ayaw nyo boss? Kung ayaw nyo, tapos na ang usapan natin. Siguro, hindi na natin kailangang magkita pa."
Gusto kong maranasan nya ang ginagawa ko sa araw- araw. Para makaganti man lamang ako sa lahat ng insultong naranasan ko sa kanya. Ang totoo nga yan, saka ko na ipasuot sa kanya itong mamahaling kwentas na binili ko mula sa albularyo. Baka kasi pag ipasuot ko ito sa kanya ngayon, bumalik na sya sa dati at hindi ko man lang maranasan na magantihan sya kahit papaano.
"Fine. Basta pagkatapos nito, ako na ang masusunod." si boss
"Anong ikaw? Ako ang masusunod sa ating dalawa." Ani ko naman.
"Sinong boss sa ating dalawa?"
"Ikaw."
"See. Ako ang boss, ako ang dapat masunod." nakangisi nyang sambit. At sandali akong napanganga sa bagong reaksyon na nakita ko sa kanyang mukha.
"Sinong nanligaw sa ating dalawa?" lakas loob kong sambit.
"A- Ako."
"Sa tingin mo, sino kaya ang tunay na boss sa ating dalawa?" nakangiti kong tanong.
"I- Ikaw."
"Sino ang masusunod sa ating dalawa?"
"Fine. Ikaw."
"Very good. Mabuti nang nagkaintindihan tayong dalawa, boss."
"Pasalamat ka at masyadong inlove ako sayo." aniya sabay lapit ng kanyang mukha sa aking mukha.
Sobrang panlalaki ng mga mata ko. Hindi ko napaghandaan ang kanyang gagawin. Pakiramdam ko parang tumalon yong puso ko, at lumabas mula sa katawan ko.
May kapilyuhan ang kanyang ngiti habang inilayo nya ang kanyang mukha sa akin.
Hindi maganda ito. Ginagamitan nya ako ng gayuma ng kanyang kaguapuhan.
Kailangan ko na bang ipasuot sa kanya ang kwentas para matigil na sya sa kanyang ginagawa bago pa ako magayuma sa kanyang halos perpektong hitsura. Bahala na! Mamaya na. Baka bumalik na sya sa dati.
30 minutes later....
Nakatayo ako sa isang gilid habang nakatingin kay boss na pinagkaguluhan ng mga kababaihan. Nakakainis, hindi man lamang naghirap si boss sa pagtitinda dahil sa kanyang hitsura. Napaka- unfair naman. Ako, halos abutin ng buong araw saka pa maubos ang mga paninda ko tapos kay boss hindi man lamang umabot ng isang oras.
Sana naging lalaki nalang ako. Sa tingin ko naman, guapo din naman ako pag lalaki ako at pagkakaguluhan din ako ng mga kababaihan.
"Done." nakangiting sabi ni boss, sabay taas ng basket ng mga paninda ko na wala ng laman.
Gusto kong matuwa dahil hindi na ako mahihirapan pa at pwede na akong magpahinga, pero naiinis ako sa isipin na hindi ko man lang nakita na nahihirapan si boss. Yong tipong, pawis na pawis sya dahil sa paglalako, tapos sumasakit ang paa nya sa paglalakad.
Napasimangot ako.
"Hey, bakit ganyan ang hitsura mo? Wag kanang magselos kung pinagkaguluhan ako ng mga babae kanina."
Ano raw?
"Teka lang boss, nagkamali po kayo, hindi ako nagseselos." depensa ko na totoo naman.
Tuluyan na syang nakalapit sa akin.
"Aminin mo na kasi na nagseselos ka." pinisil nya sandali ang tungki ng aking ilong.
Hala ka! Ang kapal pala ng mukha ni boss.
Saan na kaya yon masungit na si boss, namiss ko bigla.
Nasa loob na kami ng kotse ni boss.
"Saan mo gustong pumunta?"
"Uuwi na." walang gana kong sambit dahil dismayado ako nang hindi man lamang nahihirapan si boss.
"Ayaw mo na ba akong makasama?"
"Oo, boss."
Lumatay ang lungkot sa mga mata ni boss. Saka ko naalala na masyado nga palang patay na patay sa akin itong kaluluwa na sumanib sa kanya, at hindi ko pa pala naibigay sa kanya yong mamahalin kwentas na binili ko para sa kanya.
"Sige na nga boss, sasamahan nalang kita sandali. Kawawa ka naman eh! Mukhang gustong- gusto mo akong makasama. Oo nga pala boss...." kinuha ko ang kwentas mula sa maliit na sling bag ko. "-- isuot mo pala 'to."
Napatingin sya sa kwentas na gawa sa pisi tapos may pendat na isang maliit na botelya, na parang may halamang gamot at papel ng orasyon sa loob.
"Yuck! What is that? Gayuma? Hindi mo na kailangan gumamit pa ng gayuma. Gustong- gusto na kita."
"Wag kang mangarap, boss. Hindi ito gayuma. Gamot ito para bumalik ka sa dati."
"Sa dating ano?" kunot- noo si boss.
"Basta. Isuot mo nalang to boss." pangungulit ko.
"Ayaw ko nga."
"Boss, sino ang totoong boss sa ating dalawa?"
"Ikaw."
"Ganun naman pala. Sige isuot mo na 'to."
"Fine." aniya, halatang napipilitan at kinuha ang kwentas mula sa akin. At nakasimangot habang isinuot iyon.
Pinaandar na ni boss ang kotse. Mukhang sosyal itong kotse ni boss pero napakapangit talaga nito, dalawang tao lang ang pwedeng sumakay. Pag yayaman na ako, hindi ako bibili ng ganitong kotse.
"Boss, ano nga pala ang brand nitong kotse mo?"
"Lamborghini Veneno."
Ano raw? Lamborgni Bivino. Katunog pala sa pangalan nya.
Pambihira naman itong si boss. Akala ko pa naman, ipapasyal nya ako sa isang magandang lugar pero parang umikot- ikot lang kami habang sakay ng kotse nya. Ang boring siguro nyang maging boyfriend, hindi man lamang mabigyan ng matinong date ang girlfriend nya.
Hanggang sa napatanto ko nalang na pumasok na ang kotse nya sa gate ng tinutuluyan nyang bahay bakasyunan.
Nasa loob na kami ngayon ni boss sa loob nitong unit nya. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa.
Lihim akong napatitig sa kanya. Nakasandal sya sa sandalan at ipinikit nya ang kanyang mga mata. Mukhang syang pagod.
Hindi pa ba sya bumabalik sa dati. Paki- test nga!
"Boss, nauuhaw ako. Ikuha mo naman ako ng tubig."
Naibuka nya ang mga mata at napatingin sya sa akin.
"Kumuha ka nalang. Alam mo naman kung na----"
"Boss, sino ba ang tunay na boss sa ating dalawa?"
"Okay! Okay!" aniya, tumayo sya at humakbang sya papasok sa dining.
God, hindi pa ba sya bumalik sa dati? Pero, sabi ni Mang Poldo, minuto lang at babalik na sa dati ang taong nasasaniban.
Baka naman, nauuhaw din si boss. Inisin ko kaya para masiguro ko kung bumalik naba sya sa dati.
Bumalik si boss at may dalang tubig. Paki- test nga uli.
"Boss, hindi na pala ako nauuhaw. Nagugutom pala ako. Igawa mo ako ng sandwich."
Inihanda ko na ang aking sarili sa galit nya. Napanganga sya na mukhang hindi makapaniwala sa narinig. This is it! Mukhang galit na sya.
"Okay. Just wait there, baby!"
What? Hindi pa ba sya magaling. Hindi pa ba umalis sa katawan nya yong sumanib sa kanya.
Grabeh, busog na busog ako sa sandwich ni boss. Napatingin na naman ako sa kanya. Paki- test nga muli.
"Boss, masakit ang paa ko. Pakimasahe mo nga."
Napatingin sya sa akin sandali. Again, inihanda ko na naman ang aking sarili sa kanyang galit. Pero--- nanlaki ang aking mga mata nang agad syang tumalima.
Napaupo sya sa sahig, saka nya hinawakan ang aking paa. Ang init ng palad ni boss ay gumapang sa aking katawan. At hindi ko alam kung bakit ko ito naramdaman.
Pinisil- pisil nya ang aking paa. This is it! Hindi na ako natutuwa. Kailangan na nyang bumalik sa dati dahil hindi ko na nagugustuhan ang naramdaman ng aking katawan. At nagugustuhan ko na itong pagiging malambing nya na alam ko naman hindi totoo. Naging ganito lang sya dahil sa masamang espirito na nasa loob ng kanyang katawan.
Hinawakan ko ang ulo ni boss.
"Masamang espirito, please, umalis kana sa katawan ni boss. Umalis kana! Iwanan mo ang katawan ni boss."
"Teka, anong ginagawa mo?"
"Wag kang mag- alala boss, ibabalik kita sa dati."
"Ano bang pinagsasa----"
"Pakiusap, masamang espirito, umalis kana sa katawang lupa ni boss. Iwanan mo na ang kata-----"
"Ano bang nangyari sayo, Saskia?" tila naiirita na tanong ni boss. Inalis nya ang aking kamay sa kanyang ulo, saka sya napatayo.
"What are you doing?"
Halata ang irritasyong sa kanyang mukha. Bumalik naba sya sa dati? Nagtagumpay ba ako?"
"Boss, ikaw na ba yan? Wala ka na bang gusto sa akin?"
Tila napaisip sya. Mayamaya lang, napangiti sya at tila may kakaiba sa kanyang ngiti.
Umupo sya sa aking tabi. At hindi ko napaghandaan ang susunod nyang gagawin. Pabigla nya akong itinulak kaya napahiga ako sa sofa, tapos pinasadahan nya ako. Napasigaw ako sa kanyang ginawa.
Ang bilis ng t*bok ng puso ko, lalo pa at sobrang lapit ng kanyang mukha sa aking mukha.
"Boss, anong gagawin mo? H- hahalikan mo ba ako?" lakas loob kong tanong.
"Ano ang sa tingin mo?"
"Wag po boss, kasi---" kailangan ko bang sabihin, nakakahiya naman. Kunot- noo sya. "-- kasi boss, bad breath ako ngayon, hindi ako naka pag tooth brush kanina."
Totoo itong sinabi ko. Naubusan kasi kami ng toothpaste. Nilinis ko lang ang ngipin ko gamit ang bayabas, para hindi halata na hindi ako nakapag- toothbrush.
"Wala akong pakialam." aniya.
Unti- unting palapit ang kanyang labi sa aking labi. Sobra ang kaba ko.
Akmang tatama na ang labi ni boss sa aking labi nang biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napatingin ni boss sa pinto at----
"What the f*ck!" sabay na sambit ng dalawang lalaki.
Nakanganga akong napatingin kay boss tapos sa dalawang lalaki.
T- tatlo sila?